Chapter 4
Hooked
"A-aray!" Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang braso nito.
Pumulot parin ako ng maliliit na bato, siguro kasing laki ng bala ng pellet gun, at pinagbabato sa kaniya. May tumama sa braso, sa tiyan at binti. Mahinhin lang ang pagkakabato ko kaya alam kong hindi iyon masakit. Ayaw ko lang siyang lumapit sa akin.
"Ouch!" Huling asik nito at tumigil na ako sa pagbato.
Sinigurado ko talagang malayo-layo ako sa kaniya. May space rin sa gilid ko kung saan pwede akong tumakbo kung may mangyari. Sa kalayuan naman sa likuran ko ay may natanaw akong bangka. May mga bato rin sa gilid ko at stick.
Nagulat talaga ako nang bigla na lang niyang ipinatong iyong ulo niya sa balikat ko. Literal na bumilis ang tibok ng puso ko at hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali.
Nang maramdaman niyang hindi na ako bumabato ay unang nagmulat ang kaliwang mata niya na mariing nakapikit.
"Anong kailangan mo sa'kin?" Nagpapanic ako na pumulot ng stick at itinutok iyon sa kaniya.
Nang humakbang siya papalapit ay napaatras ako dahilan upang tumigil siya.
Itinaas ng lalaki ang dalawa niyang kamay suot ang nakakainis niyang ngisi "I won't do anything" ginawa niya pa iyong cross my heart.
"Bakit... Bakit kailangan mo pang dumikit-dikit sa'kin?" Pinilit ko pa ang sarili ko na lakasan ng kaunti ang boses at tapang-tapangan na sinalubong iyong mata niya.
Ang ganda talaga ng mga mata niya. Madalas sa sinusulat ko, asul o kaya'y itim na para bang nag-iisip ng malalim. Pero sa kaniya? Nagpapagaan ng pakiramdam ang kaniyang paningin.
"Huwag mo na akong hahawakan"
He frowned "Hindi ko mapapangako 'yan" sambit nito "Namamagnet ang kamay ko sa balat ng magaganda"
Natigilan ako ng saglit sa sinabi niya pero napailing na lang ako sa sarili at piniling tingnan siya sa mata.
Bakit ngayong siya ang nagsabi na maganda ako, parang totoo sa pandinig ko?
Hindi naman talaga ako nangangamba na kasama siya. Pero mahirap na at hindi ko siya lubusang kilala. Wala akong kilala sa kahit sino dito at hindi ko na nga rin alam kung paano ako makakauwi.
"Come on, I won't hurt you" sambit ni Francois at sa mabagal na paraan ay inilahad niya ang kaniyang kamay. Tila ba gustong kunin 'yung stick na hawak ko.
Imbis na magpauto sa nakakadala niyang ngiti, magandang mata at maingat na kilos ay nanatili pa rin akong nakadepensa sa sarili.
Gustong-gusto ko siyang pag-isipan ng masasamang bagay. Kaya lang ay hindi ko magawa. Mas nananaig iyong pagkapansin ko sa magagandang bagay na mayroon dito. Iyong buhok niya na parang magandang paglaruan, kasuotan na nag-ma-match sa akin at itong secret place niya. Pagmamay-ari kaya ito ng pamilya niya?
"Just trust me"
Umiling ako sa kaniya. Papaano ko siya pagkakatiwalaan? Ngayon lang kami nagkita at idinamay na niya ako agad sa gulo nito. Pangalan niya lang rin ang alam ko. Gusto kong isumbat iyon ngunit pinanatili kong nakatikhom ang aking bibig.
"Namimilit ako" he said, stating a fact with warning.
Pilitin na niya ako. Pero hindi talaga ako magpapauto sa kaniya.
"So you choose the hard way?"
Napakurap kurap ako.
Hard way?
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...