CHAPTER 8

67 3 0
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 8
Cousins

"I'm sorry if I keep you with me for such a long time," Marvin uttered when we got stuck in the traffic along Legarda. 

"It's alright. Kumain naman na tayo ng dinner, so wala ng problem," nakangiting sagot ko kahit na damang-dama ko na ang pagod para sa araw na 'to.

Nang sulyapan ko siya'y kagat niya ang kanyang labi habang umiiling. Ngumuso't napakunot ang aking noo sa kanyang inasta. What's wrong? Siya yata ang bawal gabihin?

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita ngunit naunahan niya 'ko.

"Baka hindi na 'ko payagan ni kuya. Ang sabi ko'y maaga kitang iuuwi," problemadong aniya.

Mahina akong natawa sa kanyang sinabi. Tsk, pinoproblema niya 'yon? Guard lang naman si kuya. Kahit hindi siya pumayag ay hindi niya hawak ang desisyon ko. At saka, bakit hindi siya papayag? Hindi ko naman siya tatay.

"Ako na lang ang kakausap," saad ko upang mapanatag na siya.

Isang sulyap lang ang ginawa niya sa akin dahil gumalaw na ang mga sasakyan, ngunit batid kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. 

"Ako ang lalaki. Ako ang kakausap."

Ngumiwi na lang ako sa kanyang sinambit. Hindi na 'ko muling nagsalita hanggang sa tuluyan kaming makarating sa suites. Hininto niya ang sasakyan sa harapan ng building. Nandoon pa rin sa labas si kuya guard at kaagad na tumayo nang makita kami. Hindi tinted ang kotse ni Marvin at mas gusto ko ng ganito upang maiwasan nila ang pag-iisip na may milagro kaming ginagawa rito sa loob.

"Thanks for today." I unfastened the seatbelt.

I didn't assume that he'd join me as I went out of his car. Gulat tuloy akong napabaling sa kanya nang makalabas kami ng sasakyan.

"Magandang gabi po, Ma'am," sambit ni kuya guard ngunit napako ang tingin ko kay Marvin na kabadong-kabado ngayon habang nakatanaw kay kuya.

Humalukipkip ako at nanatiling nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan. Kagat ko ang labi ko habang tinatanaw siyang mabagal na lumakad patungo sa kinaroroonan ni kuya. Kabaliktaran ng kanyang asta ang galaw ni kuya.

Kuya guard's all smile as he greeted the people who enter and exit the building. Gusto ko nang matawa sa ekspresyon ni Marvin na mukhang natatae pero diniin ko ang pagkagat sa aking labi upang mapigilan ang sarili.

"Oh! Kayo pala, Sir!" masayang bati ni kuya nang tumigil sa kanyang harapan si Marvin.

Hindi ko marinig kung ano'ng sinabi ni Marvin dahil malayo ako sa kanila. Malakas lang talaga ang boses ni kuya kaya rinig na rinig ko ang bawat salitang binibigkas niya.

"Wala po 'yon! Ayos lang po! Mukha namang nag-enjoy at ligtas si Ma'am!"

Nakatayo na ng tuwid si Marvin matapos ngumiti ni kuya sa kanya. Lumingon siya sa akin at suot-suot niya na ang kanyang malaking ngiting umaabot hanggang sa kanyang mga mata. Ibang-iba sa ngiting ipinakita niya sa akin matapos kantahin ang kantang sinulat niya para kay Mrs. Arlene.

"You should go in now. Lumalalim na ang gabi," wika niya nang makalapit sa akin.

I smiled and nodded. "Ikaw rin. You should get going now."

"Yes, Ms. Daphne. Pumasok ka na at uuwi na rin ako."

Muli pa 'kong tumango sa kanya bago nagsimulang lumakad papasok ng building. Binati ako ni kuya guard ng magandang gabi ngunit tango lang ang aking nasagot dahil ang pagod ay nanunuot na sa aking katawan.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon