Chapter 11

61 8 10
                                    

Chapter 11

Gone

There are some moments in life that is not worth living, some memories not worth remembering, most pain that is not worth feeling.

But that one moment with him is worth every single second. I knew it made us stronger, I knew tommorow will be the same because he assured me and tonight might be so tiring, I know tommorow will embrace me with energy.

But for now, I'll feel this emptiness mixed with joy and a little bit of bitterness inside me. A feeling that is mostly compose of sadness but fair enough to give me a little right reason to live in it for a while.

"How was the date?" Iyon ang binungad sa akin ni kuya nang buksan ko ang pinto.

Iyong tatlo kong kapatid, nandoon na naman sa sahig at naglalaro ng uno. Si kuya Aldrin na sinusubukang sumilip sa card ni kuya Dexter na nakatingin sa akin. Si Vince naman ay may ngiting nag-aabang ng kwento ko.

Lahat sila ay mukhang fresh, nakakain na at naka-pang-tulog. May tatlong tasa at plato ng biscuit rin sa sahig. Malayong-malayo ang lagay nila sa akin na parang basang sisiw at babagsak na.

Umiling ako "Hindi iyon date," doon sa kama ay kita ko iyong anim na paperbag at 'yung simpleng bagpack na binili ko. Nagtungo ako doon, nanatili ang nag-o-obserbang tingin sa akin ni kuya at ako naman ay pilit na hindi ito pinansin.

"How was it then?" Kuya Dexter asked again.

Isa-isa kong kinuha iyong paperbag at nagpakalakas para mabuhat ang anim. Notebook ang laman niyon, papel, may binili rin akong libro at ang iba ay pang-school na talaga. Pati uniform ko at sapatos.

Pagod akong tumingin kay kuya "Hindi maganda"

Totoo naman iyon. O mas magandang sabihin na half magulo, half maayos. Masaya ako na matatapos ang araw na'to na ok kaming dalawa ni Francois.

Hindi ako nakakaramdam ng uhaw, o kaya ng lamig at gutom. Kung may nararamdaman ako ngayon, siguro ay pagod. Pisikil, mental, emosyonal. Iba na kapag iyong tatlo na ang nagsama-sama.

Ilang beses akong bumuntong hininga. Biglang bumuhos ang ulan na mas maingay pa sa electric fan. Sinara ni kuya Dexter ang bintana at hinarangan iyon ng kurtina. Pinatay naman ni kuya Aldrin ang electric fan dahil lumamig at si Vince naman ay kinuha ang kumot niya at pinulupot sa kaniya iyon nang muling maka-upo sa sahig at ipagpatuloy nila ang laro.

Ramdam yata ng mga ito na ayaw kong makipag-usap. Inilagay ko muna sa isang sulok ang mga gamit ko, inayos ang higaan namin ni Vince bago nag-ayos ng sarili ko. Madalas ay maingay ang mga ito na naglalaro ngunit ngayon ay himalang tahimik sila. Ang maririnig lang ay ang pagbunot nila sa cards, pagbuhos ng ulan, kaunting hagikgik at nang manalo si kuya Aldrin ay hindi ito sumayaw at nagsi-si-sigaw sa tuwa.

Napa-iling ako sa sarili at piniling lumabas ng kwarto. Ayaw ko namang i-share iyong negative vibe ko sa kanila ngayon. Hindi rin ako nagugutom, o kaya nasa mood ng pagsusulat. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta namalayan ko na lang 'yung paa ko na humahakbang at sa isang iglap, pinihit ko na ang pintuan sa kwarto ni mama.

Nanatili ako doon sa pinto at siya naman ay naabutan kong nag-aayos ng higaan.

Napatingin ito sa akin "Ano, kamusta lakad?"

Umiling ako bago pumasok at isinara iyong pinto. Tinulungan ko na rin si mama na ayusin ang higaan niya.

Ano ang sasabihin ko kay mama? Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko na bang ginawa iyon ngayong gabi?

"Ma, tingin mo ba... Kunwari lang ha. Kunwari ano... Paano kapag may gusto sa'kin si Francois?" Hindi ako tumitingin kay mama, basta nagpapagpag na lang ako ng unan niya. Ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko "Posible ba 'yun?"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon