CHAPTER 20

67 2 0
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 20
Promotion

The gold glitter medieval theme of the graduation party of the Santiago University was the most elegant event I've ever organized. The fresh graduates of SU who would rule the world someday were having the time of their lives now.

Tapos na ang formal part ng event kaya nagkakasiyahan na ang lahat ngayon. They took off their masks and moved their bodies to the rhythm of the music. Nakangiti ko lang silang tinatanaw mula rito sa backstage. Kaa-alis lamang ni Mr. Manuel Santiago at katatapos lamang ng message niya sa mga ito, ngunit kaagad nagbago ang atmosphere sa buong hall.

"Look at Mrs. Questro," tumatawang saad ni Madina nang tumigil siya sa aking tabi. Inabot niya sa akin ang isang baso ng wine. Kahit na ayaw kong uminom ay hindi ako nakatanggi. "Maganda si manager kaya hindi halatang organizer siya. Nagmukha silang magkaka-batchmate."

Inikot ko sa buong hall ang mga mata ko hanggang huminto ito sa gitna. Kaagad akong natawa nang makita si Mrs. Questro'ng nakikipagsayawan sa mga estudyante. Tama si Madina, nagmukha silang magkakaklase lang.

"She married early, so she didn't get to club a lot," kumento ni Madina habang patuloy naming pinapanood ang pagsasaya ni Mrs. Questro.

Kumunot ang noo ko sa kanyang hinayag dahil wala akong alam sa buhay nila. I prefer being professional. I didn't want to mix personal lives with work.

Ngumuso ako at saka nilaro ang wine sa baso. Gusto kong magtanong ngunit ayaw kong ako mismo ang bubuwag sa prinsipyong pinanghahawakan ko sa tagal na taong pagtatrabaho ko.

"Did you know that she'd been married for ten years, yet she doesn't have a child?" Madina asked. Nang balingan ko siya'y ini-straight niya ang wine at nang may dumaang waiter, kumuha muli siyang bago at nilagay sa tray ang wala ng laman. "I heard that she got married when she was still in college. They were in an arranged marriage, but until now, they're not breaking the marriage!" problemadong aniya at saka muling ini-straight ang kakukuha pa lamang na baso.

Nakanganga ko lamang siyang pinanood. How could she drink like that? Kung ako 'yan ay baka lasing na 'ko at kung ano-anong kagagahan na ang ginagawa ko.

"But here's the tea." Lumapit siya sa akin. Mabango pa rin naman siya kaya hinayaan ko lang. Nilapit ko ang tainga sa kanyang bibig. "Sabi sa chismis bakla raw iyong husband niya kaya wala silang anak. Hindi sila naghihiwalay dahil ayaw masira iyong reputasyon no'ng bakla." Ngumuso at pinagtaasan niya lang ako ng kilay bago lumayo.

Napakamot ako sa aking batok nang ibalik kay Mrs. Questro ang paningin. She was carefree in the middle of graduate students. Indak siya nang indak habang pinalilibutan siya ng mga masasayang estudyante. I bit my lips. Should I go and get her? Paano kung malaman pa ni Mr. Santiago ito? Baka kung ano pang mangyari sa kanya.

I was about to go and get her when a tall and handsome man suddenly got in between. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pamilyar na mukhang humila kay Mrs. Questro palayo roon.

"That's her husband!" Madina squealed. "Iyong baklang sinasabi sa chismis," tumatawang aniya.

Nalaglag ang panga ko nang magtama ang paningin namin ni Elmo. He was Kuya Iker's friend. Palagi ko siyang nakikitang kasama ni kuya noon. Kahit na matagal na panahon na ang lumipas, tiyak akong siya 'yan!

Hindi niya yata ako napansin dahil madilim ang titig niya sa lahat habang hawak-hawak ang braso ni Mrs. Questro. Muli ko lang nabalik ang atensyon kay Madina nang bigla siyang bumagsak. Tuluyan nang nakalabas sina Mrs. Questro.

"Lasing ka na?" tanong ko nang lumuhod sa harapan ni Madina.

Ngumuso siya at bigla na lamang umiyak. I froze on my spot when she suddenly cried in front of me. Kagat niya ang labi niya upang iwasan ang paghikbi. Tahimik siyang umiyak sa harapan ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Natataranta ako na ewan! Freak, hindi ako maalam sa ganito!

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon