KTS [27]

1.1K 56 27
                                    

Okay di ko alam kung matutuwa ako o ano dahil nabitin kayo sa last update hehehe thankyou!!! Di ko talaga inexpect na mabubuhay ulit yung mga readers nitong KTS 😍 More readers to come satin hihi!

Dahil love ko kayo eto na ulit. 💕

Shannon's POV

Depression is not a joke, you will never know how hard it is to be depressed until you could see yourself drowning, slowly.

It's been a month since I commited suicide, how bullsht I am for trying to kill myself. Sa sobrang depressed ko hindi ko namalayan na birthday ko pala non, ang ganda ng regalo ko sa sarili ko. Muntik ko na palang masayang yung buhay ko, yung 20 years na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.

Nung mga panahon na sobrang nalugmok ako at feeling ko pa wala akong kakampi hindi ko manlang naisip na may mga kaibigan nga pala ako na pwedeng pagsabihan ng problem, na pwedeng iyakan. Sa sobrang lungkot nakalimutan ko sila habang sobra kong kinakaawaan ang sarili ko.

Ilang saglit matapos akong mawalan ng malay noon, naramdaman ko nalang na nasa madilim na lugar ako, as in madilim. Walang liwanag. Try mo pumikit, ganun kadilim. Natakot ako, nagsimula na kong umiyak non. Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko pero parang walang katapusan hanggang sa may maaninag ako na pintuan, nabuhayan ako ng loob at tumakbo ulit, kaso sa bawat hakbang ko ay lumalayo rin yung pinto.

Nakaramdam ako ng pagod at umiyak nalang, ano bang ginagawa ko dito? bakit ako napunta dito? Tila wala nakong pag-asa.

Pero yung pinto lumiwanag, kita ko kahit malayo. Narinig ko ang pagmamakaawa ni Mama na lumaban ako pati ang paghingi ni Papa ng sorry ng paulit-ulit at si Shane na sinasabing namimiss na nya ako.

Gustong-gusto ko tuloy na makalabas agad sa pinto kaya tumayo ako at tumakbo ulit kaso lumalayo nanaman yung pinto. Kahit nakakapagod ay pinilit ko parin tumakbo kaso nakarinig ako ng mga boses na nagsasabing 'wala akong kwenta that I don't deserve to be love at walang may kailangan sa akin, na hindi na dapat ako nabuhay sa mundo'

Napayuko nalang ako at tinakpan ang tenga, nakakatakot yung boses, malaki at talagang nakakakilabot pero walang mangyayari kung magpapatalo ako. I started to cry because I could remember what I did to my precious life that God has given to me, Sobrang pinagsisisihan ko na tinangka kong tapusin ang buhay ko, I asked God for his forgiveness and a second chance to live para itama ang malaking pagkakamali na nagawa ko. Akala ko hindi nya ako papakinggan hanggang sa mamalayan ko na unti-unti ko na palang minumulat ang mga mata ko.

Hindi ko pa gaanong naaaninaw ang lahat pero sobrang liwanag at masakit sa mata, nakapasok naba ako sa maliwanag na pintuan? nasa langit na ba ako?

Puting kisama at isang mahabang ilaw ang bumungad sakin nang maging malinaw ang lahat, kumurap pa ako ng ilang beses bago i-gala ang paningin at doon ko nga narealize na nasa hospital ako. Anong ginagawa ko dito? Anong ginagawa ni Jacob dito?

Kumunot ang noo ko at bigla kong naalala ang lahat, Oo nga pala tinangka kong tapusin ang buhay ko sa paraang pag inom ng maraming gamot.

Si Jacob ang huli kong nakita bago magdilim ang lahat at sya rin ang una kong nakita nung lumiwanag na ulit. Anong pakay nya at nandito parin sya sa tabi ko?

Ilang araw din akong naconfine sa hospital, sinabi sakin nila Mama na ilang araw din akong unconcious. Dumadalaw daw ang mga kaibigan ko kahit na wala pa akong malay. Nagsorry silang dalawa ni Papa sakin at grabe yung pag-iyak nila nung makita nilang gising na ako.

Hindi ko dapat hinayaan ang sarili na magpalamon sa kalungkutan at sakit, isang tao lang yung nawala kumpara sa dami ng taong nakapaligid sakin na handa akong damayan at pahalagahan. I'm so blessed dahil hindi nila ako iniwan nung mga panahong nakikipagsapalaran ako kay kamatayan. Siguro nga hindi ko pa oras kaya binigyan ako ng isa pang pagkakataon, Thank God dahil pinakinggam nya ang pagsamo ko.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon