Chapter 22
Give up
Masayang isipin na may isang taong gagawa ng kahangalan para sa'yo, na sa kabila ng pag-uugali mo ay may nagkakagusto pa rin pala sa'yo.
Masarap sa pakiramdam iyong alam mong may nagmamahal sa'yo ng totoo.
Pero hindi magandang maging rason para masira ang buhay ng isang tao.
Hindi ako magandang rason para i-sacrifice ang future niya.
I am not supposed to drag him down. And he never made me feel this bad, never, not until today. Ano ba ang nagawa ko para mas piliin niyang makasama ako at itaya ang kinabukasan niya?
Humigpit ang hawak ko sa magkasalikop naming kamay. Ngayong araw, pinili kong huwag munang magsulat at ibigay sa kaniya ang lahat ng oras ko.
Kasi ngayong araw na rin ang huli naming pagsasama para sa taon na ito. Bukas. Bukas ay mawawala na naman siya. Mangungulila na naman ako at hahanapin iyong presensya niya. Babalik na naman ang pakiramdam kong parang may kulang.
Nakapatong ang ulo nito sa balikat ko at magkatabi kami sa bench habang nakatingin sa field ng sunflower. Naalala ko iyong time na umamin siya sa akin at hindi ko 'yun matanggap dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.
Bakit ako nangamba noon para sa amin? Sobrang higpit ng kapit namin sa isa't isa. Isang taon siyang nawala at hindi kami nakapag-usap, tumakas pa siya sa Italy, hinayaan siyang manatili dito, at marami na rin kaming nagawa. At hanggang ngayon, pagkatapos ng lahat ng nangyari, nandito pa din kami at magkasama.
"I wish we could stay like this forever" he said "It might sound cringey to you but that's what I really want"
Iyon rin ang gusto ko...
Napahagikgik ako "Wala tayong magagawa. May hangganan ang lahat, at may mga priorities din tayo. Hindi pwedeng habang buhay tayong ganito" alam kong napangiti siya "Enjoy na lang natin itong pagkakataon"
Tipid itong tumango. Parang tamad na tamad siya. Masyado komportable na nakapatong ang ulo niya sa balikat ko at magkahawak kami ng kamay.
"Two months pa," ani nito
Ilang oras pa...
Bumuntong hininga ako at malungkot na ngumiti. Atleast nakasama ko siya. Pero ang lungkot rin. Lalo na't naiisip kong bukas ay wala na naman siya. Bukas, kailangan niya nang umalis at mamaya ay kaka-usapin ko na siya para bumalik sa Italy at mag-focus sa mga dapat niyang gawin. Hindi iyong nandito siya at nag-a-aksaya ng panahon.
May next year pa. Hindi mauubos ang summer. Taon-taon ay may ganoon at alam ko namang hindi siya magbabago. Kagaya na lang kung papaanong pareho pa rin ang trato namin sa isa't isa kahit pa matagal kaming hindi nagkita.
"Francois," I said because I have the urge to say his name "Francois Sebastian Hermes" his whole name escaped from my mouth and I smiled.
The boy that I can only see in summer.
Umayos ito bigla ng tayo at awang ang labing tumingin sa akin "What the—"
Mukhang hindi siya makapaniwalang alam ko na iyong whole name niya. Lalo na ang apelyido. At gustong-gusto ko mang tanungin kung bakit ayaw niyang magsabi sa akin ng ibang details tungkol sa kaniya ay hindi ko ginagawa. He have his reasons for sure.
Proud akong ngumiti sa kaniya "Akala mo ha,"
Magulo iyong buhok niya at mukha siyang bagong gising. Maganda rin ang suot niya ngayon, ka-match ang sa akin. Dahil iyong bench na inu-upuan namin ay nasa ilalim ng puno, hindi kami naaarawan at presko naman.
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...