KTS [8]

3.6K 102 8
                                    

Shannon's POV

"HOY TAEHYUNG KIM BILISAN MO NAMAN DIYAN! PAG AKO NAINIS MO MAGRERESIGN NA TALAGA KO!" Sunod-sunod kong kinalabog yung pinto ng banyo. ano ba kasi ang ginagawa ng impaktong si V sa loob ng banyo at halos doon na siya tumira dahil sa sobrang tagal niya.

"AYAN NA LALABAS NA!" rinig kong sigaw niya mula sa loob. nakahinga ako ng maluwag at napasandal sa pader dahil sa wakas after so many many many years lalabas na rin siya.

"Kainis to! pabitin ka rin eh noh!" inis na sabi niya nang makalabas siya sabay irap sa akin. Nginisihan ko lang siya saka ako pumasok sa loob ng banyo.

Napaurong naman ako dahil sa tapang ng amoy na naaamoy ko. Kagad akong lumabas at hinanap si Taehyung.

"HOY V! V NASAN KA?!?! V STANDS FOR VALUGA LUMABAS KAAAAAA!" Sigaw ko.

"Bakit nanaman?" padabog siyang lumapit sa akin.

"Anong amoy yung nasa banyo? siguro may ginawa ka noh? Ah! kaya siguro matagal ka sa banyo kasi nag..." ang sagwa naman siguro kung babanggitin ko yung term.

"Nag..?" ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sakin, Napalunok naman ako. 

Ang sabi kasi sa akin ni Mikay nun pag ang boys daw matagal sa banyo ibig sabihin may ginagawa at ang sabi pa niya amoy zonrox daw yung--EWW SHANNON! 

"WALA!" Tinulak ko siya ng malakas saka ako pumasok ulit sa banyo. Buti nalang medyo wala na yung amoy. Narinig ko naman siya na humagalpak ng tawa.

"GREEN MINDED KA PALA SHANNON HAHAHA! NILINISAN KO LANG YUNG TOILET BOWL AT NAPARAMI YUNG LAGAY KO NG ZONROX HAHAHA!" napairap nalang ako at padabog na sinara yung pinto.

Binuksan ko yung maliit na cabinet para kumuha ng shampoo saka ko sinabit ang twalya ko sa may sabitan malapit sa pinto, isasara ko na sana ang shower curtain nang may marinig akong nalaglag. Napatingin ako sa magazine na nalaglag, nagulat ako ng makita ko ito ng malapitan dahil hindi lang pala ito basta magazine kundi isang men's magazine.

Sabi ko na nga ba eh may ginagawang anumalya itong si Taehyung tsk! lumuhod ako ng bahagya para pulutin yung magazine pero laking gulat ko ng makita kong may nalaglag na picture ko mula sa loob nun.

PUT--

Dali-dali akong lumabas at sinugod ko si Taehyung na nanunuod sa sala.

"HOY! WALANG HIYA KA TALAGA!" Pinaghahampas ko sakanya yung magazine niya habang siya naman ay hindi alam kung paano sasanggain ang mga hampas ko.

"A-AW! ARAY! BAKIT NANAMAN BA?!"

"BAKIT MAY PICTURE KO DITO SA MAGAZINE MO?! ANONG IBIG SABIHIN NITO?! BALAK MO SIGURO AKONG MANYAKIN NOH?" huminto ako sa paghampas sakanya at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"WOW HA! NAKITA KO--" Di ko na siya pinatapos at pinaghahampas ko ulit siya, Alam ko namang kasinungalingan lang ang mga sasabihin niya. Bakit pa ba kasi ako nagtitiyaga sa manyakis na abnormal na 'to?!

"OUCH TAMANA! A-AW!" 

"DUMAAN NA ANG NEW YEAR AT LAHAT DI KA PARIN NAGBABAGO, AH! DUMAAN NA DIN PALA YUNG ASH WEDNESDAY, NAGPALAGAY KA PA NAMAN NG ABO SA NOO MO PERO WALA PARIN ANONG KLASENG NILALANG KA BA HA? TAO KA BA TALAGA?" Sunod-sunod na sigaw ko. Nagulat naman ako ng biglang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at hiniga niya ako sa sofa and now he's on my top.

"Hoy Shannon Min! Una totoong nagbabasa ako ng fhm sa banyo at wala namang masama dun, pangalawa wala akong balak na manyakin ka haha! FEELING MO NAMAN! nakita ko lang yang picture mo sa kwarto kaya pinulot ko at inipit ko muna sa magazine isasauli ko sana sayo kaya lang nakalimutan ko! at pangatlo Pogi ako hehe" binitawan niya ko saka siya tumayo at pumasok sa kwarto. Napairap nalang ako at napabuga ng hangin sa kawalan, sa inis ko ay binalibag ko rin yung magazine niya sa pinto ng kwarto.

