Chapter 1

289 6 14
                                    

Chapter 1

Isaviadar Province

If being unknown is the way for me to keep myself from stepping on our boundary, let me be non-existent forever.

Para saan pa na makikilala mo ako, kung ang pag-alam sa aking pangalan ang siyang magiging rason para sabay tayong bumulusok pababa at mawasak sa ating pagbagsak.

Hayaan mo akong manatili sa kinatatayuan ko. Kung saan pwede mo akong makausap ngunit hindi pwedeng makita at mahawakan. Hayaan mo akong gamitin ang mga salita para ipadama sa iyong nandito ako.

"Venice!"

Tumigil ako sa pagtitipa nang marinig ang tawag sa aking pangalan. I leaned on my chair and stare blankly at my laptop's screen. Inayos ko ang pagkakasuot ng aking salamin.

This will be the last chapter that I will write—or should I say type—on this room. Tatlong istorya. Tatlong istorya na ang nabuo't natapos ko sa silid na ito at akala ko'y hanggang sa kahuli-hulihang ideya at kwentong magagawa ko ay dito ko matatapos. Nagkamali ako.

One year ago, nakahanap ako ng isang napakagandang bagay na hindi ko inaakalang magiging parte ng pagkatao ko. At sa silid na'to, sa lugar na ito ko unang nadiskubri na may kaya pala akong gawin. Na may bagay din palang magiging kulay ng mundo ko.

And who am I to think of forever? To think that what I have now is permanent?

"Venice!!" Mas malakas na tawag sa akin ni mama dahilan upang kumilos na ako.

"Opo ma! Pababa na!" I closed my laptop and putted it carefully on the bag. Sa huling pagkakataon ay pinasadahan ko ng tingin ang ngayo'y wala nang laman na silid ko.

I can't help but to feel empty like this room. Nakikita ko pa ang sarili ko noong bata ako na sinusulatan ang pader at parang kahapon lang nang binili ko ang pinaka unang nobela na binasa sa loob ng silid na ito.

Namasa na ang mga mata ko habang ang puso'y nakakaramdam na ng pangungulila at nagsimulang ihakbang ang aking mga paa tungo sa pintuan.

Sa sandaling lumabas ako sa silid na ito, hindi na ako babalik pa. Tuluyan ko nang iiwan ang tahanan na siyang nakasaksi ng lahat sa akin. Mula sa paggawa ko ng takdang aralin, paghiga habang nakikinig sa musika at bawat tipak ko habang ang aking utak ay gumagawa ng sarili kong mundo.

Mabigat ang kalooban ko nang sandaling tuluyan na akong makalabas sa aking silid at sinarado ang pintuan. Sa mabagal na paraan ay naglakad ako at pinagmasdam bawat sulok ng bahay. Sana pala ay mas binigyan ko ng pansin ang bahay na ito. Buong buhay ko, ito na ang tinuring kong tahanan.

Sa huli'y napahawak ako sa isang may kalumaan nang upuan na nakalagay sa gilid ng pintuan. Malungkot akong napangiti.

"Pa, aalis na kami" suminghot ako at inialis ang pagkakasuot ng salamin ko para mapunasan ang gilid ng mga mata ko.

Kamamatay palang ni papa pero ginigipit na kami agad ng mga kapatid nito. Hindi raw sa kaniya nakapangalan ang bahay at lupa na ito. Dapat ay noon pa man kami pinaalis kaya lang ang namatay ko nang lola ang nagsabi na hanggat nabubuhay si papa, siya ang titira dito. Unfair iyon para sa kanila Tito lalo na't mas lalo lamang nahahalata na siya ang paborito. At ngayon na wala na siya, wala na rin kaming katapatan sa bahay na ito.

Napahinga ako ng malalim.

And we have no choice. Sa probinsya kung saan tunay na nakatira si mama. Ang probinsyang matagal na niyang iniwan at kahit kailan ay hindi namin nakitang magkakapatid.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon