PROLOGUE

285 7 0
                                    

#UnforgettableMistake

PROLOGUE

Wild lights playing around the hall, and the loud beat of music along with the people dancing to it was the first thing that my eyes caught as soon as we entered the nightclub where my friend dragged me. But before I could even roam my eyes around, Dary grabbed me towards the door on our left side.

Kaagad na nawala ang malakas na tugtog ng musika nang makapasok kami at maisara niya ang pinto. This other side of the door looked formal than the former. Hindi ganoon karami ang tao at tahimik lamang. Ngunit muli, bago ko pa maiikot ang paningin sa kabuuan ng lugar, hinila niya na 'ko patungo sa isang lamesa.

My eyes widened at the sight of my best friends sitting on the couch with alcohol on the table, waiting impatiently for us. I saw how Chel's face lifted when she saw us coming. Kumunot ang noo ko nang makalapit kami sa kanila.

"I thought you're all busy?"

"We're not," Chel responded as she hugged my left arm and helped me took the seat next to her.

"I asked you guys for dinner earlier. You told me you're all busy." Nilabas ko ang phone at pinakita sa kanila ang mga chat nila kanina.

Nagtinginan silang lahat at saka nag-iwas ng tingin sa akin. Lyn's the only one who got to look at me. Sa bagay, hindi naman siya magiging Criminal Lawyer kung tutulad siya sa mga kasama namin.

"Luckson instructed us." She raised her brow as she stared at me. "Anyway, congratulations on your promotion. You deserve it." Matapos sabihin iyon ay bumaling na siya sa lamesa, kinuha ang isang shot at nilagok.

Ngumuso ako upang pigilan ang nagbabadyang ngiti. Lyn isn't vocal about how she felt about us, but her simple compliment and congratulation made my heart full.

"Congratulations, Oli," Dary said as we made a toast.

We're not a fan of alcohol, so we're still sober. Mas marami nga ang kwentuhan at kainan namin kaysa ang inom. We should've met in a restaurant, not here. 

"Alam n'yo kanina si Oli nang sinabing promoted na siya, imbes na maging masaya, naiyak pa at tumingin sa manager niya. Mabuti nga at napigilan ko pang matawa habang pinapanood siyang umiiyak na tinatanong si Mrs. Questro kung ano'ng nangyari," tumatawang kwento ni Luckson, may tama na yata.

Ngumiwi ako nang matapos siya. Pati ba naman 'yan ay ikukwento niya pa? Umiling na lamang ako nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ako umaasang may promotion na magaganap. Sa department kasi namin ay isang manager lang ang kailangan. I was an assistant manager, at napalapit na 'ko kay Mrs. Questro. I've learned a lot from her. Hindi nila maiaalis sa aking mag-alala.

"Palibhasa kasi wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo," buwelta ni Chel.

Hindi ko napigilang matawa nang marinig ang sinabi ni Chel. Hindi ko akalaing makakayanan niyang awayin si Luckson. Simula highschool kami'y silang tatlo nina Lyn ang magkakasama.

"Tsk, mabuti nga at kinukwento ko pa sa inyo, e!"

"As if we care." Umikot ang mga mata ni Lyn bago bumaling sa akin. "What's your plan now?" Tinaasan niya 'ko ng kilay na nagpabigla sa akin.

Freak! Kahit kailan talaga ay mahilig manggulat ang isang ito! Laking pasasalamat ko na lang at hanggang ngayon ay hindi pa 'ko inaatake sa puso sa t'wing gaganiyanin niya 'ko.

"What do you mean plan?" Nilagok ko ang isang shot at sumipsip ng lemon bago bumaling sa kanya. Magkasalubong na ang mga kilay niya nang magtama ang aming paningin, bigla tuloy akong napalunok.

"Wala ka bang planong mag-jowa?" si Dary.

