Chapter 27

51 4 6
                                    

Chapter 27

Drunk

Was it because he already kissed me? He got what he want, and now he can just not go back or mind me at all.

Ganoon ba?

Porket nakuha na niya ang gusto nito. Dahil wala nang challenge lalo pa't alam naman na niya ang lahat sa akin, bigla nalang siyang titigil.

I don't want to think of him this way, but I can't help it.

I am done with invalidating my feelings. I learned my lessons back then. Ang emosyon, hindi dapat tinatanggi o kaya'y bigyan ng walang saysay. These feelings are here for a reason. But that doesn't mean that we should live with pain and sadness.

"Are you alright?" Ethan asked "Hindi mo pa rin ba alam ang kukunin mong course?"

Napatingin ako dito. I scrunched my nose and laugh a little.

Kahit na malaking problema iyon para sa'kin, sinusubukan ko pa rin tawanan. Pero ang totoo ay nagsisimula na akong mag-overthink tungkol sa future ko.

"Hindi ko pa alam," may tipid na ngiting sagot ko dito at bumaling sa pancake na nasa pinggan ko.

Ngayon ko lang napansin kung gaano kawasak tingnan ang pancake ko na hindi ko man lang tinikman at tinusok-tusok ko lang ng tinidor at nilunod ng syrup.

"Hmm," he said. Kinuha nito ang plato ko at pinalit sa akin ang kaniya. Mas maayos iyon at mas masarap tingnan.

"Siguro, kung saan si Thea ay doon na rin ako... O kaya si Isaac" saad ko.

Ang hirap na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gusto ko. How am I supposed to do well on my chosen course if ever?

"Pwede rin. You'll feel more comfortable and motivated if you're with friends" nasa sa akin lang ang tingin nito pero ako ay nasa plato ko lang "Pero mas maganda pa rin talaga 'yung ikaw mismo ang may gusto, Venice. Well, ikaw ang bahala"

Isang tango ang ibinigay ko dito at nagsubo ng pancake. Masarap naman pero hindi ko ma-appreciate.

Nandito kami ngayon sa isang kainan na ang style ay mala-paris. Sosyal rin ang mga inihahanda nilang pagkain. Parang nasa ibang bansa talaga ang feels.

"Sana pala ay GAS ang pinili kong strand kaysa Arts and Design" sambit ko at saka tumingin sa kaniya "Medyo pinag-sisisihan ko"

Kung sabagay, wala akong pakialam noon. Basta na lang akong pumili ng strand. Tsaka wala akong oras pagsisihan ang mga bagay-bagay.

Tumango-tango ito habang ngumunguya. Maya-maya pa ay kumuha ito ng tissue at pinunas sa gilid ng labi niya. He leaned closer with his eyes on me. Naging seryoso ang kaniyang tingin.

Nakaka-intimidate ang lalaking ito.

"Ven, remember the bracelet?" Panimula nito.

Hindi na ako sumagot at hindi ko na rin pinahaba ang usapan. Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang bracelet bago iniabot sa kaniya.

Nakangisi kong sinalubong ang simangot niya. Gosh, ang pabebe ng mga lalaki dito sa Isaviadar.

"Ano? Hindi mo kukunin?" Mas lalo kong inilapit sa kaniya ang bracelet. Dahan-dahan niya naman iyong kinuha.

He didn't even say thank you! Sabagay, hindi rin naman ako nagpasalamat dito sa libre niya. Ganoon talaga kami kapag magkasama.

Mukhang importante rin talaga sa kaniya ang bracelet na iyon.

"Will you do part time jobs if ever?" He asked after a while. Parehas kaming matatapos na sa kinakain.

"Ayaw nila mama at kuya Dexter. Pero depende sa mangyayari"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon