Chapter 3

136 7 21
                                    

Chapter 3

The river

Hindi ko maramdaman iyong init, pero ang init ng kamay niya ay ramdam ko kanina.

Hindi ko nga alam na mabilis pala akong tumakbo. At mas lalong hindi ko alam na masasama ako sa ganitong bagay.

Kahit kailan ay hindi ko inisip na masasabak ako sa takbuhan, kasabay ang hindi ko kilalang lalaki at pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan.

Naghahabol ako ng hininga na nakaupo sa malaking ugat habang nakatago sa likod ng malaking puno ng mangga. Katabi iyong lalaki na ngayon ay patawa-tawang nakaupo sa tabi ko. Lumayo ako sa kaniya ng kaunti.

Akala ko talaga ay mamamatay na ako kanina. Mabuti't natakasan namin sila. Muntik pa akong matamaan ng binatong baseball bat.

Pero sa totoo lang, pakiramdam ko ay buhay na buhay ako ngayon. Tinanggal ko ng saglit ang salamin, itim na bandanang suot ko para punasan ang buong mukha, at ibinulsa sa skirt ang earpods na hiniram ko kay kuya.

Ganoon pala ang pakiramdam ng pagtakbo at pagtakas. Siguro magiging magandang scene iyon sa nobela ko.

Imagine, running away from danger with a handsome boy holding your hand.

Nag-init ang pisngi ko nang muling maalala ang paraan ng paghawak niya sa pulso ko. Magaan lang iyon ngunit sapat upang iparating sa akin na hindi niya ako iiwan at bibitawan.

Muli ay sinuot ko iyong salamin ko. Naconcious ako dahil pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin. Napatingin ako sa binatang katabi ko. Pero agad rin akong nag-iwas ng tingin nang makitang nakangisi itong nakatitig sa mukha ko.

"You're new," sambit nito "What's your name?"

Imbis na sagutin siya ay mas lumayo lamang ako sa kaniya at tumanaw sa malayo. Puro damuhan lang ang nakikita ko. Itong puno lang ng mangga ang makikitang nakatayo at naiisip ko nang maraming bata dito kapag sapit ng hapon dahil malawak ang lugar.

He wave his hands infront of my face. Nang lumingon ako sa kaniya ay napangiti siya, hindi inaalis ang titig sa akin.

Inilahad niya ang kaniyang kamay "My name is Francois"

Tumingin lang ako sa kamay nito at nag-iwas ng tingin. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paggusot ng mukha niya. Hindi kagaya ng ibang lalaki ang boses niya. He sounds friendly and young.

"Why aren't you talking to me?" Sa tono ng pananalita niya ay tila ba mas tinatanong niya pa ang kaniyang sarili.

Gusto kong tawagin si Kuya Aldrin o kaya si Kuya Dexter. Kaya lang wala akong load, at kung mayroon man ay siguradong hindi na nila ako papayagang lumabas-labas. Maganda pa naman ang pwesto ko doon sa mga may sunflower. Nag-uumapaw ang ideya ko.

Paano na ako makakauwi nito ngayon?

Hindi ko pinansin si 'Francois' na salita ng salita sa tabi ko. Kinakausap niya iyong sarili niya na mas nagbibigay rason sa akin para hindi siya pansinin.

Ano kaya iyong ginawa niya? Malaki ang kutob ko na siya ang may kasalanan at may ginawa rin talaga siyang kalokohan para magalit iyong mga humabol sa amin. Dinamay pa ako.

Pero nakakaaliw iyong personalidad niya. He can be a good leading man.

Kaya lang may sayad yata ito sa utak.

Tumayo ang nasa tabi ko at nagtungo sa harapan ko. Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kaniya at siya naman ay napangiti. Masaya na nakuha niya ang atensyon ko.

Pumulot ito ng tatlong mangga na nahulog sa paligid. Kumuha rin siya ng batong kakasya lang ang isang paa at inilapag iyon sa harapan ko ngunit hindi ganoon kalapit.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon