Chapter 9

61 7 17
                                    

Chapter 9

Like

"Ven, ito ba gusto mo?"

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa hawak nitong clip. Kinuha niya lang iyon sa tabi ng daan kung saan may mga pwesto ng kung ano-ano. Ka-match naman ng clip iyong kulay ng suot kong long skirt pero naka-bandana na ako.

Iyong suot ko ay ang sinuot ko nang una kaming magkita. Ganoon din naman siya. Amg pinagkaiba nga lang, pareho kaming nakasuot ng long black blazer pang-dagdag.

Umiling ako dito "Anong gagawin ko diyan?"

"Edi i-cli-clip sa buhok mo"

Napabuntong hininga ako. Inambahan ko ito ng suntok at patawa-tawa niya namang ibinalik sa tindera iyong clip. Mas lalo lang nag-init ang ulo ko nang makita iyong kaedad lang siguro naming babae na halos maglaway na habang nakatingin kay Francois.

Sa inis ko ay hinawakan ko na iyong damit ni Francois at hinila ito papalayo.

Seriously, hindi ba niyon nakikita na magka-match kami ni Francois ng damit? Kahit sinong tumingin sa amin, iisipin na magkasama kami!

"Teka lang, Venice. I'm holding paperbags here"

Napabitaw ako dito at tumigil kami sa paglalakad. Inayos niya ang pagkakahawak niya doon sa nga paperbag. Sa magkabilang kamay nito ay tatlong paperbag ang hawak nito. Ako naman ay may dala lang na isang malaking supot kung saan nakalagay iyong bag at uniform ko.

Ganito pala sa sentro ng lugar na'to. Maingay na, may ilang mall din pero hindi kagaya sa syudad kung saan kami nakatira noon. Mas marami pa rin talaga iyong makikita mong mga halaman at puno dito. Isa pa, lahat ng tindera at tinderong nakikita ko ay maayos at maporma. Hindi kagaya sa amin noon na naka-short, paiwasang damit at apron. Gaganahan ka talagang bumili dito.

Na-appreciate ko naman ang lugar na ito. Wala masyadong sasakyan. Madalas ay naka-bike ang mga tao at may iilan lang na nag-mo-motor. Iyong iba naman ay naglalakad lang din kagaya namin. Maganda naman talaga. Kaya lang ngayon ay kunot na ang noo ko. Iritado na rin ako lalo na't pagod at gutom.

Kaninang tanghali pa kami paikot-ikot dito. Mabuti na lang at patapos na talaga ang summer. May mga itim na ulap nang lumalabas. Hindi rin mawawala iyong dalang payong ng mga ibang mamimili. Tsaka nauuhaw na rin ako. Ewan ko ba sa Francois na ito at kahit pinapawisan na at mabigat ang dala ay nakangiti pa rin.

Isang grupo ng mga nag-s-skate board ang dumaan sa tabi namin. Napalingon doon si Francois at napangisi habang sinusundan ng tingin ang isang lalaki doon. Tumigil iyong grupo nang mapansin nilang lahat si Francois at bumalik sa amin. Napa-iwas na lang ako ng tingin, bahagyang lumapit kay Francois at nagtago sa likuran nila.

Puro lalaki ang mga iyon. Pare-pareho din sila ng porma at talagang maangas ang dating nila. Mukhang hindi gagawa ng matino. Wala rin akong gana na ngumiti sa mga iyon kung sakali. Nagugutom na talaga ako.

"Francois! Akala ko umalis ka na, tol?Kailan ang alis mo?"

Napa-angat ako ng tingin dahil sa narinig. Iyong may hikaw sa ilong na lalaki, buhat ang skateboard at ngumu-nguya ng bubble gum ay nakipag-hand shake kay Francois. Sarili nilang handshake ang ginawa nila at mukhang matagal na silang magkakilala.

Sinong aalis?

Iyong mga ibang lalaki pa na nag-s-skateboard ay nakipag-fist bump din kay Francois na binabati ang mga ito habang nakangiti. Nang matapos ay lumingon siya sa akin at kahit pa madami at may kabigatan ang dala nitong paperbag, inakbayan parin ako nito.

Kunot noo kong sinagot ang tingin sa akin ni Francois "Aalis ka?"

Iyong mga kakilala nitong mukhang parte ng grupo ay may ngising nagpa-palit-palit ng tingin sa amin. Nawala ang ngiti ni Francois na agad bumalik. Napalitan iyon ng nakaka-lokong ngisi.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon