Chapter 26

50 3 8
                                    

Chapter 26

Party

Tingin sa kanan, mainit. Tingin sa kaliwa, mainit. Tingin sa kahit saan, maliwanag!

I can say that this is the best year of my life. Bawat araw na sumunod noong umalis si Francois hanggang ngayong kasalukuyan ang best of the best.

Kahit pa noong mga panahong hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

He gave my life a challenge and downfalls, aba! Bumawi naman siya ngayon 'no! Syempre babawi rin ako.

Babawi ng pagmamahal.

Ang landi mo na, Ven!

Gosh, I can feel his warm embrace already! Kasing init pa ng araw!

Joke, ayaw ko pang masunog.

Nakangiti akong tumanaw sa bintana. Katatapos lang namin magharutan ni Vince. Ang hyper ko ngayong linggo! Hinihintay ko na nga lang na pumunta dito si Isaac. Ang lokong iyon, hindi nagpakita sa akin buong linggo!

Hindi naman na kataka-takang energetic ako. Ikaw ba naman na alam na darating iyong hinihintay mo.

Basta naniniwala akong pupunta ngayong summer si Francois. Malakas ang kutob ko. Sigurado akong maayos na siya, nakapasa, at buhay na buhay. Sigurado akong ngayong panahong ito, tama na ang oras.

Grabe rin ang tadhana sa amin ano! Noong umamin siyang gusto niya ako, kapatid lang ang tingin ko sa kaniya. Tapos noon namang nahuhulog na ako, biglaan na lang may sumapaw na problema sa aming dalawa.

Atleast this time, paniguradong wala nang papagitan sa aming kung ano. I'll be open to him, and I'll let him come closer to me, closer than he already is.

Nag-init ang pisngi ko at tinakpan ko ang mukha ko ng aking palad habang may malawak na ngiti.

Kinikilig ako!

Na-influence na yata talaga ako ng kaharutan at kaguluhan ni Thea.

Pero sa kalagitnaan ng kilig ko ay nawala iyong ngiti ko.

Eh paano kapag hindi siya pumunta? Edi kawawa naman ako.

I mean... Wala akong pinang-ha-hawakan na pupunta siya ngayong summer. Bukod sa nandito ako, bukod sa routine niya nang pumunta dito. Pero si Isaac na rin ang nagsabi sa akin na may summer noon na hindi siya pumunta dito.

What if he doesn't come?

Umiling ako sa sarili ko at tinapik-tapik pa ang mukha ko habang nakapikit.

"Think positive, Venice. Mamaya ma-manifest mo bigla na hindi siya pumunta. Baka nakakalimutan mong nandito ka. Ang pinaka-maganda sa mata niya!" saad ko sa sarili at napangiti na lang nang maramdamang umurong na iyong negativity ko. Ang taas yata ng confidence ko ngayon.

Well, Francois never made me feel ugly.

Like any other day, and the days that comes, I made sure that I was pretty. Tamang suklay lang kada-minuto at simpleng silip sa bintana. Minsan nga ay nag-i-imagine na ako. Sa kaka-imagine ko, sunod-sunod na ang pag-update ko sa bago kong istorya.

Habang tumatagal nga at nagre-reread ako ay mas nakikita ko ang pagiging similar ng bago kong leading man kay Francois.

"I-dedicate ko kaya sa kaniya 'to?" I asked myself "Tutal siya rin naman ang pinaka-inspirasyon ko sa story na'to" a silly smile was slowly formed on my face "Idagdag pa na nilalagay ko ang mga thoughts ko dito tungkol sa kaniya..."

Madali lang sa akin na ilaan sa kaniya ang story na'to.

Gosh, ang lakas na ng tama ko!

I found the boy that I can write a whole novel for...

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon