Chapter 10
Confession
Paano ko ma-e-enjoy itong paglilibot sa bayan kung lumilipad ang utak ko?
Alam naman ng Francois na'to na mas madami ang oras ko sa pag-iisip kaysa sa pagsasalita tapos binigyan pa ako ng pala-isipan.
Hindi ako kuntento sa sinagot ni Francois. Mas pinagulo niya nga lang ang isip ko. Anong who knows? Anong maybe I do, maybe I don't?
Gusto kong clear iyong sagot niya. Hindi 'yung andami-dami pang paliko-liko at kung ano-ano. Papaano ako makakatulog ngayong gabi nito?
Madali lang naman sabihin ang hindi. Tsaka hindi rin naman ako ma-o-offend doon.
Pero paano kung oo? Oh my gosh, gulong-gulo na ang isip ko.
"And the last...one" ibinigay nito sa akin ang may kalakihan na sunflower. Bawal pa nga iyong ginawa niyang pamimitas dahil hindi naman kami ang may-ari niyon.
Wala sa sarili kong kinuha sa kamay niya iyong bulaklak at inilusot ang tangkay doon sa loob ng 1.5 bottle. Sa loob niyon ay may iba't ibang bulaklak na nakalagay. Ipinitas namin iyon mula sa iba't ibang purok sa bayan na'to. At nandito na nga kami sa purok 10, iyong last.
Agaw-dilim na. Wala rin akong buwan na nakikita mula sa kalangitan dahil tinatakpan iyon ng grey na ulap. Pero may mga parte namang pink ang kulay ng ulap na tumatakip sa dark blue na sky.
Iyong bulaklak ng sunflower, hindi ko na inilusot-lusot at isiniksik sa loob. Hinayaan ko na lang na nakalabas iyon. Mayroon din kaming inilagay na maliliit na bato, ilang damo at kaunting dahon sa loob ng bote kasama iyong iba pang mga bulaklak. May blue, may pink, may purple, may puti, karamihan ay yellow. Ang sarap sa mata.
"Ven, picturan mo nga ako" hinablot nito sa kamay ko iyong bote, tumayo siya sa harap nung mga sunflower kaya maganda iyong background niya.
Lumayo ako sa kaniya, isinama ko na rin iyong ulap lalo na't maganda namang tingnan. Ngumiti ito habang yakap iyong bote. Sa gilid ng mukha nito ay ang sunflower na nakalabas sa bote at tangkay lang ang nasa loob. Ipinakita niya rin iyong laman niyon. Tatlong litrato ang kinuha ko.
Pinindot ko iyong screen ng phone ko para lumiwanag, nakita ko 'yung paggalaw ng buhok nito dahil humangin. Napuwing din siya dahilan upang pumikit ng mariin ang isa niyang mata at sumingkit naman 'yung kabila. Nanatili siyang nakangiti at saktong na-click ko iyong phone ko.
Pagtingin ko doon ay kuha iyong moment. Nakangiti siya doon, yung kamay niya ay mukhang pupunta doon sa mata niyang napuwing, mukha siyang kumindat at masaya. Magulo rin ang buhok niya pero maaliwalas ang mukha nito. Syempre, gwapo eh.
Napatitig ako sa picture niya. Itong lalaki na'to, magkakagusto sa'kin?
"Can I see?" I heard him.
Nang napasulyap ako dito ay papalapit na siya sa akin. Lumakad na rin ako papalapit hanggang sa makuha nito ang phone ko. Iniabot niya muna sa akin iyong bote bago tiningnan 'yung picture niya.
Nag-init iyong pisngi ko nang sumilay ang ngiti niya at mukhang zinoom pa ang mukha nito doon sa picture na napuwing siya. Mukhang kuntento naman ito.
Pero kumunot na ang noo ko nang mapansing may pinipindot-pindot na ang loko. Pahablot kong kinuha ang phone ko at napatawa ito. Bakit siya na ang wallpaper ko?!
Pero ang cute. Tumitig muna ako doon ng ilang segundo bago ibinulsa ang phone ko. Ayos naman kung 'yun ang wallpaper ko.
Parang inosenteng bata at kuryoso si Francois na nakatingin sa akin. Bahagya pang naka-awang ang labi nito "You won't change it?"
BINABASA MO ANG
A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)
RomanceVenice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She never speak her mind, runs, or cares about things that doesn't involve her because of its shy personal...