Chapter 25

47 3 12
                                    

Chapter 25

New

"Happy one million followers!" Si Thea "Sumakto pa na mismong tapos na tayo ng senior high!"

Nag-senyales ako sa kaniya na huwag siyang maingay habang nakangiti at pasimpleng tumingin sa paligid. Buti na lang at walang malapit sa amin. May mga sarili ring mundo iyong mga ka-school mate namin.

Yumakap siya sa akin at sinagot ko iyon.

"Thank you!" Tuwang-tuwa na sambit ko.

Grabe, tapos na ako sa senior highschool! One step closer na ako sa kung anong magiging ako sa future. Mag-co-collage na ako!

At umabot na ako ng one million followers doon sa writing app. May badge na ako doon, at ilang beses nang na-feature ang story ko.

Kapag sine-search ko ang pen name ko sa google ay may mga lumalabas na articles tungkol sa akin. I made a name already.

Sunflower, the faceless author. Natatawa nga ako minsan sa mga artworks ng readers para sa'kin. Madalas ay yellow ang suot ko sa mga likha nila, and they would call me commander or ate sun. Dahil tuloy doon ay agents na ang itinawag ko sa kanila. I'm the commander and they are my agents, trained by my written stories.

Masyado nga akong maganda sa imagination nila.

Atleast totoo!

Sobra na talagang tumaas ang confidence ko. May mga pagkakataon pa ring nahihiya ako pero hindi na kagaya ng dati. Sa senior high, dapat ay makipag-socialize ka rin. Natutunan kong malayang magpahayag ng opinyon, na magkaroon ng pakialam sa paligid kahit papaano at makisama sa mga piling tao.

Minsan mahirap. Lalo na't pinanganak talaga akong tahimik at introvert. Idagdag pa ang pagiging conscious ko.

Kaya ko namang maki-blend in sa iba kung kailangan talaga at maayos naman ang paraan ko ng pakikisama. Pero si Thea lang talaga ang naging super close ko sa lahat. Close ko din naman si Isaac at Chad, pero iba pa rin kasi kapag kapwa ko babae ang kasama.

"Picture tayo!" Inilabas ni Thea iyong cellphone niya at nag-selfie kaming dalawa. Kapwa kami may ngiti na tumingin sa litrato namin.

Naka-uniform kami at kita sa amin ang saya. Background pa namin ang mga nakasulat sa pader at drawings tungkol sa mga mathematician. Nasa math park kasi kami.

"May ipagmamayabang na talaga ako sa future. Ha! Wala sila sa'kin" umakbay ito sa akin "Iyong idolo nila, tropa-tropa ko lang!"

Napa-tawa kaming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam na may i-ka-ka-proud tungkol sa'yo ang mga kaibigan at pamilya mo. Pakiramdam mo ay may worth ka. Na may kaya kang gawin at magaling ka sa isang bagay.

Bago naman ako nakarating dito, malaki rin ang naging hirap ko. And the readers... I will never stop thanking the readers, my hope and joy, my inspiration to keep going.

Dati ay nagsusulat lang ako para sa sarili ko. Ngayon, para na rin sa mundo.

God gave me a talent that I can use to spread awareness, to give hope, to create homes and escapes for others. Hindi ko dapat tinatago ang ipinagkaloob sa akin. This is my writing purpose. Pakiramdam ko, ito ang bagay na pinanganak ako upang gawin.

"Sasabihin ko nga sa mga readers ko na isa ka sa mga humabol sa akin noong kalilipat lang namin para balatan ka nila ng buhay" pagbibiro ko.

Exaggerated itong humawak sa dibdib niya "Grabe ka naman! Sige ka, sasabihin ko sa kanilang kalilipat mo pa lang noon dito ay naka-sungkit ka na agad ng Italiano," pabiro nitong kinurot ang bewang ko "Ikaw ha. Familiar iyong simula ng bago mong story. Inspired iyon sa una niyong pagkikita 'no?"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon