Simula

466 15 9
                                    

Simula

What makes you wake up everyday?

That despite of all the tears, the pain and every unfortunate things, you still open your eyes and find yourself breathing.

Inihilig ko ang sarili sa likod ng malaking puno kung saan ang anino ng mga sanga at dahon nito'y tinatakpan ang mainit na sikat ng araw. Ang payapang pag-agos ng tubig sa ilog, preskong hangin at magaan na pakiramdam. Maayos naman ang buhay ko. Kabilang sa masaya at simpleng pamilya, alam ko kung ano ang ayaw at gusto ko... Pero bakit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako?

Nanatiling naka-on ang musika sa cellphone ko. Kung saan sa bawat tipak ng piano ay tila ba nagbibigay dahilan sa akin upang kwestyonin ang lahat ng bagay. Nakasalpak ang earphone ko sa tenga, nakapatong ang cellphone ko sa isang libro sa aking kaliwa at sa kanan ko naman ay isang basket na may lamang pagkain na hindi ko ginagalaw.

I should be writing by now. Pero wala na namang pumapasok sa utak ko. Wala na naman akong gana, parang gusto ko nang tumigil.

I lose everything when he left... And now that he's completely gone, I'm starting to feel like I'm losing my passion.

Am I this hurt? So hurt that I want to stop writing.

Ilang beses na akong nagpahinga.

Ilang beses na akong tumitig sa kawalan at inisip ang lahat. Pero parang may kulang pa rin. Parang ang boring ng buhay at lahat ay walang saysay. Bagay na hindi niya ipinaramdam sa akin tuwing kasama ko siya.

Magdadalawang taon na rin akong naghihintay. Dapat ay tumigil na ako at kalimutan ang lahat. Na parte na lamang siya ng buhay ko noon at makakasama sa aking memorya pero natatagpuan ko pa rin ang sarili kong nakaupo sa pwestong ito kung saan kaming dalawa lamang ang may alam.

Nakalimutan na ba niya ako?

"Venice!"

Napatigil ako sa pagtulala sa tubig ng ilog nang may tumawag sa akin. Agad akong umayos ng upo at pinatay ang tugtugin sa cellphone ko bago lumingon sa likuran ko.

"Thea?" Pinagsingkit ko ang mga mata ko habang tinitingnan ang bulto ng isang babae mula sa kalayuan na tumatakbo patungo sa akin.

Napatayo ako. Paano niya nalaman na nandito ako? Ang layo nito sa amin at isa pa, walang madalas na pumupunta dito.

"Venice!" Mas malakas na tawag nito.

Napasapo na lang ako ng noo. Si Thea nga na matagal-tagal ko na ring kakilala.

Hindi na ako naghintay pa ng oras. Kahit tirik na tirik ang araw ay lumampas ako sa anino ng puno na prumoprotekta sa akin. Kumunot ang noo ko at naningkit ang mga mata nang masinagan at mainitan. Bakit ba kasi ganito sa pilipinas? Sabagay, kung taglamig naman ay hinahanap ko ang araw.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kaniya nang magkalapit kami. Ang hapdi sa balat ng araw.

Nakadress lang siya ng simple, nakatirintas ang buhok at nakapaa pa. Kumpara sa akin, mas kayumanggi, mas mahaba ang buhok at mas matangkad siya ng kaunti. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko.

"May alam na ako kung paano makakausap si Francois!"

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Mabagal akong nag-angat ng tingin at nang makita ang malawak niyang ngisi habang winawagayway sa harapan ko ang kapiraso ng papel ay hindi ko mapigilang mapatulala sa mukha niya.

Bumigat ang tibok ng puso ko at ang init na nararamdaman ng balat ko ay para bang nawala. Ang alam ko lang, hindi ako makapaniwala.

Ramdam ko ang pamamasa ng noo ko na malamang ay gawa ng pawis. Siguro kung nasa ibang sitwasyon ako, pinunasan ko na ito at nahiya kay Thea habang iniisip kung maayos pa ba ang itsura ko. Kahit alam ko namang haggard na ako panigurado.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon