Chapter 12

59 9 10
                                    

Chapter 12

Reason

Totoo palang kapag nawala na ang isang tao, mas lalo mo lang makikita ang halaga niya sa'yo.

More than three months ago, nakilala ko ang isang lalaking nag-juggle ng mangga at tinamaan sa pisngi habang nagpapasikat. Three months ago, sabay kaming tumakbo, pinunta niya ako sa sikretong lugar na'to na kinalaunan ay naging amin. At sa loob ng higit sa tatlong buwan na kasama ko siya, wala itong ginawang iba kundi hayaan akong gawin ang gusto ko at pangitiin.

At kahapon... Kahapon lang, nabasa ko ang sulat niya.

Expected ko naman nang aalis siya. Sa loob-looban ko, nag-ka-karoon na ako ng ideya tungkol doon. Pero hindi ko ina-akalang mas maaga pa sa inaakala ko ang pag-alis niya. At hindi man lang siya nag-pa-alam sa akin ng personal.

Isang araw pa lang siyang wala, nangungulila na ako. Ikaw ba naman ay mawalan ng parang isang kapatid mo na rin?

Ikaw ba naman ay kulitin araw-araw?

Binuksan ko iyong phone ko para lang i-off ulit iyon. Gusto ko mang subukang magsulat, kapag nakikita ko ang litrato ni Francois na wallpaper ko ay bigla akong nawawalan ng gana at gusto na lamang tumulala habang walang nakatingin sa akin. Ayaw ko rin namang palitan 'yun.

Bakit ko pa ba siya hinihintay dito sa tabing ilog? Alam ko naman nang hindi siya pupunta.

Patapos pa lang ang summer, Venice. Kailan pa ang sinabi niyang pagbalik nito? Sa susunod na summer pa ulit! Taon pa ang hihintayin ko.

"Oh—" napatingin ako sa tabi ko nang may dumaan at nagulat sa akin. Nakahawak iyon ngayon sa dibdib niya at nanlalaki ang mga mata habang ako naman ay nakatingala sa lalaki habang naka-upo sa ilalim ng puno.

Akala ko si Francois...

Napatayo ako agad. Pinag-masdan ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Isaac na mula sa pagkagulat papuntang pakalma ay naging walang emosyon.

"Isaac..." Tawag ko dito.

Napansin kong may hawak siyang laruang bangka at kontroler niyon. Mukhang mamahalin at bago na kulay pula.

"You're here," sambit nito "Ano? Miss mo na ba ang itinatanggi?"

Sinagot ko ito ng pag-iwas ng tingin. Close ko si Francois pero parang hindi ko masabi sa iba na na-mi-miss ko na nga ang lokong 'yun. Ewan ko. Nahihiya ako at hindi naman na bago sa akin ang mahiya.

Nagsimula itong maglakad papalapit sa ilog at may hiya man ay sinabayan ko siya. Naupo kami sa mismong tabi lang at pinagmasdan ko siyang ilagay sa tubig iyong bangka bago niya ito pinaandar gamit ang kontroler.

Napatingin na lang ako kay Isaac na naka-upo lang rin sa tabi ko at kagat labing kinakalikot iyong kontroler. Rinig ang tunog ng bangka at usapan ng mga ibon. Walang nagbago sa ilog... Pero iba talaga ang pakiramdam kapag si Francois ang kasama.

Parang hindi ko maka-usap ang Isaac na'to sa sobrang focus niya sa laruan.

Kapag si Francois, hindi niya naipaparamdam sa'yo na napilitan lang siyang samahan ka o ayaw niyang samahan mo siya.

Kapag si Francois, sigurado kang magiging ayos lang at wala kang dapat na ipangamba kung naiinip ba siyang kasama ka. Kasi alam mo namang mananatili pa rin siya kahit hindi mo kausapin.

Habang nakatingin siya sa bangka na nakikipag-karera sa hangin at nag-pa-paikot-ikot sa ilog ay napangisi ito. Tila ba may naalala o napagtanto.

"You miss him, do you?" He asked and looked at me with a silly smile "Ikaw kasi 'e. Itinatanggi mo lagi"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon