Chapter 32
Fight
The fact that it's summer lowkey freaks me out. Is he seriously just gonna show hiself when the sun is scorching and when everything's bright?
Bakit ba hindi muna ako pahingahin at pakalmahin ng mundo?
My gosh! Unang araw pa lang ng uwi ko!
I awkwardly hug him back. Kaiba sa mahigpit niyang yakap, maluwang lang ang sa akin at tinapik-tapik ko lang ang likuran niya. Mabigat ang pintig ng puso ko.
This is not a dream.
Kumalas na ako sa pagkakayakap. Noong una ay parang ayaw niya pa, but then I took a step back and he let me go.
"Hi," I smiled sweetly at him, like how I smile at everyone.
He smiled back, like how he used to smile at me "Hey,"
Imbis na ipanatili sa kaniya ang tingin ay tumanaw ako sa paligid. Doon sa isang tabi ng ilog ay nandoon ang isang pamilyar na bangka. I remembered that. Kita ko rin ang isang pamilyar na gitara doon, maging ang pang-sagwan. Sa paligid ay hindi makalat. Mukhang nalilinis ng regular. The plants doesn't take over the riverside, and the trees cover the sky.
"Siguro uuwi na muna ako," I said. Bumaling ako kay Francois na nasa akin lang ang nag-o-observe na tingin "Hapon na rin. Uuwi na'ko. Nice to see you again,"
"Sunduin na kita," he was about to step closer but I talked.
"No," I waved my hands "Hindi, ayos lang. Kaya ko naman"
I can't bear the awkwardness between us. Pwede bang huwag ka nang magpumilit? Oh please, gusto ko nang tumakas dito.
His forehead are slightly crease. I can also see how he's clenching his jaw hardly and how his lips formed a thin line. It's like he's stopping hiself from saying something, it's like he's holding hiself back.
"Sige, bye" kahit medyo awkward para sa akin ay tinapik ko ang braso nito. Oh gosh, ang tigas ng bicep niya. Walang pasabi ko na itong nilagpasan at naglakad na ako papalayo. Hindi na ako nangahas pa na tumingin, pakiramdam ko ay nakatitig siya at nakatanaw sa'kin.
Una sa lahat, bakit siya nandito? Kailan pa siya nandito sa bayan ng Flores?
Hindi ko naman naisip na nandito pala ang lalaking iyon. Parang wala namang nagbago sa kaniya sa ilang taong lumipas. Sa katunayan, parang imbis na magbago ay nagbalik siya sa Francois na una kong nakilala. Hindi iyong Francois na nakita ko noong huli, kundi ang Francois na nakita ko noong bagong lipat pa kami dito.
Parang ibinalik niya ako sa nakaraan dahil sa simple niyang presensya. But it feels different!
Because of our little encounter, I don't think I'll be able to stand his presence for long or even talk to him casually.
We have a past! Oh gosh, I should've known! Bakit sa mga ex ko, hindi naman ganito ka-awkward o ka-weird sa pakiramdam kapag nakikita ko sila? Parang wala nga lang e. So I assumed that it will be the same when it comes to him.
But now... It's different. Completely different and not normal. Kung pwede ko lang pagalitan sa harap niya ang tibok ng puso ko ay ginawa ko na. He got some kind of effect that he's giving. Even the way our eyes met feels different.
I just can't stand being around him.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Bungad na tanong sa akin ni kuya Aldrin nang makapasok ako sa loob ng bahay.
Wala sa sarili at tulala akong napa-upo sa sofa. Tinakpan ko ang mukha ko at napa-higa na lang. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko at bakit hindi ko ma-describe ang feelings.
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...