Chapter 14

55 6 19
                                    

Chapter 14

Crush

"Opo, pauwi na'ko mama" sambit ko habang nakahawak sa cellphone na nakadikit sa tenga ko.

Akala ko naman kung sinong unknown caller ang tumawag. Iyon pala ay si mama lang na naki-tawag pa sa iba. Nag-aalala at anong oras na raw ay hindi pa'ko umuuwi. Kaninang tanghali pa naman raw natapos ang klase ko.

Saka ko lang napansin na napatagal na pala ang pagtulala ko. Wala na rin akong natapos sa pagsusulat. Hindi talaga ako nakakausad doon sa current story ko. Siguro dapat ko munang i-on hold ang kwento na 'yun. Namatay na ang lalaki doon, sayang at hindi ako maka-isip ng ending. Bubuhayin ko ba ang lalaki o gagawing tragic ang kwento?

Mag-brain storm na lang siguro muna ako tungkol sa kwento para maituloy iyon.

May kadiliman na ang paligid, ngunit hindi nakakangamba. Hindi kagaya sa syudad na matatakot ka talagang naglakad mag-isa, maliwanag man o madilim dahil alam mong maraming loko. Sa probinsyang ito, kahit mag-skate board ka o maligo sa ulan ng hating-gabi ay walang mag-iisip ng masama o mangyayaring masama sa'yo.

Ito ang tipo ng lugar na gugustuhin mong mabuhay. Iyong mga bulaklak, mga halaman at puno, mga magagandang bahay, magagandang tao at mabuting ugali. Sa lugar na'to, walang pakialaman ng buhay. Hindi toxic.

Marami nga lang chismosa sa ibang purok dito sa Flores. Mabuti't medyo tago ang pinag-tatayuan ng bahay namin. Nakikilala na rin kami ng mga tao dito pero hindi iyon sapat para pasukin nila ang buhay namin.

Itinago ko ang aking kamay sa bulsa ng blazer ko. Pinakalamig na oras ay ang hapon o kaya'y agaw dilim. Makulimlim at mahangin pa. Bukas ay mag-susuot na ako ng scarf. Mahina pa naman ako sa lamig.

Nadaanan ko na ang sunflower field. May mga kaunting nagbabike malapit doon. Iilan na lang rin ang naka-upo sa bench at sa isang sulok ay may isang grupo na nag-pra-practice ng sayaw. Mukhang performer sila sa program na magaganap sa year end party.

Narealize ko na malapit na akong mag-grade 12. Sa buong school year ko, parang walang nangyaring katuturan sa'kin.

Una sa lahat, no choice ako kaya napunta ako sa Sports and Arts. Hindi naman ako interesado doon. Ang mga lesson ay inaaral ko lang kapag kailangan talaga dahila may quiz o gagawin. Pero madalas ay pasok sa utak at labas ang nangyayari. Wala talaga akong interes doon. Araw-araw ay paulit-ulit lang din ang mga ganap.

Idagdag pa na wala akong plano sa future ko. Hindi ko pa alam. Hindi ko alam ang gagawin ko at nagsisimula na akong matakot tungkol sa hinaharap ko.

Nagsimulang bumuhos ang mabigat at malamig na ulan. Nagtakbuhan agad ang lahat. At papatakbo pa lang ang paa ko para ialis ang sarili at hindi na mas mabasa pa ay may payong nang sumangga sa mga patak para sa akin.

Pagtingin ko sa tabi ko at bahagyang pagtingala ay sumalubong agad sa akin ang salamin at may concern na mata. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Hindi ba't sinabi ko sayong huwag mo na akong lalapitan" panimula ko "Iwan mo na'ko"

Kahit pa sinabi ko sa kaniya iyon ay nagpapasalamat talaga akong dumating siya. Natalsikan na ng kung ano ang medyas ko at basa na rin iyong sapatos ko. Dahil hindi kahabaan ang skirt namin ay nakakaramdam ako ng lamig at pagkabasa doon. Mabuti't naka-blazer pa ako kaya iyon ang nababasa.

Ethan smirked "Alam nating pareho na kailangan mo ako ngayon"

Nag-iwas ako ng tingin. Sabay at dahan-dahan kaming naglakad ni Ethan. Magkalapit rin kami at magkadikit ang braso para pareho kaming maharangan ng payong.

"Iyong payong mo lang ang kailangan ko"

He laugh "Kailangan ko rin ang payong ko, Venice. Mukhang ihahatid kita sa inyo"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon