CHAPTER 18

60 2 0
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 18
Paradise Hotel

"You're really going abroad," Dary dramatically said as she pouted.

Ikinawit ko ang buhok ko sa aking kanang tainga at malimit na ngumiti sa kanila. Nandito kami ngayon sa airport dahil hinatid nila kami ni Luckson. We're bound to Singapore for our new job.

"Isang taon lang ang contract namin," pagpapagaan ko.

"Even so, matagal pa rin iyon!"

"Tsk, mabilis lang iyon. Mag-focus ka na lang sa med school," sambit ni Luckson.

"He's right. Pagbalik nila mayaman na sila pero ikaw nag-aaral pa rin," si Lyn at akmang aakbayan na sana si Dary ngunit lumayo ito't sinamaan siya ng tingin.

"Alam ko namang ilang taon pa 'ko mag-aaral pero kailangan mo bang ipangalandakan iyon?!" singhal nito.

Mahina lamang natawa si Lyn. "'Wag kang mag-alala, ililibre kita sa unang sahod ko." 

Pinanood ko lang silang mag-asaran hanggang sa marinig kong tawagin na ang flight namin. Nakanguso kong nilingon ang mga kaibigan ko. Natigil na rin silang dalawa. Malungkot ang tinging ginawad ni Dary sa aming dalawa, habang si Lyn naman ay parang wala lang.

"I'll miss you, two." Dary hugged me first before hugging Luckson.

"Stop being dramatic, Dary. I know you won't have time to visit us. We'll visit you once we came back," Luckson told her.

Tinapik lang ni Lyn ang balikat namin ni Luckson. Ngumiti siya at sinabing, "Mag-ingat kayo ro'n. 'Wag n'yo kaming isipin dito. Ako na munang bahala kina Dary at Lyn. 'Wag n'yong kalimutan ang pasalubong namin." Humalakhak siya.

Nakangiti lamang akong umiling bago muling nagpaalam sa kanila. Sa huling pagkakataon ay kumaway ako sa kanila bago hatakin ni Luckson ang gamit namin. 

"Sige na, baka maiwan pa kayo ng eroplano," pagpapaalis ni Lyn.

Tinalikuran ko na sila at nakipagtitigan kay Luckson ng ilang segundo bago tumango. Sabay kaming lumakad papasok at palayo sa mga kaibigan namin. Wala si Chel dahil start na ng training niya. Natanggap kasi siya sa isang airlines. Gustuhin man niyang sumama, mas kailangan niyang unahin ang future niya.

We were already sitting inside the airplane when I remembered why I was here at this moment. I bitterly smiled as I looked down when the airplane flew away—away from my home.

**********

"Daphne." 

I stopped walking towards the stairs when I heard my father called me. Kaagad akong lumingon sa kanya. Nang makitang nakatingin din siya sa akin ay hindi na 'ko nagdalawang-isip na lumapit sa kanya. Kinuha ko ang kanang kamay niya upang magmanong.

"Kailan po kayo umuwi?" tanong ko nang maupo kami sa maliit na mesa sa harapan ng pool.

"Your mother came home yesterday. You didn't come home last night, she told me," sagot niya. 

Napainom ako sa juice na nasa harapan namin nang sabihin niya 'yon. Hindi ako nakauwi kagabi dahil may biglaang trabaho. It was an overnight event. Hindi ako nakapagpaalam dahil hindi ko naman alam na kahapon pala umuwi si mom.

"I heard from Manuel that you were at the hotel working," he uttered—washing my nervousness away.

"T-There was an urgent event." I couldn't look at him, so I fixed my gaze on the glass.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon