Chapter 19
Hype
"Let me help you" saad ni Ethan at kinuha sa'kin iyong bag. Hindi naman na ako umangal dahil kailangan ko talaga ng tulong.
"Let me carry that for you, Ven" sambit ni Francois na lumitaw na lang sa kung saan at kinuha sa akin ang malaking container na hawak ko.
Kita ko pa ang mariin na pagtinginan ng dalawa. Ewan ko ba sa kanila at parang ang competitive nila.
"Venice," tawag sa akin ni kuya Dexter. Sumulyap pa ito sa kanila Ethan at Francois bago sa akin na agad lumapit sa kaniya. Inakbayan niya ako "What's going on?"
Napakamot ako sa pisngi ko at napatingin na rin kila Francois at Ethan na nag-su-sukatan ng tingin. Nahahalata na nga rin sila ng iba lalo na't hindi naman nila tinatago ang parang alitan sa pagitan nila. Ang masama pa, panay na rin ang tingin sa akin ng iba naming kasamahan.
"Malay ko ba sa dalawang 'yan," mahinang tugon ko.
"I'll talk to them" lalapit na sana si kuya Dexter pero hinawakan ko ang damit nito para pigilan siya. Nang lumingon ito sa akin ay umiling ako.
"Hayaan mo nalang sila, kuya. Wala namang ginagawa sa akin ang dalawang 'yan. Bahala sila sa buhay nila"
Napasulyap muli ito kila Francois bago bumaling sa akin "Are you liking it?"
"Ang alin?"
"The competition" he simply said
Nag-init ang pisngi ko at napatingin kila Francois at Ethan. Nakangisi si Ethan at si Francois naman ay mukhang pikon pero pilit na itinatago iyon.
Umiling ako bilang sagot sa tanong ni kuya Dexter.
"Magsasawa rin naman ang dalawang iyan," tugon ko
"That's not what I am seeing now. I mean look at them. Si Francois, noon hanggang ngayon ay gusto ka. Tapos si Ethan naman ay ilang beses mo nang ni-reject pero nandito pa rin"
Natahimik ako dahil alam kong may sense iyong sinabi niya.
Kahit pa patigilin ko ang dalawang iyan, hindi sila hihinto. At kung dati ay buo ang desisyon kong magpapatigil sa mga manliligaw, ngayon ay kalahati na lang ng puso ko. Half of me says I should stop them both and be hard hearted, but the half says let them be.
"Eighteen ka na. Alam mo na ang tama sa mali, ang gusto mo sa ayaw"
Wala na akong masabi kaya dinahilan ko na lang na pupuntahan ko si Chad at Vince na ayaw umahon sa tubig dagat kahit papa-alis na kami.
Competition. Ni hindi ko nga naisip iyon. Mas lalo namang hindi sumagi sa isip kong magustuhan na dalawang lalaki ang nag-aaway. Kahit nga pag-claim na ako ang rason kung bakit competitive sila sa isa't isa ay hindi ko magawa. Ayokong tanggapin.
Hindi naman ako isang trophy para maging rason sa isang kompetisyon.
Pagkatapos kong ayusin si Vince, saktong napasok na sa mga sasakyan lahat ng gamit. Mababait naman iyong mga kaibigan nila Isaac at Francois. Sila nga ang rason kung bakit mas sumaya itong outing at na-e-engganyo si mama sa kanila, marami ring kalaro itong si Vince.
"Ma, doon ako sa kotse ni Isaac kasama 'yung girlfriend niya" pag-pa-paalam ni kuya Dexter. Hawak nito ang kamay ni Vince "Sama ko na rin 'to. Gustong-gusto kasi siya nung gf ni Isaac. Ako na lang rin ang nag-volunteer na mag-drive doon"
Kumunot ang noo ko. Gf ni Isaac? Wala sa sarili tuloy akong napatingin doon kay Isaac. Kausap niya iyong isang babae na maganda. Mukhang tinutukso si Isaac o inuuto tungkol sa isang bagay. Pero parang noong isang araw ay ibang babae ang kasama ng lalaking iyan.
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...