Chapter 30

66 5 14
                                    

Chapter 30

Interview

Goodbye's doesn't always mean forgetting. Sometimes, it's an act of first step to move on.

And I just said goodbye to him.

Noelle: Akala ko wala nang mas sasakit pa sa pagkamatay ni Hector. But this story. This story hurts.

FuNg8t: You betrayed me~

Eleaa_: That hurts. To end a love story that never started. To say goodbye when you never actually say hello in the first place. To love but they never gave you a chance to completely show it.

I took a deep breath. Inayos ko na ang mga gamit ko sa table, mga nagkalat na papel, mga ballpen.

Akala ko ay ang unang story na natapos ko doon sa Isaviadar na na-hype noon ang una at huling kwentong magbibigay ng sakit sa mga mambabasa ko. I don't really like sad endings but how can I write a happy ever after on a story that revolves around him--around us?

Though, there's never us, there's still pain at that moment back then.

Ang sinabi ko noon sa sarili ko ay bibigyan ko ng happy ending ang sinusulat kong story na tungkol sa amin, na pababalikin ko siya at hindi paalisin. Unfortunately, I ended the story sadly. Like how ours ended.

Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin. I look more matured now. Bata pa rin kung titingnan, may softness at innocence pa rin, pero masasabi mong may karanasan na. I don't wear glasses as often as before, and I am also used in public speaking now. I've come far.

Kinuha ko ang bag ko at nag-martsa papalabas ng opisina ko. Tumango ako sa janitor na nakasalubong ko, at may ilang katrabaho na bumati at nagpaalam sa akin.

It's been years. And a lot of things have change. But there are things that doesn't like how my ringtone is still Cigarette Daydream, how I dress up simply, and how I still receive a lot of notification from the app where I still and will always write.

"Venice, congratulations sa book mo!" Bati sa akin ng isang nakasalubong kong katrabaho na lalaki.

Napangiti ako "Thank you! 'Di mo ba ako ililibre? Na-promote ka ah!" I laughed.

"Kapag nag-book signing ka na magpapakain kami para sa'yo. Basta pera mo ang gamit. Mas marami kang pera kaysa sa amin!"

Napatawa ako. Rumami lang naman ang pera ko nang naging successful ang play kung saan isa ako sa mga bumuo. And before I get here, I strive hard, I cried hard.

Who knew that I would end up being here?

Malapit na ang release ng book version ng story ko na noon ay mababasa lang sa cellphone o any device. Matagal ko nang gusto ito kaya lang ay ngayon ko lang naramdaman na handa na talaga ako. A lot of things happened.

"Malapit na ang release ng A Kiss On The Riverside!" Bati naman sa akin ng isa pang nakasalubong kong katrabaho.

"Hindi pa nga nalalabas, out of stock na" segunda ng kasama nila.

I smiled. Papaano, maraming nagpa-reserve dahil pwede naman iyon kahit pa hindi pa lubusang naihahanda. Nag-unahan na ang lahat, at ngayon ay nag-wo-work on new copies na naman kami. Hindi pa tuluyang nalalabas ang libro, bestselling na.

Kahit pa ganoon, I didn't delete my story on the app. Doon ay libreng mababasa ng readers ang stories ko. I won't delete any of my stories on that app. Lalo na't doon ako nagsimula. Doon ako na-discover.

Ang unang misyon ko naman talaga ay magbigay aral sa mga mambabasa at hindi kumita. Kahit hindi ako magsulat, magkakapera pa rin ako. I don't write for money. I write for the world, for the young ones, for the future leaders.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon