Shannon's POV
"Paano mo nasabe?" Napairap ako at naglihis ng tingin.
Ano bang ginagawa nito dito?
"Bakit ka nagresign?" Malamig na tanong nya.
Bigla akong kinilabutan at para akong pinagpawisan ng malamig.
Ito nanaman sya at ginugulo ang sistema ko. Punyeta!
"Tinatanong kita, paano mo nasabe?"
"Tinatanong rin kita, bakit ka nagresign?"
Napabuntong hininga ako kasabay nang pag-ihip ng malamig na hangin.
K fine suko na ko sige na sasagutin ko na yung tanong nya.
"Wala lang gusto ko lang magpahinga muna. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko" Sagot ko. Ngumisi naman sya dahilan para mapatingin ako sakanya.
"See? goodbyes can be beautiful just like sunsets at maitutulad ko iyon sa pag-resign mo. Naging way yun para magkausap ulit tayo, iyon ang magandang part dun" Nakangiti syang tumanaw sa lumulubog na araw.
What the?! Ano daw???
Napahawak ako sa puso ko dahil sa paglakas ng tibok nito. Shit!
"H-ha? Hindi kita maintindihan" Naguguluhang tanong ko.
Weird nya tangina. Please, Shannon kapit lang wag kang marupok!
"Pumasok ka bukas at para sa kaalaman mo hindi ko tinanggap ang resignation mo, hindi ko yun pinirmahan in fact tinapon ko lang sya sa basurahan dahil ayoko nang may kalat sa office" Tumayo sya at nagpagpag ng puwetan.
"Umuwi ka na sainyo baka hinahanap ka na ng mama mo. Dumidilim na din delikado na sa daan, tara hatid na kita?"
Napalunok ako ng mahilab-hilab. My heart wants to say yes but my mind wants to say... yes too.
Tangina pati sarili ko tinatraydor narin ako.
"Sig-"
"Shannon!"
Di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Jacob na ngayon ay kakalapit lang sa amin.
"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan. Anong ginagawa mo dito? Ang sabi ni Tita Stella nakina Mikay ka" Bigla syang napatingin kay Taehyung at tinignan din sya nito.
"Ah oo nagpunta talaga ako dun napadaan lang ako dito" Palusot ko.
"Sinungaling" nakangising sabi nya habang nakatingin parin sya kay Taehyung.
Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Taehyung at kumunot ang noo nya. Kita ko rin ang pag taas baba ng adams apple nya.
Magsasalita na sana ako nang biglang si Taehyung ang magsalita.
"Dude, hindi yata maganda na pagsalitaan mo ng ganyan si Shannon" Kalma pero maawtoridad na sabi nya.
Bigla akong kinabahan dahil parang may tensyon na sa dalawa.
"E, ano naman sayo ngayon? Sino ka ba sa akala mo, boyfriend nya?"
Shit ano ba to? balak ba nilang mag-away? Shuta ganda ko naman. Pero kidding aside, ano ba tong nangyayari?
"Yun na nga e, sino ka rin ba sa tingin mo para pagsabihan sya ng ganun?"
Ramdam ko na ang inis sa boses ni Taehyung.
"Hoy ano ba kayo? walang kwentang bagay pinagtatalunan nyo?" inis na sigaw ko sa pagitan nila.
"Ano bang problema mo Jacob?"
Tumingin sya sa akin.
"Sabi mo galing ka kina Mikay hindi ba? Wala si Mikay sakanila, Shannon. Dahil nasa bar siya kasama sina Cara at kaya ako nandito dahil para sunduin ka dahil pinapasundo ka nila kasi hindi ka nila matawagan"
Napakapa ako sa bulsa ko. Sheez naiwan ko pala yung phone ko.
"Ganun ba? Gusto ko lang naman kasi magpahangin kaya ako nagpunta dito. Nagsinungaling ako kay mama dahil baka hindi nya ako payagan lumabas" Tugon ko.
"Okay sige, tara na at ihahatid na kita sainyo. Sasabihin ko nalang sakanila na masama ang pakiramdam mo" Sambit nya at hinawakan ang kamay ko.
"Teka lang dude ah, Ako kasi ang maghahatid kay Shannon e" Pagpigil ni Taehyung.
Oo nga no, papayag na nga pala dapat ako.
"Hindi na ako nalang" Sagot ni Jacob at hinila nya ako pero agad din akong binawi ni Taehyung.
"You should go dude baka hinihintay kana nila Mikay doon, Go on and tell them na hindi makakapunta ni Shannon at ako na ang bahala sakanya" Sambit naman ni Taehyung at mabilis nyang hinakawan ang bewang ko. Napatingin si Jacob sa ginawa nya at kita ko ang pagkuyom ng kamao nya.
Mukhang hindi na maganda ang timpla ni Jacob kaya inunahan ko na sya.
"Sige na Jacob kay Taehyung nalang ako sasabay. Mag-iingat ka"
Napatango nalang sya at wala nang nagawa. Umalis na sya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Hindi na ko magtataka kung bakit mukhang hindi nya gusto si Taehyung dahil sa naikwento ko sakanya noon.
"Hindi ka dapat pumapayag na ginaganon ka ng lalaking yon" Reklamo ni Taehyung habang nagmamaneho.
"Concern lang siguro sya kaya ganun" Sagot ko sabay irap sa kawalan.
Bakit ang oa nya? may nalalaman pa syang pahawak-hawak sa bewang ko tangina baka nakakalimutan nya iba na ang sitwasyon namin ngayon. Hindi na nya pwedeng gawin yung mga bagay na ginagawa nya dati.
"Hindi concern yun. Lumayo ka na nga dun mukhang walang maidudulot na maganda sayo yun"
"Ikaw din naman wala ah?" Biglang sagot ko.
Natigilan ako dahil sa sinabi ko. Shuta wrong move!
Pero bakit nga ba ako matatakot?
"Oo nga pala sorry." Malamig na tugon nya.
Kinagat ko nalang ang labi ko at dina sumagot pa.
"Salamat at pasensya sa abala. Mag-iingat ka" Sambit ko nang makababa ako sa kotse nya.
"Sige salamat. Basta bukas ah?" Sagot nya at tumalikod na sa akin.
"Pag-iisipan ko" Sagot ko dahilan para tumigil sya saglit pero di na sya lumingon at tumuloy na sya sa pagpasok sa loob ng kanyang sasakyan saka ito mabilis na pinaandar.
Napabuntong hininga nalang ako at tahimik na pumasok sa gate saka ito nilock.
Bakit ganun yung mga pinakita nya kanina? May pake nanaman ba sya sakin?
Bakit ang protective nya?
Ito nanaman yung kinakatakot ko e... yung mahulog nanaman sakanya.
Oo nga pala patuloy nya parin palang inaalipin ang puso't isip ko. Walang nagbago.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...