Cigarette Daydream - Cage The Elephant
Chapter 8
Transfer
'Did you stand there all alone?
Oh I cannot explain what's going down
I can see you standing next to me
In and out somewhere else now''You sigh, look away
I can see it clear as day
Close your eyes, so afraid
Hide behind that baby face'Mayabang itong ngumisi sa akin na napalitan ng sinserong ngiti. Iyong tingin ng honey niyang mata ay parang nagbabasa ng lyrics sa mata kong nanonood sa kaniya. Na sa likod ng boses nito ay parang inaalala niya lahat ng nangyaring magkasama kami.
'Do do do do do do'
Kapwa kami napangisi.
Hindi ako ang naalala niya sa kantang ito.
Kami.
Kaming dalawa ang naaalala niya.
'You can drive all night
Looking for the answer in the pouring rain
You wanna find peace of mind
Looking for the answer'Ang dami na ring nangyari. Parang taon na at higit pa na nakasama ko siya. Paanong sa loob ng tatlong buwan ay ang dami na naming memorya sa isa't isa?
'Funny how it seems like yesterday
As I recall you were looking out of place
Grab your things and slipped away
No time at all I follow you into the hall'Napapangisi na lang kami sa isa't isa. Iyong vibe na ibinibigay ng kanta ay talagang nagbibigay sa akin ng 'Francois' the loko vibe.
'Cigarette Daydream
You were only seventeen
So sweet with a mean streak'Saglit itong natigilan at habang nakatitig siya sa akin na isinasagot ko ng nawiwiling tingin sa kantang handog nito, itinuloy niya ang linyang nagpakalabog sa puso ko.
'Nearly brought me to my knees'
Tinapik-tapik ko iyong magkabila kong pisngi, umiling-iling at sinuot ang salamin ko. Nanirahan na talaga sa utak ko iyong pa-gitara ni Francois.
Bakit ba hanggang paggising ko, hinahabol ako ng boses niya? Wala, siguro dahil ang cute niya habang nag-gigitara?
May parteng humihinto siya at tinitingnan iyong pag-ka-kapindot niya doon sa strings, may time din na parang iniisip niya iyong lyrics. Mayroon din iyong hindi ko maintindihan. He's murmuring some words, some are clear, iyong iba naman ay ipit ang boses niya.
Kung ano-ano talagang pumapasok sa utak ng isang 'yun. Pasalamat na lang ako at dahil doon ay may nailagay akong matino sa scene ng chapter na sinusulat ko. Kontento ako doon at nagkaroon pa ako ng paboritong scene kahit masakit.
Iyong sinabi ng leading man ko sa bida bago sila naghiwalay at sumabog ang palasyong pinaroroonan ng lalaki.
'You are the greatest song that I have ever made and listen to. I hope someday, I can still sing it for you, baby. But I can't... there's no someday waiting for me. The only thing that I can offer now is a promise that you will forever stay in my heart along with the song that my feelings for you have written. You are the greatest thing that ever happened to me. And I am glad that in my last times, I showed how much I love you"
Literal na umiiyak ako habang sinusulat iyon. Hindi ko pa sigurado kung ililigtas ko ba iyong leading man ko.
"Mukhang puyat ka, ah" si kuya Dexter na nasa may pintuan ng kwarto at may hawak na tasa ng kape "Kanina pa kita tinatawag. Kulang ka yata sa tulog at lutang ka"
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...