Shannon's POV"Good evening po Sir" bati samin ni Manang nang makapasok kami sa loob ng bahay, ay mali kay Taehyung lang pala hehe, tumango lang naman si Taehyung pagkatapos ay nagdirediretso na kami sa loob.
Didiretso na sana ko sa kwarto ko nang bigla niya kong hilahin
"Hephephep! san ka pupunta?" tanong niya
"Sa kwarto ko malamang" sagot ko at binawi ko na ang braso ko sa kanya pero bigla niya ulit akong hinila
"Dun ka muna sa kwarto ko" sabi niya at hinila niya na ko paakyat sa hagdan pero pinigil ko siya
"Teka lang ah, at bakit naman ako pupunta sa kwarto mo aber? pagod na kaya ako" inis na sabi ko pero hindi niya ko pinansin at hinila niya na ko paakyat, pilit kong hinihila ang braso ko pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya kaya pinabayaan ko nalang siya
"ayan diyan ka" sabi niya at tinulak niya ko sa kama niya pagkatapos ay binalibag niya sakin yung mga pinamili niya kanina
"Ano namang gagawin ko dito? wait don't tell me—"
"Oo tama yang iniisip mo kaya simulan mo na" nakangising sabi niya at pumasok na siya sa Cr
Aishh! nakakainis pagod na pagod na nga ako tas dobleng project pa yung gagawin ko
"WAHHHHHHHHHHHH KAINISSSSSS!" Sigaw ko at naglulundag ako sa kama ni Taehyung
haw peynpul is dis layp~
seulpo hajima no no no~
ebrebade say noooooo~
Gusto ko nang magpatiwakal busettt!
Wala nakong nagawa kundi simulan yung mga dapat kong gawin, pero sa sobrang pagod ko talaga ay nakatulog nako.
Taehyung's POV
Pagkalabas ko ng CR ay nadatnan kong natutulog sa kama ko si Shannon habang nakasabog sa katawan niya yung mga gupit-gupit na papel at cartolina, Tinanggal ko nalang ang mga iyon at inilagay sa isang tabi at inayos ko ang pagkakahiga niya saka siya kinumutan.
Bat ba kasi napapunta ko pa to dito? hays sa sofa tuloy ako ngayon matutulog. Pagkabihis ko ay sinimulan ko nang gawin ang project ko siguro idadamay ko nalang yung sakanya.
"Mama.." rinig kong sabi ni Shannon kaya kagad akong napalingon sa kanya
Ano to nag-isleep talk?
dalawang araw palang siya dito pero namimiss niya na ang mama niya, tsk buti pa nga siya may mama pa eh samantalang ako wala na hays.. too much drama Taehyung don't mind her just continue kung ano man yang ginagawa mo.
Saktong 12 am nang matapos ko yung ginagawa ko hays nakakapagod din pala, Iniwan ko nalang yung mga kalat at tumabi kay Shannon, tsk hindi ako matutulog sa sofa noh!
"WAHHHHHH!! ANONG GINAGAWA KO DITO?!!!! OW MY— WAHHHHHH KAINIS HOY TAEHYUNG GUMISING KA NGA!!! ANG BIGAT MO!!"
Nagising ako dahil sa sigaw ng babaeng to, Umaga na pala parang kapipikit ko palang ah
"Ang aga-aga ang ingay mo" sabi ko at pumihit ako ng higa patalikod sakanya pero bigla niya kong hinampas ng unan
"Siguro pinagsamantalahan mo 'ko noh? ano sumagot ka! may nangyari ba satin?" pagmamaktol niya, hays bakit ba ang paranoid nito? feeling naman niya pagsasamantalahan ko siya, humarap ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko
"You're not my type, hindi ikaw yung tipong gagalawin ko no" sabi ko at kumindat sakanya pagkatapos ay tumayo nako at nag-inat
"Nakakainis kana ha!" sabi niya at umirap sakin
Hahaha kaaga-aga ang sarap niyang pagtripan
Akmang lalabas na siya pero pinigilan ko siya
"Saan ka pupunta? linisin mo to oh" sabi ko sabay turo sa mga papel na nagkalat sa sahig
"Ha-ha-ha Linisin mo yang mag-isa mo!" sarkastikong sagot niya at akmang pipihitin ang doorknob
"Baka nakakalimutan mo YOU'RE MY SLAVE, Pasalamat ka nga't ginawa ko pa yang project mo eh kung di ko ginawa yan baka wala kang mapasa ngayon" sabi ko at dumiretso nako sa CR
"Wahhhhh kainissss!!" rinig kong sigaw niya at binalibag pa niya yung pinto ng cr
Shannon's POV
"Bat nakasimangot ka diyan?" tanong ni Mikay
Andito kami sa park ngayon sandali lang kasi yung klase namin
"Bwiset kasi yang Taehyung na yan eh sinira niya yung araw ko" inis na sagot ko at padabog na kinagat yung footlong na hawak ko
"Bakit ano ba ginawa niya?" tanong naman niya
"Basta wag kanang maraming tanong diyan" sagot ko at binatukan ko siya
"Aray naman bestfriend" angal niya at nagpout
tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag-kain ko, hays buti nalang lagi kong kadamay yung pagkain
"Kamusta naman kayo ni Jimin?" tanong ko kay Mikay pero bigla siyang napasimangot
"Ayos naman kaya lang nagkatampuhan kami eh" sagot niya at napabuntong hininga siya
"Bakit naman?"
"Eh kasi pag magkasama kami puro si Jungkook yung bukambibig niya, minsan nga naiisip ko na baka bakla siya at gusto niya si Jungkook eh" mangiyak-ngiyak na sabi niya
hahaha anong kabaliwan nanaman ba to?
MinKook is saling? umaygaddd
"MinKook shipper ako bestfriend" sabi ko at ngumiti ako nang nakakaloko sinamaan niya naman ako ng tingin
"I hate you" sabi niya at kunwari ay humagulgol siya
ang korni talaga nito minsan
"Uwi na kaya tayo Shannon" sabi niya at bakas nga sa mukha niya na gusto niya nang umuwi
Ayoko pang umuwi hays okay lang kung wala pa dun si Taehyung pero kung nandun na siya baka magpatiwakal nako
"Mamaya na ayoko pa umuwi eh alam mo namang ayokong mag-stay sa bahay nila Taehyung diba" pagkasabi ko ay biglang nagningning ang mga mata niya
"alam ko na! isama mo nalang ako sakanila para dika ma-buryo" tuwang tuwa niyang sabi
Oo nga noh bat di ko naisip kagad yun
"Sige tara" masayang sabi ko at tumayo na kami saka umalis na
"Marami bang pagkain kila Taehyung?" tanong niya
"Oo hays eat all you can" sagot ko saka ako umakbay sakanya
Habang naglalakad kami ay may nakita nanaman akong di kanais-nais
Si Taehyung at kasama yung kabigan niya
Kagad kong hinila si Mikay palayo sakanila, at mabuti dahil hindi niya naman kami nakita
"Problema mo ba?" naguguluhang tanong niya
"Hays andun kasi si Taehyung madedemonyo nanaman ako pag nagkita kami nun" inis na sagot ko
"Ow hi Shannon!"
Paksyet! naiwasan ko nga si Taehyung nakita ko naman tong hipon na Casey na to
Pag di to umalis sa harapan ko manghihiram to ng mukha sa Aso ><
--------
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...