Chapter 31
Home
I must be seeing things. That's what I thought. It's been six years. I haven't seen him for so long.
Bakit ba nalilito pa ako kung nawala ba ang pagmamahal ko sa kaniya o iyon lang ang pinaniwalaan ko dahil hindi ko naman siya nakikita?
I took a deep breath to sweep my thoughts away. Hindi naman siguro siya iyon at kung siya nga ay hindi na dapat ako maapektuhan pa. Ano naman ngayon kung napanood niya ang interview ko?
I am over him. Period. Kung bakit kasi ang hilig kong mag-isip.
Napatingin ako sa kama kong puno ng mga damit na siyang aayusin ko. I have to choose what to bring. Kahit may mga damit pa naman akong naiwan sa Isaviadar, gusto ko pa ring magdala ng maaayos at panglabas na iiwan ko doon para sa susunod.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Pumasok si Vince na hanggang balikat ko na ang tangkad. Naka-pang basketball ito ng damit at may dala pang bola.
Parang noon lang ay englishero pa ang isang ito at chubby. Ngayon ay binata na. Medyo na-mi-miss ko noong bata pa siya. Ganoon rin naman sila kuya sa akin.
"Uuwi talaga tayo ngayon, Ate? As in ngayon?"
Napatawa ako sa tinanong sa akin ni Vince at ginulo ko ang buhok niya.
"Para saan pa pala 'tong ini-impake kong damit?"
Nagliwanag ang itsura niya at lumawak ang ngiti. I even saw his pupil growing "Mag-aayos na'ko!" Ani nito at tumakbo na papalabas sa kwarto ko.
Napa-iling ako habang nakangiti. I honestly love staring at Vince. Habang lumalaki siya ay mas nakikita talaga sa kaniya ang pagkakahawig kay papa sa itsura maging sa ugali. We see our father in him. Kaya naman spoiled siya sa aming lahat.
But he have a one very special requests that we're still trying to figure out. Gusto niyang sa Isaviadar mag-highschool. Ayos lang naman sa akin iyon pero sino ang kasama niya doon? Hindi namin sila kayang iwan ni mama.
Lumipat kami dito sa Manila dahil nandito ang kumpanyang pinag-tra-trabahuhan ko. Marami ring opportunity dito para kila kuya. Well, kuya Aldrin is a gamer so he can stay with mama and Vince sa Isaviadar. Pero si Kuya Dexter na abogado na ngayon at ako ay hindi pwede doon. Kumbaga nandito na ang buhay namin. Ayaw naman naming mahiwalay sa kanila.
Sa susunod ko na lang iisipin.
Kinabukasan ay maaga kaming lahat na nagising. Marami kaming naging bahay pero sa Isaviadar talaga ang tinuring naming tahanan. Doon kami napamahal, doon kami attached. Hinahanap-hanap namin doon.
The home of nature and love. Indeed it is.
May komunikasyon pa rin ako kila Isaac. It's nice to think that after all these years, we're still friends. Siguro ay iyon ang kagandahan sa pagiging mapili ko noon. I was a silent girl. I don't even speak much. Sila ang mga lumalapit sa akin at kahit pa tahimik ako ay nandoon pa rin sila. They stayed until the end. I stayed too.
Binuhat na nila kuya ang mga gamit nila papasok sa loob ng sasakyan. Limang araw lang kami doon dahil one week lang naman ang leave ko at nila Ethan. Sila kuya, mama at Vince ay doon sa kotse ko. Ako naman ay makikisakay sa kotse ni Ethan kasama si Thea.
Naayos na ang lahat, at sakto rin ang naging pagdating nila Ethan. Pumasok na sila kuya sa kotse ko, ako naman ay kay Ethan. Saktong alas dose nang nagsimula nang umandar ang sasakyan namin.
Three hours and we'll be there. Pinikit ko muna ang mga mata ko para umidlip. Sa totoo lang ay ginawa ko nalang na technique ang pagtulog para hindi bumagal ang oras. Isang tulog ko lang at pagkagising ko'y gusto kong nasa Isaviadar na ako.
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...