Natigilan ako sa biglaan niyang tanong. Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Nag-init ang ulo ko nang makitang nakangisi sina Luckson at Lyn habang nakatitig sa akin. Ano na naman bang trip ng mga 'to? Wala nga 'kong manliligaw ta's jowa kaagad?

"I don't have time for that. At saka, kayo rin kaya, wala rin naman kayong jowa, huh?"

"You're 25, ano na balak mo?" ani Chel matapos ang ilang minutong pagtahimik.

"Twenty-five na rin kayo, e?" 

"Ikakasal na kaya ako," aniya na nagpatigil na naman sa akin.

"What? When? To whom?" sunod-sunod na tanong ko.

Nang hindi niya 'ko sagutin ay binalingan ko ang tatlo, mga nagpipigil sila ng tawa kaya hinampas ko si Chel.

"'Wag mo nga 'kong niloloko!"

Humagalpak silang lahat ng tawa habang ako naman ay hindi maipinta ang mukha. Celebration ba talaga 'to ng promotion ko, o meet up para pagkaisahan nila 'ko? These freaks!

"Bahala kayo riyan! Powder room lang ako," I excused myself and immediately left the table.

Hindi ako pamilyar sa lugar, ngunit sa tulong ng pagtatanong, nahanap ko rin ang bathroom. I don't feel like peeing, but when I saw the cubicle, I peed. Wala pa ring tao hanggang matapos ako kaya nakuha ko pang mag-retouch. 

I saw the bar counter on my way back, so instead of going back, I sat there. I ordered a drink and sipped it right away when I felt thirsty. I got addicted to the taste of the cocktail, so I kept drinking. Natigil lamang ako nang may humawak sa cocktail at nilayo iyon sa akin.

"Give it back," I uttered, but he didn't listen. Instead, he sat beside my seat.

"Since when did you start drinking?" His voice sounded familiar, pero hindi ko maalala kung saan ko iyon narinig.

"Give it back," I repeated, but this time, it's softer.

"Hmm." He stood up, so I looked up to him. My sight was blurry, but I could see that he has white and flawless skin.

Nang lumapit siya sa akin ay nalanghap ko ang kanyang amoy. It's a mixture of alcohol and his luxury perfume. I instantly forgot the cocktail I was craving. Now, I'm addicted to his scent. Lumapit pa siya sa akin kaya naihilig ko na ang ulo ko sa kanyang tiyan. I felt his hands on my back, and before I could even react, darkness filled me.

The softness of the bed and the pillow I'm hugging woke me up. Kadidilat ko lamang ngunit muli akong napapikit nang maramdam ang sakit ng ulo. Nagpagulong-gulong ako sa kama, umaasang mawawala ito ngunit walang nagbago. Ilang segundo akong nakipagtitigan sa kisame bago ako napabangon.

Freak! Where am I?!

Kahit na masakit ang ulo'y tumayo ako ng kama. Naistatwa ako sa kinatatayuan nang bumagsak ang nakabalot na kumot sa akin. Parang tumigil at gumuho ang mundo ko nang makitang wala akong suot na damit. 

Pinilit kong labanan ang nagbabadyang luha ngunit hindi ito nagpapigil. Tuluyan na 'kong naiyak at nasubsob sa malamig na sahig. I know I shouldn't conclude, but how could I not? I can feel the stingy sensation on my private part.

My whole world collapsed as vague images of what happened last night popped in my head. I on top of him, and him on top of me.

Nanginginig ang mga paa ko nang tumayo ako at tumitig sa kabuuan ng kwarto. What the freak have I done? Freak! Freak! Did he even use protection? I'm mentally panicking when I saw a piece of paper on the side bed table. With my baby steps, I walked towards it. I didn't know what to feel after reading the words written in there. Should I be happy, or should I not?

"I'm sorry about what happened last night. I was drunk. I didn't intend to do that. Oli, I'm sorry, but can we forget that it happened?" - Marvin.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon