Shannon's POV
"Ano ba Shannon? kanina ka pa ikot ng ikot nahihilo nako sayo" Angal ni Erica na prenteng nakaupo sa sofa ng aking office.
Kanina pa ako hindi mapakali dahil pinag-iisipan ko kung magreresign naba ako o hindi. I already have my resignation letter with me.
Hindi ko yata kakayanin na magtrabaho pa dito lalo na't andito na si Taehyung and ofcourse hindi rin mawawala si Casey, she must surely part of this company. Lumiliit lang ang mundo namin.
"Andyan na kaya si Taey— Sir. Timothy? I've made up my mind and I am now sure with my decision na magresign" Sambit ko at pabagsak na naupo sa tabi ni Erica.
"Ano ba kasi ang dahilan?" Tanong nya at ngumiti ng nakakaloko. Tumaas ang kilay ko dahil parang may meaning yung ngiti nya.
"Ah... ano... wala naman" Palusot ko. "Kase ano pala... may magandang offer sakin ang CelestiaLim" Dagdag ko pa.
"Yun ba talaga? sabi mo wala tas biglang may offer, ano ba talaga?" Mas lalo syang ngumiti ng nakakaloko.
"Oo nga kulit mo!" Sagot ko. Nagkibit balikat nalang sya at lumabas na sa office ko. Humabol pa sya ng isang tawa.
Bakit ang weird ng babaeng yon ngayon? Napamasahe nalang ako sa sentido ko at napatingin sa nakatuping papel sa table ko, my resignation letter. Sigurado na ko na aalis nako sa kumpanyang ito. Ako nalang siguro yung lalayo.
Huminga ako ng malalim at mariin na pumikit. Napadilat ako nang biglang bumukas ang pinto. Niluwa nuon ang isang lalaki na naka white long sleeves polo na naka bukas ang butones hanggang sa dibdib at nakatupi ang manggas ng kaunti. Napababa din ang tingin ko sa maayos na pagkaka tuck-in ng polo sa kanyang pantalon. Pormal na pormal sya tignan sa suot nya ngayon.
"May ginagawa ka?" Tanong nya.
Lumunok ako bago magsalita. Feeling ko ay hindi ako makahinga para akong nauubusan ng hangin.
"W-wala naman... S-Sir.." I bit my lower lip. "...Timothy"
Pasimple kong piniga ng mahigpit sa laylayan ng dress ko.
"Good because you're coming with me" sambit nya sabay hagod ng paitaas sa buhok nya. I can see him as a good looking young man now. For sure lahat ng babaeng makakakita sakanya ay magkakandarapa para sakanya.
"Ha? Bakit? Saan?" Naguguluhang tanong ko. Mas lalong napakapit ang hawak ko sa laylayan dress ko nang lumapit sya sa akin.
Halos bumaon ang mga ngipin ko sa pang ibabang labi nang itukod nya ang kanang braso nya sa sandalan ng sofa habang ang isa naman ay sa tabi ng hita ko. He's so close to me right now and we're only inches apart. Damn why is he doing this?! Nakakulong ako sa mga bisig nya anong gagawin ko? Send help!
Iniwas ko ang tingin ko dahil diretso syang nakatingin sa mga mata ko na tila binabasa ang iniisip ko.
"You're asking why? ofcourse you're my secretary, your are obligued to come with me whenever I want to" Sambit nya na halos ibulong nya nalang. I could smell the scent of mint in his warm breath and it sends shiver down to my spine. Parang gusto ko nalang lumubog ng tuluyan sa kinauupuan ko.
Ilang saglit pa kaming tumagal sa ganoong posisyon nang biglang tumunog ang cellphone nya dahilan para lumayo sya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. That was too close!
"Hello?... okay hintayin nyo nalang kami... sige.." Sambit nya habang nakatalikod sakin.
Tila ako hinabol ng sampung kabayo dahil di parin maawat ang mabilis na tibok ng puso ko. Damn you, Taehyung!
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...