"BWISIT KA TALAGA KIM TAEHYUNG!" Sigaw ko at padabog akong bumalik sa banyo.

Nirelax ko nalang ang sarili ko sa bathtub, mga kalahating oras din akong nagbabad duon. Pagkatapos ko ay nagbihis na din ako at lumabas na. Halos mapatalon naman ako ng makita ko si Taehyung na nasa labas ng cr. Inirapan ko lang siya at nilagpasan pero bigla niyang hinila ang braso ko.

"Ikaw kamo Shannon para kang araw-araw na may regla, ang init ng ulo mo lagi eh" nakapout na sabi ni Taehyung.

"ano naman ngayon?!"

"Hehe wala, by the way may papakita ako sayo pag ang nakita mo ay hindi tumugma sa nakita ko manunuod tayo ng fifty shades pero pag tumugma naman tataasan ko sweldo mo ngayong buwan" nakangiting sabi niya habang tinataas baba pa ang kilay.

"Oh sige, ano ba yan?" walang ganang tanong ko.

"Anong kulay nakikita mo?" tanong niya saka pinakita sa akin yung dress sa picture.

"Blue and black" sagot ka. Namilog naman ang mga singkit niyang mata at saka ito sumingkit ulit dahil sa pag-ngiti niya.

"HA HA HA! MAGBIHIS KA PUPUNTA TAYONG SINEHAN" Tuwang-tuwa na sabi niya.

"Hala bakit naman?"

"White and gold kasi yan" mayabang na sabi niya.

"Ha?! nasaan ang white and gold diyan? abnormal ka talaga" inis na sabi ko saka ko siya tinalikuran.

"Eh nasaan naman ang blue and black dito?" tanong niya naman pabalik. lumapit ako sakanya saka inagaw yung cellphone niya at ni-zoom yung picture

"ayan oh! blue and black talaga!" pagdidiin ko.

"White and gold ka--"

"V! BRO ANDYAN KA BA?" Parehong nanlaki ang mga namin ni Taehyung at sabay na napatingin sa may pinto.

Nasabi ko na bang hindi na kami sa mansion nila naka-tira? lumipat si V dito sa condo niya 3 weeks ago and syempre personal maid niya ko so kailangan kasama ako.

"Anong gagawin natin?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Magtago ka, dun ka nalang sa kwarto wag kang lalabas dun hanggang di pa sila nakakaalis" sagot niya.

"KIM TAEHYUNG ALAM NAMIN NA NANDYAN KA HAHAHA!" Sabi ulit ng mga kaibigan niya sa labas.

"ganito pag medyo nagtagal sila dadalhan nalang kita ng pagkain sa kwarto basta wag ka lumabas" tumango nalang ako at dali-daling pumasok sa kwarto. Kung hindi nyo rin naitatanong ay sa isang kwarto lang kami natutulog, BUT hindi kami magkatabi sa tulugan, double deck ang gamit namin, Siya sa baba ako naman sa taas.

Isa pa hindi alam ng mga classmate namin na nakatira kami sa iisang bahay at hindi rin nila alam na personal maid ako ni Taehyung, kundisyon ko kasi sakanya yun na wag ipagsabi sa mga kaklase namin well except kay  Mikay

"Ano ba kasing ginaga--CASEY BAKIT KA RIN NANDITO?!" Napatayo naman ako at idinikit ang tenga ko sa pintuan.

FCK! ANONG GINAGAWA NG HIGAD NA YUN DITO?!

"Missed me?" malanding sabi nito. idinikit ko pa ang tenga ko para mas marinig ko sila

"Nakasalubong kasi namin si Casey tapos nung sinabi namin na pupunta kami dito ayun sumama siya" sabi naman ng isang kaibigan niya at kung hindi ako nagkakamali ay si Jungkook ito kaklase din namin.

"Did I surprised you V?" kahit kailan talaga ng arte magsalita nito eh.

"Alang pagkain dito, may dala ba kayo?" tanong ni V sakanila.

"Ah oo iyan si Casey dumaan pa sa grocery para ibili ka ng pagkain" sabi naman ni Jimin, Alam ba ni Mikay na nandito ang unanong boyfriend niya?!

"Ah ganun ba sige maupo muna kayo diyan"

"Ahmm V kailangan kong magbihis kasi nadumihan yung dress ko kanina" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang papalapit na yapak dito ni Casey

OH MY WHAT SHOULD I DO?! WHAT IF MAKITA NIYA KO?!

Ila-lock ko na sana yung doorknob pero I think huli na dahil napihit na ito ni Casey.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon