Chapter 6

81 7 15
                                    

Chapter 6

Praise

"Oh, kain pa! Kumain ka pa" mas inilapit ni mama iyong mga ulam sa plato ni Francois.

Sila kuya, matalim ang tingin sa katabi ko na ka-vibes ni mama. Bawat kagat nila ay parang labag sa kalooban at ako naman ay napipilitang sumubo.

Paano ba napunta sa ganitong sitwasyon? Itong si mama, kakaiba din ang trip. Para tuloy kaming ewan na anim dito. Magkakakulay, design at pair iyong mga pantulog na suot naming lahat. At papaanong dito rin matutulog ang loko?

"Thank you, ma" sambit nito at binuhat pa ang isang bowl ng sinigang bago nag-pour ng sabaw sa lunod na niyang kanin.

Napasinghap na si kuya Dexter. Si kuya Aldrin naman ay natigilan sa pagnguya habang ako'y pasimple siyang siniko. May ngiti siyang bumaling sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Gusto mo subuan din kita?"

Napamasahe na lang ako ng sentido ko. May chocolate pa sa gilid nang labi nito dahil pinakain siya nang pinakain ni Vince kanina. Gustong-gusto siya ni bunso at ngayon ay nagpapasubo pa dito. Pinagigitnaan namin siya ni Vince. Kaharap ko si mama, kaharap niya si kuya Dexter at kaharap ni kuya Aldrin si Vince. Ang awkward na ewan.

Malapit na nga rin akong magselos. Kapag ako ay hindi binibigyan ni Vince ng chocolate tapos si Francois ay halos ipakain na niya lahat.

Napainom na lang ako ng tubig.

"Saan pala kayo nagpu-pupunta ni Venice? Iyong mga damit niya kasi simula nang lumipat kami dito ay ang aasim o kaya amoy araw at pawis" si mama. She even wrinkled her nose.

Muntik ko nang naibuga iyong iniinom ko sa sinabi niya. Napaubo-ubo pa ako dahil biglaan kong nalunok iyong tubig na hindi ako handa. Para tuloy akong nalunod.

Hindi pa nakatulong na humagalpak ng tawa ang katabi ko at halos maibuga na sa mukha ni kuya Dexter iyong kinakain niya. Pati si kuya Aldrin ay pilit na pinipigilan iyong tawa niya. Si Vince naman ay parang nakitawa lang rin kay Francois kahit walang naintihan sa sinabi ni mama. At magpapadaig pa ba si kuya Dexter na parang sumubo na lang ng pagkain para itago iyong ngisi niya.

"Totoo nga!" Dagdag ni mama

Napainom si Francois ng tubig para malunok niya ang laman ng bunganga "I won't tell you where, ma. It's our secret place" kumindat pa ang loko. Ito namang si mama ay may nalaman pang paghawi ng buhok.

"Sabi sa inyo sa akin talaga nagmana si Venice 'e. Tingnan niyo, marunong pumili ng kaibigan"

Tumango-tango si Francois "Yup. And kuya Aldrin, parang nakita ko kaninang naglalaro ka sa phone mo ng COD. I bet I'm better than you" mayabang itong ngumisi.

At dahil hindi nagpapatalo itong si kuya Aldrin, agad kumunot ang noo niya at nakipag-yabangan din. Hanggang sa ang alam ko na lang, nauwi sila sa paglalaro ng basketball.

Kapag natalo daw si Francois, ibibigay niya iyong ps4 nito kay kuya. Kapag natalo naman daw si kuya Aldrin, hindi ito mag-bri-brief ng tatlong araw.

Bilib na talaga ako sa sarili ko at hindi pa ako nahihimatay.

"That sounds like a good deal" si kuya Dexter "I'll be the referee"

Hindi na ako makapaniwalang tumingin dito. Ano raw?

"Yes!" Binelatan ni kuya Aldrin si Francois "May kakampi ako. You'll see, pagtutulungan ka namin. Sure win na ako"

"Dumbass, I'll help him to win" sambit ni kuya Dexter at nagfist-bump pa sila ni Francois. Parang nanalo ang dalawa sa loto dahil sa ngisi nila at gana sa pagkain.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon