Chapter 5

96 7 26
                                    

Chapter 5

Family

A smile was crept on my lips as I watch the whole forest burn. The flames, the heat, the scream. I have never felt this free and alive.

Who would knew that a known hero will make troubles with the very well known villain?

Or is it better to call him someone whose wronged and mistaken.

Because if he's that bad and terrible, how can he make me feel like living and loving?

Nag-unat unat ako. Kuntento ako sa sinulat kong ito. Hindi ko tuloy maiwasang itanong sa sarili ko kung ang paborito kong manunulat ay binabase rin sa sarili niyang karanasan ang nalilikhang kwento.

In-off ko ang background music pagkatapos ipublish sa app iyong chapter. Binulsa ko na rin iyong cellphone ko bago ako napatitig sa ilog.

Bigla kong naisip na wala akong kaalam-alam kay Francois. Pangalan niya lang ang alam ko at ganoon din naman siya sa akin. Pero ang weird naman kung hahayaan kong ganoon lang ang alam ko sa kaniya.

"Francois, gaano ka kayaman?" Tanong ko na hindi tumitingin dito.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang naisip kong tanong.

"I can't tell. Hmm, my father is a doctor and my mom is a business woman. We have two mansion, five resorts and one private plane"

Wala sa sarili akong napatango. Grabe, ganoon pala kayaman ang lalaki na ito. Napansin ko naman na iyon sa kasuotan palang niya, maging ang amoy at paraan ng pananalita. Pero hindi ko akalaing ganoon ka-bigtime ang lokong ito. Kumpara sa amin na sakto lang. Basta't nay bahay at kumakain araw-araw.

Hindi na ako magtataka kung bakit todo aral si kuya Dexter. Siya ang inaasahan ng pamilya. Si kuya Aldrin ay matalino rin. Ako? Sa totoo lang kahit honor student ako ay hindi naman ako matalino. Ayaw ko lang na ma-left out sa aming magkakapatid.

Tsaka ayaw kong umasa sa kanila nila kuya. Baka nga nag-aaral na lang rin ako para yumaman. Wala namang masama sa ganoon. Pipili ako ng course na magpapayaman sa akin.

"Honestly, you're richer than me, Ven"

Nang mapalingon ako dito ay sinalubong ako ng karaniwan niyang pwesto. Nakaupo sa damo, nakayakap sa tuhod kung saan nakapatong ang pisngi niya habang nasa akin ang atensyon ng maganda niyang mata. Alam ko ang gusto niyang iparating sa akin.

"Kasi manunulat ako?" Tanong ko kahit sigurado akong iyon nga ang naiisip niya.

Ngumiti siya bago nag-ayos ng upo at tumango "Yeah, I mean I'm pretty sure a while ago you're not in where we are. Kanina lang, nasa loob ka ng isang mundo. Experiencing wild adventures, feelings, and making deep words. You own a story and in that story, are different place and beings. You own a whole world, Ven"

Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. Kung iisipin, tama nga siya. Kahit sa imagination ko lang ang lahat at hindi talaga napupuntahan ng pisikal, habang nagsusulat ako ay kita at ramdam ko ang lahat.

Siguro nga, ang isang manunulat ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo.

At tuwing ginagamit ko ang kamay ko para lumikha ng kwento, ginagamit ang puso sa bawat kabanata, ginagamit ang oras para sa bagay na masaya ako, wala nang tutumbas pa sa ngiti at magaan na pakiramdam. Walang tutumbas na saya sa isang manunulat kapag nakatapos ito ng istorya. Basta't nagmumula ito sa kaniyang puso.

"Is it great owning a world?" He asked

Nang makitang may dumi sa buhok niya ay tinanggal ko iyon bago siya tiningnan at tipid na ngumiti "Oo naman,"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon