Chapter 7

73 8 25
                                    

Chapter 7

Dance

"Sorry na, Venice! My stomach hurt so bad so I went home"

Tumango lang ako dito "Ayos lang naman sa akin"

Pawis na pawis siya. Parang itinakbo na niya mula sa bahay nila hanggang dito sa amin. Lumapit ako dito at inayos ang pagka-ka-butones nang suot nitong buttown down na ang design ay stripped. Nakikita iyong collarbone niya. Parang nagmadali pang nagbihis ang loko.

"Eh? You're not mad?" He asked

Bakit naman ako magagalit sa kaniya? Naiintindihan ko naman at ayos lang sa akin.

Umiling ako at nakisabay na siya sa pagpasok sa loob ng bahay namin. May dala-dala siyang box at iyong supot na ang laman ay mga tupperware na pinaglagyan ng ulam na ibinigay ni mama.

He chuckled "Nagtatampo? Or nalungkot?"

Itinanggal ko ang suot na apron at isinabit iyon sa hook na nakalagay sa gilid ng pinto. Kaluluto ko lang ng lunch at saktong aksidente na napadami iyong luto ko. Hindi ko kasi alam na may pupuntahan pala si mama.

Napalingon ako dito na hirap na hirap tanggalin iyong sapatos niya. Paano, hindi pa inalis ang pagka-katali niyon. Ayaw kasi niyang bitawan ang mga bitbit kaya ako na ang pumosisyon sa harapan nito para alisin.

"Hindi rin" sagot ko sa katanungan nito.

Nang mag-angat ako ng tingin dito ay agad akong nagtaka nang parang maluluha na siya. Anong problema nito?

"Bakit?" Tanong ko kasabay ng aking pagtayo

His tongue touched the inside of his cheecks before he licked his lower lip, making it redder "You'll be ok if I leave..."

Kinuha ko na sa kamay niya iyong supot na may lamang tupperware. Wala sa sarili na lang akong napangiti sa sinabi niya at napailing bago ito tinalikuran para pumunta sa kusina. Narinig ko naman ang yabag niya para sundan ako.

"Hindi ganoon 'yun. Alam ko namang babalik ka at naiintindihan ko naman"

"Even if I'm gone for a long time?"

Napalingon ako dito. Sobrang lapit niya pala sa akin dahilan upang tumama ang tungki ng ilong ko sa braso nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalubong ako ng brown niyang mata at dahil maliwanag, kitang-kita ko iyon.

Papaano nga kaya kung mawala si Francois sa matagal na panahon?

Parang ang boring naman ng buhay kung wala siya. Tsaka parang kapatid ko na rin ito. Parang iniisip ko pa lang na aalis na siya, nalulungkot na'ko.

"Bakit? Aalis ka ba?" Mahina at bakas ang lungkot na saad ko.

Kumunot ang noo niya at umiling-iling "No way" he pinched my nose before he smirked "But I'm really curious... If I leave, will you wait for me?"

"Kahit matagal ka pang mawala, Francois" I answered with assurance.

Syempre confident ako kasi alam ko namang hindi siya aalis. Napapadalas na nga si Francois dito sa bahay. Parang makikitira na sa'min. Wala rin akong nakikitang dahilan para umalis siya. Edi sana noon pa man sumama na siya sa mama niya tuwing pumupunta ito ng ibang bansa kung may balak itong iwan ang probinsya na'to.

He have all the reason to stay.

Itong mapayapang lugar, magandang tanawin, secret place at marami siyang makukulit dito.

But if ever he leaves, I can wait for him as long as he promise to come back.

Niyaya ko na siyang kumain ng tanghalian sa amin. Napag-alaman ko rin na 'yung bitbit niya palang box ay ps4 na ibibigay niya kay kuya Aldrin. Nakakahiya at hindi ko na sana tatanggapin pero wala nang nakakapit kay kuya Aldrin. Talagang niyakap at kiniss niya iyong ps4.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon