Chapter 23

45 4 8
                                    

Chapter 23

Realize

Huli na 'to. Wala nang susunod. Ayaw ko na.

Nakakapagod ka namang mahalin...

Huminga ako ng malalim at lumabas na rin ng bahay kung nasaan ang lahat. Sumapit na ang umaga at maayos na ang lahat. Ang hinihintay na lang namin ay ang kotseng susundo kay Francois para idala siya sa airport.

Hindi ko siya kayang panooding sumakay sa eroplano. Babalik naman siya 'e. At iyong mga sinabi niya sa akin kagabi? Nasaktan lang siya. He doesn't mean to say those words.

It still hurts though... Ayos lang. Nasaktan ko rin naman siya.

Kina-usap na ni mama si Francois kanina bago siya umalis papuntang trabaho, nagpapaalam na rin sila kuya...kanina pa. Kahit iyong mga iba niyang kaibigan ay nandito at tinutukso siya. Nakikitawa naman ito. Mukhang ayos na.

Umaga pa lang pero dahil summer ay maliwanag at may kainitan na. Peaceful. Walang nagbago sa lahat. Ganoon pa rin ang paligid. Ang pinagkaiba nga lang, sa mga susunod na minuto ay wala na naman siya. At magiging walang buhay na naman ang lahat.

Nang maglakad ako papalit sa kaniya at napansin ako ng mga kaibigan nito ay kusa na silang lumayo. Ang solid rin ng pag-ka-kaibigan nila. Makikita mo talagang close silang lahat. Parang mayroon silang powers na nababasa ang isip at gustong gawin ng isa't isa.

"Francois" mahina ang boses kong tawag dito para makuha ang atensyon niya. Alam kong alam niyang nandito ako.

But he's not looking at me. Not like before.

"Francois," sinilip ko ang bahagyang nakayuko niyang mukha. Hindi siya tumitingin sa akin "Naiintindihan mo naman ako 'di ba? Naiintindihan mo naman siguro kami"

Hindi siya umimik pero tumango siya na halatang pilit. Agad siyang lumayo sa akin at nagtungo kay Isaac. Napa-buntong hininga na lang ako.

Iniiwasan niya na ako.

Suot niya na iyong malaki niyang bag. Naka-puting T-shirt lang siya at color light blue na jacket. Iyong pang-baba niya naman ay simpleng pantalon lang. Nakasuot rin ito ng face mask at iyong buhok niya ay hindi na nito inayos, pero hindi naman mukhang magulo.

Parang basta na lang siyang nagsuot at hindi na nag-ayos pa. 'Di tulad ng dati.

Nasaktan mo kasi siya, Venice. Magiging ok rin iyan. Maiintindihan niya rin ako ng totoo.

Pinanood ko lang siyang makipag-usap doon sa mga kaibigan niyang maya't maya ang tingin sa akin. Lalo na si Isaac. Pero kung ikukumpara sa dati, hindi na iba ang dating sa akin ng paraan ng tingin nila. Hindi na nanghuhusga, hindi na ako nakakaramdam ng guilt.

Gusto ko siyang lapitan at hawakan pero ayaw ko namang guluhin ang huling moment niyang kasama iyong mga kaibigan nito ngayong taon.

"Gusto rin kitang kausapin kahit sa huli mong time na natitira..." bulong ko.

Ang katabi ko na si kuya Aldrin ay napatingin sa akin pero hindi siya nagsalita. It's like he heard me murmured some words but he wasn't able to understand it.

The minute past bye fast. Bakit ba kung kailan gusto mong pabagalin ang oras, saka bumibilis? Sa isang ihip lang ng hangin, at kaunting mas pagliwanag ng paligid, narinig ko na ang businang kukuha sa kaniya.

Dumating na iyong kotse.

Lahat kami ay lumapit kay Francois habang papalapit naman sa pinaroroonan namin ang kotse. Hindi ko mabasa ng maayos ang ekspresyon niya dahil naka-face mask ito. Hindi rin nagtatama ang mga mata namin. Kung haharap naman siya sa direksyon ko, bahagya siyang nakayuko at nahaharangan ng buhok niya ang mga mata nito.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon