Chapter 16

63 8 21
                                    

Chapter 16

He's back

Buong mambabasa ko ay nagdadalumhati.

Hindi ko na pababalikin ang leading man ko na si Hector. Sa kabilang buhay na siya forever! Pero syempre, para naman makabawi ay pinag-ayos ko na lang ang bida at kapatid nitong may hidwaan. Hindi ko pinatay si Hector dahil gusto kong magpa-iyak ngunit dahil iyon ang gusto kong mangyari at ang pakiramdam kong dapat.

O siguro ay dahil bitter lang ako. Bahala ang mga mambabasa sa buhay nila. Hindi ko na pababalikin ang leading man! Ini-announce ko na rin na huwag na silang umasa dahil final na ang desisyon ko sa ending.

Kasabay ng paglipat ko sa pahina ng librong binabasa ko ay ang paglipat ko ng pwesto sa tabi ni kuya Dexter kung saan nakatutok ang electric fan. Ang init kaya naka-sando lang ako ng kulay yellow at naka-maong na short. Pero kapag lalabas ako ay nagpapalit ako ng t-shirt o kaya'y mapormang suot.

"Summer na! Saan tayo mag-ba-bakasyon?"

Inialis ni kuya Dexter ang atensyon nito sa diyaryo at napatingin kay kuya Aldrin na focus doon sa ps4 niya. Noong isang araw pa nagpaparinig itong si kuya Aldrin na kating-kati nang magbakasyon.

"May pera ka ba?" Sarkastikong tanong ni kuya Dexter

"Ayy, puta—!" Gigil na gigil si kuya Aldrin sa nilalaro niya. Focus na focus doon ang mga mata niya at ang bilis rin ng paggalaw ng kamay niya sa controler "Sabagay..." Sambit nito at saglit lang na sumulyap kay kuya Dexter bago nagpakawala ng malawak na ngisi "Tsaka hinihintay nga pala ng unica hija natin ang nag-iisang Fran—"

"Please lang, Kuya! Iyang bibig mo talaga e" pagputol ko sa sasabihin ni kuya Aldrin.

Nananahimik ako dito tapos biglang mam-ba-badtrip. Eh kung i-unplug ko kaya iyong screen kung saan tutok na tutok si kuya Aldrin. Ayaw na ayaw ko na ngang naririnig ang pangalan ng lalaking may magandang mata. Mas lalo lang sumasama ang loob ko.

Doon na siya kung nasaang dako man siya ng mundo! Huwag na siyang babalik!

Sino ba naman ang kayang magtiis ng isang taon? Walang komunikasyon, walang paramdam. Ni anino niya ay wala. Bwisit kasi na Isaac iyon. Pinaasa ako. Tsaka nag-expect ako noong madaling araw na iyon. Hindi pa naman ako nakakalimot.

Nagkasipon at ubo pa nga ako kakahintay. Marami nga akong natanggap na notification noong araw na iyon, iyong isang tunog lang dahil dumating na ang mensahe niya ay hindi ipinatikim sa akin.

At confirm na siya nga iyon. Kagaya ng sinabi ni Isaac, nawala iyong account na parang bula.

Walang ganang ibinaba ni kuya Dexter ang diyaryo nito at si kuya Aldrin naman ay mukhang nagpakamatay sa game niya para lang tingnan ako. Ngunit ni pagbaling sa kanila ay hindi ko ginawa. Basta, nagbabasa ako ng libro. Kahit sa totoo lang ay wala na namang pumapasok sa isip ko.

Mainit na ang panahon. Umiingay na rin ang bayan. Dumadami na naman ang taong nagpupunta sa field ng mga sunflower. Ang ilog ay payapa pa ring umaagos at ang pwesto namin ay nanatiling tago. Nagtatago na naman ako dahil nagsisilabasan na naman iyong kasapi ni Thea sa kulto nila.

Parang nagtravel ako pabalik ng panahon. Ang nostalgic sa pakiramdam.

Pinalitan ko na ang wallpaper ko, natapos na rin ang nobela at dahil bitter ako ng walang dahilan, hinayaan ko nang mamatay iyong leading man sa story. Maayos na'ko. Wala nang hinihintay at hindi na umaasa. Parang ayaw ko na nga siyang makita.

Minsan ay parang gusto ko na siyang burahin sa memorya ko dahil sa sobrang tampo, ngunit hanggat nananatili ako sa lugar na ito ay hinding-hindi ko siya makakalimutan. At hindi ko na ipagkakaila, sa kasuluk-sulukan ng puso ko ay nais kong ialala lahat ng nangyari.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon