CHAPTER 1

185 5 0
                                    

#UnforgettableMistake

CHAPTER 1
Moving Out

"I can do this on my own, Mom. You should've gone with Dad," I uttered as my mother didn't want to leave my closet.

I'm currently packing my clothes when she suddenly entered my room minutes ago. Kasama dapat siya ni Daddy ngayon sa isang business trip sa Tokyo. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nandito. I know that my parents belong to the busiest people in the world, kaya hindi ko sila ino-obligang samahan ako sa mga bagay na kaya ko namang mag-isa.

"I can't let you go alone," she reasoned out.

Ngumiwi ako nang marinig ang sagot niya kahit na sa loob-loob ko'y nagtatalon na 'ko sa saya. I didn't really think na sasamahan niya 'ko sa paglipat ko. I will be gone for months, but I'll go home on vacation or in my free time. I've been living with them all my life, but they aren't always around. Kaya hindi na big deal para sa akin ang paglipat ngayon. It's like ako naman ang nasa business trip. Ang kaibahan nga lang, mag-aaral ako, hindi magt-trabaho.

"I don't need a lot of clothes, Mom. At saka maliit lang iyong titirhan ko, wala akong paglalagyan," ani ko nang hindi pa tumigil si Mom kahit na dalawang malalaking maleta na ang napuno niya.

"Why didn't you buy a big one?" problemadong tanong niya nang humarap sa akin.

"Mag-isa lang naman po ako."

"Luckson bought a unit with two bedrooms, and my daughter bought the studio type? Does it makes sense?" 

"Yes, it is. Hindi ko po kailangan ng malaking unit. Matutulog lang naman ako ro'n."

"Fine, I won't argue with you. But if you ever feel uncomfortable with that small unit, you'll move to a larger one. Do we have a deal?" Pinanlakihan niya 'ko ng mata kaya wala na 'kong nagawa kung hindi ang tumango.

An hour after, we left our home. Si Mommy ang nag-drive kahit na hindi payag ang mga drivers namin. Utos kasi ni Daddy na huwag payagan si Mommy. I don't know why, but maybe for her safety. Pero dahil matigas ang ulo ni Mommy, at hindi naman kayang magalit ni Daddy sa kanya ay ang gusto niya ang nasunod.

I was only looking outside the whole trip. I can feel the light stares of my mother, but I acted as if I didn't notice.

"This looks pretty decent. Security, check," my mother muttered under her breath, but I managed to hear it.

Tinulungan kami ng guard sa pagbaba ng mga maleta kaya kaagad din kaming nakapasok sa loob ng condominium. Kita ko ang pagtingin ni Mommy sa paligid, mabuti na lamang at walang tao sa bawat pasilyo.

Ako ang may alam ng unit kaya nakasunod lang sa akin si Mom kung saan ako tutungo. Nasa fifth floor lamang ang napili ko. Hindi ko kailangan ng mataas na palapag. Paano kung late akong magising? I thought of all the possibilities before purchasing this unit. Ayaw kong dumating ang araw na pagsisisihan ko ang pagbili rito. At saka, hindi ko pera ang pinambili. I should be wise, hindi dapat masayang ang pera ng mga magulang ko.

The 24 square meter studio room welcomed us as soon as I opened the door. Kaagad nahuli ng aking mga mata ang single bed na nakapuwesto sa pinakadulo ng kwarto, sa tabi ng maliit na bintana. 

Nang hindi ako gumalaw ay inunahan na 'ko ni Mommy na pumasok. Likod niya pa lang ang nakikita ko, ngunit alam ko na kaagad na hindi niya gusto ang kaliitan ng tutuluyan ko sa buong buhay college ko. But I also know that she'll respect my decision. If I like to live in this small apartment, even if it's against her will, she won't do a thing but accept it.

Handa na 'kong makinig sa kung anoman ang sasabihin niya nang humarap siya sa akin, ngunit imbes na magsalita, bumuntong-hininga na lamang siya. Sumusuko na at tinatanggap na lamang ang kagustuhan ko.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon