Chapter 13

57 7 16
                                    

Chapter 13

School

Maraming tao sa canteen at sa mga food court sa labas ng school, sa class room naman ay maingay dahil 'yung mga boys ay nag-lalaro ng 'invisible basketball'. At dahil gusto ko ng tahimik na lugar, saan pa ba ako pupunta? Mag-isa ako ngayong kumakain sa may sulok ng liblary. Bawal talagang kumain dito pero dahil madalas na at kakilala na rin ako ng nagbabantay, hinahayaan ako nito.

O siguro'y hinahayaan niya lang ako para maka- the moves siya sa'kin?

Inayos ko ang salamin ko at tutok na tutok sa hawak na libro. Nasa intense scene ako at sa sobrang kaba at labis na pag-tuon ng atensyon ko doon ay hindi ko na isinusubo ang cookie at iniinom ang in can juice. Pero dahil paepal ang nagbabantay, na-istorbo ako nang marinig ang pagtunog ng upuan sa harapan ko at pag-upo niyon doon.

Walang gana kong sinara ang libro. Paniguradong hindi na naman ako maka-ka-focus. Kung sana ay may mapupuntahan akong ibang lugar bukod dito ay doon na lang ako nanatili. Hindi ba niya nakikita o napapansin na ayaw ko sa kaniya?

"Don't you have girl friends?" Tanong nito sa akin. Katulad ko ay nakasalamin din siya at naka-uniporme.

Isiniksik ko ang libro ko sa shoulder bag. Pocket book lang naman iyon kaya hindi mahirap itago at dalhin kung saan-saan. Iyong kaunting kalat ko sa lamesa ay inayos ko na rin, handang-handa na akong umalis.

"Aalis ka na?" Tanong nito sa akin. Nakaramdam agad ako ng 'cringe' nang magtama ang mga mata namin at makita kong para siyang tutang iiwan ng amo.

Ayaw ko talaga sa kaniya. At sigurado akong hindi tinatago ng ekspresyon ko sa mukha ang nararamdaman ko. Mahiyain ako, oo, pero kumakapal ang mukha ko sa ganitong sitwasyon. Bakit ba ayaw niya akong tantanan?

Nang tumayo ako mula sa pagka-ka-upo ay tumayo rin siya. Tumunog ang upuan namin dahilan upang mapatingin sa amin ang ibang nagbabasa ngunit hindi naman nagtagal ang atensyon nila sa'min. Walang pasabi akong umalis, at katulad ng dati ay feeling close itong sasabay sa akin.

At sobrang nakakaramdam ako ng pagkagigil at pandidiri tuwing dumidikit ang matigas na braso nito sa balikat ko. Hindi pa man nakakalabas ng liblary ay tumigil na ako sa paglalakad at walang ganang humarap dito. Tipid siyang ngumiti sa akin.

Gwapo siya, pero hindi ko type. Hindi ako naka-ka-feel ng attraction sa kaniya. Hindi siya ang tipo ng lalaking titingnan ko ng paulit-ulit. Matangkad ito at mas matanda sa'kin ng isang taon, iyong physical features niya ay pang malakas. He's like a man.

Umiling ako. Hindi ko talaga feel ang isang 'to. Sa katunayan ay hindi ko feel ang kahit sinong lalaki dito. Maliban na lamang sa iba na magaan naman ang pakiramdam ko. Pero madalas ay wala talaga akong pansin. Kaya lang katulad ng Ethan na'to ay sadyang may papansin talaga.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tumigil ka na?" Kumunot na ang noo ko dito.

He smirked and cross his arms as he stare at me  "Cute..."

Wala sa sarili akong napa-irap dito ng harap-harapan. Sa totoo lang ay hindi ko iyon sinasadya. Nagulat ito sa ginawa kong pag-irap at maging ako rin naman ngunit agad na akong tumalikod dito bago ko pa maipakita dito ang konsensya. Grabe, may inirapan na ako. Madalas ay umiirap ako ng palihim dito pero ngayong nairipan ko siya ng harap-harapan ay masaya sa feelings.

Akala ko titigilan na niya ako, pero binilisan nito ang lakad niya at humarang sa dadaanan ko.

"You improved," he said. Bahagya nitong inilapit ang mukha sa akin at nakarinig ako ng impit ng tili "Umiirap ka na sa'kin, huh? Nagiging open ka na, Venice. I told you, sa akin ka rin babagsak"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon