Chapter 20

55 8 17
                                    

Chapter 20

Stay

Katulad ng ibang mga umaga, kalahati ng katawan ko ang nakatago at ang kalahati'y nakasilip sa bintana ng kwarto habang pinapanood ang ekspresyon ng mga mukha ni Francois at Isaac. Medyo malayo sila sa bahay at mukhang may malalim na pag-uusap.

Parang may problema, pero tuwing babalik si Francois ay normal lang naman ang pakikitungo niya. At tuwing may pagkakataon para magtanong ako, isa lang ang lagi niyang sinasabi.

'May problema lang si Isaac'

Kung tatanungin ko naman kung ano ay wala itong sinasabi. Kapag si Isaac naman ang tatanungin ay iniiba niya ang usapan. Sa paraan rin ng pag-akto nila ay normal lang ang lahat. May mga oras na maniniwala ako, pero madalas ay hindi.

Sinong baliw ang maniniwala na walang problema kung tumitilaok pa lang ang manok, lilitaw pa lang ang araw at hindi pa tumutunog ang alarm ay saka sila magkikita't mag-uusap sa may kalayuan habang may mga mukhang hindi maipinta?

Dito na sa bahay natutulog si Francois. May pagkakataon na umuuwi siya sa kanila at madalas ay hindi ko alam at magugulat na lang akong gigising na wala siya.

Minsan ay niyayaya ko siyang dalhin ako sa bahay nila para alam ko pero laging nauudlot. Parang maging ang tadhana ay ayaw akong bigyan ng kahit kaunting impormasyon man lang tungkol sa kaniya.

Sa ngayon, ang alam ko lang ay cellphone number niya. Atleast...

Nang makita kong nagpaalam na sila sa isa't isa ay agad akong kumilos. Tulog pa sila kuya at Vince. Tingin ko nga ay maging si mama. Kahapon kasi ay naging busy kami kaya pagod at bagsak ang katawan namin.

Himala ngang maaga akong nagising, kagaya ng madalas na nangyayari. Para kasing nararamdaman ko ang oras na aalis si Francois para kausapin si Isaac at tuwing babalik siya matapos ang malalim na usapan nila sa madaling araw ay magtutulug-tulugan ako.

I am getting weirder everyday and I am aware of that. Bakit ba pinipilit kong alamin ang bagay na ayaw nilang sabihin? Bakit hindi ko na lang sila hayaan?

Siguro'y ganito lang ang nararamdaman ko dahil alam kong habang lumilipas ang araw at umuusad ang oras, hindi na namin mamamalayan ang pagtatapos ng summer at mawawala na naman siya.

Dahan-dahan akong humiga sa tabi ni Vince bago inalis ang salamin ko, nagkumot at pinikit ang aking mga mata. Maya-maya lang ay narinig ko na ang dahan-dahang pagbukas ng pintuan.

Gumalaw ang kama ng umupo ito sa tabi ko. Lumapat ang mainit niyang kamay sa braso ko at dahan-dahan niya iyong niyugyog.

"Ven..." he called, whispering.

Bakit niya ako ginigising?

Hindi ako gumalaw at pinanatiling pikit ang aking mga mata, my face and body are relaxed, as if I'm really sleeping.

"Ven" he called again. Sa pagkakataong ito ay ginalaw ko ng kaunti ang mukha ko at tinalikuran ito.

Grabe, ang galing ko namang umarte. Baka hindi talaga ako manunulat. Mas bagay ko yatang mag-artista.

I heard his light chuckle "Come on, sleepy head" muli ay niyugyog ako nito. My eyes are close, but when he speak once again, I felt his breath on my right ear. He's close to me. Too close "Venice"

He said my name like a puzzle. Ve-nice. I half opened my eyes, his image is blurry. I tilted my head a little to the right, and the tip of his nose touched my cheek. He did not move, I didn't as well.

"Hmm, bakit?" I murmured, like drunk.

"Good morning," he smiled. And the sun must have came out fast because everything suddenly seems bright, even in my blurry sight.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon