Chapter 17
Trip
Baka nananaginip lang ako?
Para kasing hindi totoo na pagkatapos ng isang taon, mayroon na namang mga matang titingin sa akin sa paraan na walang kahit sinong gumawa.
"Venice, are you alright?" Hinawakan nito ang balikat ko at tiningnan kung namumula ba iyon o hindi. Bahagya pang naka-awang iyong mapula niyang labi.
Pati iyong kamay niya, walang nagbago. Magaan pa rin ang hawak sa akin at may kainitan. At sa isang dampi lang ng daliri niya sa balat ko, parang isang pelikula sa aking utak ang nangyaring pagbugso ng mga memorya. Ang tagal ko ring hindi inisip ang mga nangyari. Akala ko kasi ay wala na siyang balak na bumalik at ayaw ko nang umasa.
Panaginip? Parang kakaiba naman at masyadong totoo ang panaginip na ito. Napatitig ako sa mukha niya.
Dumating si Isaac at Chad pero hindi namin pinansin ang mga ito. Sila na ang nakipag-usap sa matandang naka-bangga ko. At kaming dalawa ni Francois ay para bang may sarili nang mundo.
Walang nagbago sa kaniya. At masaya ako para doon. Hindi ako nakakaramdam ng hiya o pagka-ilang kasi alam kong siya pa rin ito. Hindi ko kailangang magpabebe o ano.
Mas pumuti siyang tingnan dahil sa sikat ng araw.
"I miss you," I said out of nowhere. Talaga namang miss ko siya. Natigilan ito at napatulala doon sa may braso ko. Naghintay ako ng ilang segundo pero nakatulala pa rin siya. Parang nag-loading na iyong utak niya "Huyy" I clicked the tip of his nose like a button.
Tila ba bumalik ito sa ulirat na napatingin sa akin. Pero parang wala pa rin siya sa sarili niya "What did you say?"
"Sabi ko, na-miss kita" mahinahon kong pag-uulit dito.
Mabagal itong ngumiti at may malambot na mga matang ibinigay sa akin. He bited his lower lip to stop hiself on smiling widely. Ganoon rin ang ginagawa niya noon. Nakangiti itong napatingin sa kung saan para lang muli niyang ibalik sa akin ang kaniyang tingin. This time, he looked at me with a warm and sincere smile.
"I miss you too, Ven" napalunok ito pagkatapos ay tinakpan ang mukha at tumalikod sa akin. Kulang na lang ay impit ng tili at iisipin ko nang nababakla na ito.
I smiled. Para na naman siyang bata. Nakatalikod man ito ay ramdam na ramdam ko iyong ngiti niya. Iyong kamay ko ay nagtungo sa balikat nito at parang nagulat pa siya doon. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.
Bahagyang nakayuko, nakatalikod sa akin at ang dalawang palad ay tumatakip sa mukha niya. Ganoon ang pwesto nito. Hindi magulo iyong buhok niya at hindi na rin masyadong malago. Brown na brown ang kulay dahil nasa ilalim kami ng araw. Nakikita ko pa ang pamumula ng tenga niya.
"Hoy, ang arte mo" I wrinkled my nose while I'm smiling. Ginalaw-galaw ko ang balikat nito "Ano na? Huwag mo nga akong salubungin ng hiya mo"
Suminghap ito. Nakayuko pa rin pero hindi na nakatakip ang mukha nang dahan-dahan siyang humarap sa akin. Sobrang stiff ng katawan niya. Parang bloke ng yelo. Tapos ang mukha ay pulang-pula at hindi pa makatingin sa akin.
"Tanginang— ang pabebe mo naman, pre" saad ni Chad na nasa likuran ko pala. Tila ba naiinis na ito sa inaasta ni Francois.
"Kaya nga. Daig mo pa ang babae. Kaya 'di ka krina-crush back eh" si Isaac.
Sinamaan ng tingin ni Francois ang dalawa at pasimpleng pinanlakihan ng mata ang mga ito na nasa likuran ko. Tumingin pa ito sa kung saang gusto niyang papuntahin ang dalawa para maiwan kami.
"Sabi nga namin na hihintayin nalang namin kayo sa kalesa" saad ni Isaac at parang sigang umalis kasama si Chad. Pinanood ko ang paglakad papalayo ng dalawa at pagsakay sa kalesa.
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...