EPILOGUE

129 2 9
                                    

#UnforgettableMistake

EPILOGUE
Mistake

"I told you to sleep, Mom," nalolokang sabi ko nang makitang nakaupo pa rin sa kama si Mommy nang pumasok ako sa master's bedroom.

Ipinatong ko sa bedside table ang dala kong pagkain para sa kanya bago ayusin ang comforter niya.

"You should've come with Phoenix and Connor. I'm fine here," aniya.

Umikot ang mga mata ko bago ilagay sa harap niya ang maliit na mesa. 

"Nagluto ako ng sopas, Mom. Kumain ka po para makainom ka ng gamot."

Hindi na siya sumagot at kinain na lamang ang pagkaing hinain ko. Wala ring mangyayari kahit ipilit niya pang sumama na lang dapat ako kina Phoenix. I looked at my phone, at kaagad kong nakitang trending sa blue app ang isa sa pinaka-inaabangang kasalan ngayong taon.

Nakalulungkot na hindi ako nakarating dahil kailangan kong alagaan si Mom. She got a high fever last night, and it made me worried sick. Nag-last minute cancel tuloy ako sa wedding. Sayang iyong gown ko, pero okay lang, mas importante ito.

Nang matapos siya'y kaagad kong inabot ang gamot niya. Hindi rin ako natagal dahil kailangan niyang magpahinga. Bumaba ako dala-dala ang pinagkainan niya.

Nagretiro na si Manang Helia kaya hindi ko na siya nadatnan pa rito, ngunit sa tuwing may oras ako'y dinadalaw ko siya sa kanila. 

Inilagay ko sa sink ang maruming pinggan. Bago ko pa 'to mahugasan ay may dumalo na sa akin. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang magtungo sa living room. Ngumuso ako nang maupo sa sofa. Kaagad namang nahatak ng telebisyon ang atensyon ko nang marinig ang pamilyar na balita.

"The celebrity couple, Marvin Guevarra and Stella Cabello have already tied the knot early this morning after the years of being in a relationship. Their fans are delighted with the news, and the most awaited wedding of the year is trending on the blue app for the past 24 hours--"

"They look great together," Mom commented, making me looked at her.

Kaagad nagsalubong ang kilay ko nang ngumiti siya sa akin. I told her to rest!

"Mom!"

"What?" she defensively asked.

Nakaupo siya sa wheelchair niya habang tulak-tulak ng isa sa aming mga kasambahay. Kailan ba 'ko pakikingan ni Mommy? I'm concern about her health! For freak's sake, bakit ang tigas ng ulo ng Mommy ko?!

"I can't sleep. And I feel fine now." She widely opened her arms.

Napabuga na lamang ako ng hininga. Wala akong mapapala kung aawayin ko pa siya. Pareho lang kaming maha-highblood kaya huwag na. Intindihin ko na lang siya.

"Fine. Basta maaga kang matutulog mamaya," I dismissively said.

"Yes, my doctor," pang-aasar niya.

Umiling lamang ako at binalik ang tingin sa screen. Patuloy pa rin ang pagbo-broadcast nila tungkol sa kasal nina Marvin at Stella. I'm happy, but, at the same time, I felt sad for not being there. 

Stella's nice. Marvin indeed has great taste in women. Tamang-tama siya sa pagpili kay Stella. She's everything a man would wish for. I'm really happy for both of them. They deserve each other.

"You made the right decision before, Oli," Mom commented. Nang balingan ko siya'y namumuo ang luha sa mga mata niya. "Everything turned out very well. I regret that I let you grew up as being considerate with the people around you, but you--" She stopped to calm herself. Kaagad akong nagtungo palapit sa kanya.

Unforgettable Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon