KTS [23]

1.2K 44 20
                                    

Taehyung's POV

"Busy si Shannon ngayon kaya huwag mo muna syang istorbohin" Sambit ni Mikay. Hinipan nya ang mainit na sabaw na nasa kutsara saka isinubo sa akin.

Magmula nung magising ako nung isang araw ay hindi pa nagpapakita sakin si Shannon. Bakit naman ganun?

Namimiss ko na sya..

"Ano ba kasing pinagkakaabalahan nya? wala namang gaanong gawain sa bahay eh" Reklamo ko. Huminga sya ng malalim saka nilapag ang hawak na mangkok sa mesa.

"Huwag ka ngang makulit dyan!" Inirapan nya ako. Ano kayang problema nito? Ang sungit lagi sa akin, magkaibigan nga talaga sila ni Shannon. tsk!

"Tawagan mo sya, please!" Nilukot ko ang mukha ko. Baka sakaling maawa sakin hehe.

"Ang kulit mo! uuwi ka na mamaya kaya tumahimik ka na lang dyan!" Gigil na tugon nya. Inirapan nya ko bago sya lumabas ng kwarto.

Oo nga pala lalabas na ko mamaya, sawakas makakalanghap narin ako ng sariwang hangin at makikita ko narin ang habibi ko!

Halos magdadalawang linggo na ko dito sa ospital magmula nung maaksidente ako at ganun katagal ko naring hindi nakikita ang habibi ko. Hays, miss na miss ko na sya! miss na miss ko na syang yakapin at i-kiss.

°°°

"Andito na ba lahat? wala na ba kayong nakalimutan?" Tanong ni Jimin. Sya ang may hawak ng mga bag habang si Mikay naman ang may dala sa mga unan.

"Wala na bro" Tugon ni Jungkook na pinapaikot ang susi ng kotse sa mga daliri.

"Arat na!" Masayang sambit ko.

Si Mikay ang nag-ayos ng discharge paper ko pati narin ng mga bills. Dapat si Shannon ang gumagawa nun e, dapat sya yung nasa tabi ko ngayon kaso mukhang balak nya yata makipaglaro ng Hide & Seek.

Baka kaya balak nya ko i-surprise? taena kinikilig ako!

"Nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ni Jungkook na nasa tabi ko. Si Jimin ang nagdadrive habang nasa tabi nya si Mikay, kami naman ni Jungkook ay dito sa passengers seat.

"Ha? wala gago!" Natatawang sagot ko.

"Lul, wag ako bro" Sambit pa nya at tumawa.

Gago ata 'to umaagik nanaman haha!

"Wala nga! balakajan!" Sambit ko saka sinuntok ng mahina ang braso nya, gaganti sana sya ng lumingon samin si Mikay.

"Tumigil kayo dyan mga ugok! para kayong mga bata" Inirapan nya kami. Tinawanan nalang namin sya ni Jungkook.


Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tower ng condo ko. Taena naeexcite nako lalo!

"Umamin na nga kayo, isusurprise ako ni Shannon no?" Tanong ko sakanila, tinignan lang nila ko.

Nakasakay kami ngayon sa elevator. Magkahawak kamay si Jimin at Mikay habang hawak ni Jungkook ang mga gamit ko.

Kawawa naman si Jungkook lagi nalang third wheel haha!

"Wala din kaming alam bro, tumahimik ka nalang dyan" Sambit ni Jimin.

Ilang saglit pa ay bumukas na ang elevator, dali-dali akong lumabas at kaagad na tumakbo papunta sa unit namin ni Shannon, kaagad kong binuksan ang pinto.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon