Shannon's POV
"So how's your OJT, Miss Intern?" Tanong ni Jin na diretsong nakatingin sa tinatahak na daan. Laging ganto ang routine namin tuwing umaga, ihahatid nya ko at susunduin naman pag hapon na.
"Okay naman, medyo nakakapagod nga lang, masyado na ngang naeexercise mga legs ko eh" Humikad ako saka nag-inat. Napuyat kasi ako kagabi, saakin kasi pinagawa ni Mam Celestine yung powerpoint presentation ng bwisit nyang anak na si Jacob.
"Ganyan talaga lalo na kung hindi pa ikaw ang boss ng kumpanya" Tugon nya sabay tawa. Napamasahe naman ako sa sintido ko.
Parang ayoko na tuloy mag-apply sa company after kong grumaduate, ang hirap eh.
"Jin.." Tawag ko sakanya, tumingin sya sakin saglit.
"Hmmm?" Tumingin sya saglit.
"Kamusta...na... si.. uhh..." Di ko alam kung paano itutuloy ang sasabihin ko.
"V?" Tanong nya. Ngumiti ako saka tumango-tango.
"I don't know, Wala akong balita pero pinapahanap ko parin sya" Sumeryoso ang mukha nya.
Medyo nagiging awkward na, magsasalita na sana ako ulit nang mauna syang magsalita.
"Hmm.. Shannon.. I just... want to say sorry for all the trouble that I have caused to you and... Taehyung, Hindi ko inakala na magiging ganun ka-grabe yung naging epekto sayo nung ginawa ko, hindi ko naman inakala na sobra mo pala talaga syang minahal" Natameme ako habang sya ay nakangiti lang habang nagmamaneho.
"Nakita ko kung gaano ka naging ka-miserable dahil sa nangyari, masakit pala na makita kang ganun lalo na't dahil sa kagaguhan ko pa... Don't worry magbabago na talaga ako, I'll do my best para mag stay sa mabait na Jin na nakilala mo" Sabi pa nya.
Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko, napangiti rin ako at hinawakan ang kanang kamay nya.
"Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko pero, salamat kasi inamin mo yung pagkakamali mo pero alam mo? mas magiging masaya ako kapag nagsorry ka din sa kapatid mo" Umiiyak na sabi ko.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib, Hindi ko inakala na sasabihin ni Jin ang lahat ng ito.
"We're here" Sambit nya nang ihinto ang kotse sa labas ng building ng CelestiaLim Company.
"Huwag kang mag-alala sa oras na makita ko sya gagawin ko ang sinabi mo, gagawin ko ang nararapat" Ngumiti sya sabay ginulo ang buhok ko.
Lumabas na sya saka umikot sa harap para pagbuksan ako.
"Thankyou, Jin" Nakangiting tugon ko saka pinahid ang mga luhang tumakas sa mga mata ko.
"Sige na baka ma-late ka pa" Sambit nya, tumango naman ako at tumalikod na sakanya.
"Shannon!" Rinig kong tawag ni Jin kaya huminto ako sa paglalakad at lumingon sakanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mag dinner tayo mamaya, may sasabihin ako" Tugon nya, kumunot ang noo ko pero napawi rin nung kumaway sya at mabilis na bumalik sa kotse nya.
Nagkibit balikat nalang ako saka tuluyang pumasok sa loob.
Ano naman kaya yun? seryoso kasi sya eh, ayoko pa naman sa lahat yung pa-suspense gusto ko yung kapag may sasabihin e yung sasabihin agad yung wala nang maraming hanash!
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...