Shannon's POV
Aligaga na ang lahat dito sa kompanya dahil sa nalalapit na grand launch ng The Vest at bali-balitang nakauwi na daw ang aming CEO na si Sir. Timothy. Napapaisip tuloy ako kung bakit hindi pa sya lumilitaw dito sa kompanya.
"How about the organizers and designers? " Tanong ni Ms. Alex. Kasalukuyan kaming nasa conference room para pag-meetingan ang nalalapit na event.
"Nakausap ko na po sila. Everything is all set according to them" Sagot ko habang nakatutok sa ipad na nasa harap ko.
"Yung mga models?" Tanong pa nya.
"They're already up for rehearsals tomorrow"
Tumango naman si Ms. Alex sabay check sa folder na hawak nya.
"Okay then. How about the guests?" Sabay tingin nya kay Fiona.
Halos lahat kami ay tutok sa aming task. We want this event to be smooth and flawless according to plan dahil ayaw naman namin na madisappoint ang mga guest at lalo na ang aming boss.
"My team have already sent the invitations and e-mails to all our respective guests and we also informed the media about our big event"
Tumango naman si Ms. Alex sa report ni Fiona.
"Okay, I guess we are all doing good. I'll update you if there's changes and update. That would be all." Sambit ni Ms. Alex habang inaayos ang mga folders at macbook nya. Nagsitayuan narin kaming lahat at nag ayos ng gamit para sa paglabas ng conference room.
"Grabe! nakakapagod talaga 'tong preparation para sa grand launch" Reklamo ni Fiona na nasa aking office ngayon. Nakasanayan nya nang tumabay dito dahil hindi nya kasundo ang mga kasamahan namin na nasa katabing cubicle nya
"Sinabi mo pa! Feeling ko nga lumalabo na 'tong mata ko dahil lagi akong nakatutok sa computer para sa mga e-mails na kailangan kong ipadala kay Sir. Timothy" Tugon ko sabay lagok sa coffee na nasa table ko.
Nakakalimang buwan narin ako dito sa The Vest. Noong una ay medyo nahirapan pa akong mag-adjust dahil narin sa mga umaattitude na mga ka-trabaho kaya buti nalang at may sarili akong opisina kaya hindi ko kailangan makita ang pagmumukha nila araw-araw.
"Gaano kaya kagwapo si CEO? excited na akong malaman kung intimidating ba talaga sya" Maarteng sabi ni Fiona na kala mo kinikiliti ang singit. Pagtatawanan ko talaga 'to kapag nadismaya sya sa paglantad ni Sir. Timothy.
"Sino?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.
"Si CEO nga—"
"Nagtanong?" Humaglapak ako ng tawa nang barahin ko sya. Inirapan nya lang ako sabay lagok sa kape nya.
"Napakasama talaga ng ugali mo, Shannon!"
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may nababara ka. Kagaya nalang nitong si Fiona.
"Share mo lang?" Dagdag ko pa. Inirapan nya ko ulit sabay bitbit ng kape at mga folder na dala nya kanina.
"Tse! dyan ka na nga!" Sabay martsa nya palabas ng office ko. Binelatan ko lang sya habang patuloy parin sa pagtawa.
Binuksan ko nalang ang computer ko para icheck ang aming sales report nang biglang mag ring ang telepono na katabi lang din ng computer.
"Yes, Hello? Goodafternoon" Panimula ko.
"Shannon, punta ka daw sa stock room paki-check daw yung mga bagong dating na orders para sa gagamitin ng mga models sa grand launch" Sabi ni Janine. Napairap ako sa ere.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...