CHAPTER 16

70 2 26
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 16
Home

Hindi sapat ang twenty-four hours sa isang araw sa dami ng ginagawa ko. Matapos ang isang event, kaagad na may susunod. Minsan nga'y hindi pa tapos ang isa, mayroon kaagad nakapilang kasunod. 

I love my job, but sometimes, it's draining me out.

"Look at your eyes!" mom hysterically said as she pointed her fingers under my two eyes. "Are you even sleeping?!" Her eyes widened.

I bit my lower lips as I withdrew my sight from her. I didn't want to be the cause of my parents' fight. Kaya ko pa naman at ilang araw na lang ay matatapos na ang buwan na 'to.

"Natutulog po ako, mom. Marami lang talagang trabaho ngayon at dalawa lang kaming inaasahan," kalmadong sagot ko.

"Is this what you really want?" tanong niya na nagpatahimik sa akin.

Is this really what I want? Iyan ang tanong na hindi ko mabigyan nang malinaw na sagot. Ito ang trabahong gusto ko, ngunit hindi sa lugar na ito. 

"It is, mom," mahinang sambit ko nang mamataan si dad pababa ng hagdan.

Malambot ang tingin na ginawad sa akin ni mom nang sulyapan ko siya. Naiipit ako, ngunit wala akong magawa dahil ito ang pinili ko. My mother? She's concern about me, but that's just it. She couldn't oppose my father. 

Awa at pag-aalala lang ang kaya niyang ibigay sa akin. Maliban doon, wala na.

"We should go," ani dad nang makalapit siya sa amin.

I faked a smile as I looked back at my mother. I hugged her as tight as I could. Yakap-yakap ko na siya ngunit pakiramdam ko'y napakalayo niya pa rin.

"Take care of yourself while we're away," huling bilin niya bago tuluyang sumakay ng sasakyan.

Naiwan akong nakatayo roon habang nakatanaw sa pag-alis ng sasakyan nila. Nang mawala na sila sa aking paningin ay roon kusang nawala ang pekeng ngiti sa labi ko. Hindi ko hinayaang makapaglakbay pa ang isip ko, bumalik na 'ko sa loob upang mag-ayos.

**********

Makalipas ang dalawang oras, ligtas akong nakarating sa hotel. Maraming media at mga fans ang nagkalat sa labas kaya inabot ako ng siyam-siyam bago makapasok. Mabuti na nga lang at nakita ako ng guard kaya tinulungan niya 'ko. 

Ibang klase talaga ang mga die-hard fans. Papasok lang naman ako sa trabaho ngunit nakalmot at nasabunutan pa 'ko! I know they're all excited, but they should try to calm down. Tsk, I shouldn't care about it. Kahit ano namang sabihin ko rito'y hindi sila magbabago. They need to grow up.

"You look like a mess," kumento ni Madina.

Ngumiwi ako dahil alam ko naman. 

"Yeah. Nasayang iyong isang oras na pag-aayos ko," iritadong sambit ko.

Mahina siyang natawa sa sinabi ko kaya natawa na lang din ako. Ayaw kong sirain ang araw ko dahil lamang dito, pwede naman akong mag-ayos ulit. At saka kung ngayon pa lang ay bwiset na 'ko, wala akong matinong magagawa.

"Ms. Sierra is already in the dressing room. We're still waiting for Mr. Vargas to arrive," Madina informed as we made our way towards the hall. 

Today's the meet and greet of the famous love team—which are Layla Victoria Sierra and Ivan Juaquin Vargas. They have a lot of movies, dramas, and music videos together. But I haven't watched them yet. All I know is they're indeed popular. Halata naman sa dami ng tao sa labas.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon