#UnforgettableMistake
CHAPTER 32
BetterMalalim ang bawat paghinga ko nang bumaba ako sa harapan ng building kung saan naka-locate ang kompanyang paga-applyan ko. Ang tagal na mula nang huli akong pumunta rito, ngunit napakalapit pa rin nito sa puso ko.
Ito ang unang tumanggap sa 'kin. Dito ako unang natuto ng mga bagay-bagay. Dito ko naramdaman ang kalayaang matagal kong hinangad. Sila ang unang nagtiwala sa kakayahan ko bilang ako.
Nang magpalit ang kulay sa traffic lights ay kaagad akong sumabay sa mga taong tatawid. Kasabay nang bawat paghakbang ko ay ang pagbilis nang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari pagtapak ko sa loob. Nandiyan pa kaya ang mga taong nakasama ko noon? Makikilala pa kaya nila 'ko?
Mahigpit ang kapit ko sa resume ko habang nakasunod sa babae patungo sa lugar kung saan ang interview. I searched online for jobs, and I found out that Making Memories is hiring. Kahit mababang posisyo lang ang hinahanap nila'y ayos na sa akin. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng full-time job.
Hindi ako p'wedeng umasa sa pagiging freelancer. Lalo na't narito na kami sa Maynila. Mas mahal ang gastos dito. May savings ako pero hindi p'wedeng umasa nang umasa roon. Kailangan kong kumita para sa future namin ng anak ko. Ilang taon na lang din ay mag-aaral na siya.
"You can wait here until your name's called," sambit ng babae nang huminto kami sa reception sa eleventh floor.
"Thank you," sabi ko at malawak na ngumiti sa kanya.
Isang beses niya 'kong tinanguan bago ako tuluyang iwan. Nang mawala siya'y roon ko lang napagtuonan ng pansin ang paligid. Walang nagbago sa reception base sa pagkakaalala ko. Naroon pa rin sa gilid ang malaking logo ng Making Memories. Napanatili ang kalinisan at kagandahan dito pa lang sa labas.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa gilid. Hindi lang ako ang naghihintay dahil may limang aplikante akong kasama. Ang babata ng itsura nila, medyo nailang tuloy ako. Hindi sa pagyayabang, pero sigurado akong makukuha ako rito dahil may experience ako kahit papaano. Hindi ko nga lang alam kung may sama sila ng loob sa akin dahil hindi maganda ang pag-alis ko noon.
"Here."
Napabaling ako sa babaeng katabi ko nang abutan niya 'ko ng bottled water. Ilang segundo ko iyong tinitigan bago kuhanin. Hindi ako nauuhaw pero ayaw kong masabihan ng kung ano kaya ininom ko iyon.
"You look familiar. Baka magka-schoolmate tayo?" Nanliit ang mga mata niya nang titigan ako. Mahina lamang akong natawa dahil paano kami magiging magka-schoolmate? Pito o walong taon na yata akong graduate.
"Sa SU ka?"
Nakangiti akong umiling. Lalong kumunot ang noo niya kaya muli akong natawa. Saglit nga lamang dahil lumabas ang nagtatawag at siya na pala ang susunod.
"Galingan mo." Ipinakita ko sa kanya ang kamao ko.
Pumasok na siya kaya naiwan akong mag-isa. Nakangiti akong natulala sa malaking logo sa harapan ko. Ayaw kong i-overthink ang mga what-ifs sa buhay ko kaya binalingan ko na lang ang hawak na resume at binasa ito nang paulit-ulit.
Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang tinted glass door at niluwal noon ang babaeng nagbigay sa 'kin ng tubig. Malaki ang ngiti niya kaya alam kong maganda ang naging resulta ng interview.
Bago pa 'ko makalapit sa kanya'y tinawag na 'ko kaya hindi na kami muling nagkausap.
"Take your seat."
Natauhan ako sa pagtingin sa loob ng lobby nang magsalita ang magi-interview sa akin. Hindi ko mapigilang hindi maalala si Ms. Love. Siya iyong nag-interview sa akin noon, dito sa lugar na 'to rin.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Mistake ✓
Literatura Feminina[COMPLETED] One night of celebration turns into pleasure. Are they ready for the consequences of their action? Started: April 24, 2021 Ended: July 18, 2021