KTS [42]

878 33 0
                                    

Shannon's POV

"Really? nagpropose na sya sayo?" Napahinto si Casey sa pag timpla ng gatas sa baso

"Yas! you heard it right" Ngumingising tumango ako. I just can't stop myself from smiling since the night when Taehyung asked me to marry him.

"Ang bingi mo rin no Casey? buntis ka lang pero hindi bingi okay?" Sabat naman ni Mikay habang busy sa pagdikit ng ribbon sa mga invitation para sa nalalapit na kasal nina Casey at Andrew.

"E hanggang dito lang naman kasi ang usapan" Bwelta naman ni Casey at gumuhit pa ng invisible line sa pagitan naming dalawa at ni Mikay.

Natawa tuloy ako sa bangayan ng dalawa. Ganyan lang yang mga yan but trust me magkasundo ang dalawang yan.

Wala na ang riot sa pagitan naming tatlo no!

"Para kayong mga sira dyan alam nyo yon?" Tumatawang sambit ko sa dalawa.

"Anyways, can I see the ring? knowing that idiot? it'll surely a diamond ring" Ani Casey at ininom ang tinimplang gatas saka maingat na inilapag sa mesa pagtapos ay kinuha nya ang kamay ko. "Oh asan na yung singsing?" Pagtataka nya.

"Iyon lang wala pa ang singsing, it was an ambush proposal" Natawa ako at binawi ang kamay ko.

"Ay ganern? so parang nanigurado lang talaga sya?" Tanong naman ni Mikay dahil dun ay tumango-tango ako habang kinukuha ang mga natapos nang invitation na ginawa niya para i-sort.

"Ganun na nga"

"So you two having a sexy time already? magkakaroon naba agad ng kalaro ang magiging anak ko?" Sambit ni Casey at hinimas pa ang tiyan.

Naalala ko tuloy ang muntik na mangyari sa amin. It happened weeks ago pero parang kagabi lang nangyari dahil hindi talaga iyon mawala sa isip ko. Hindi naman na iyon nasundan dahil naging busy si Taehyung sa company dahil sa mga bagong investments, advertisements at new clothing lines na i-lo-launch ng The Vest.

"What the hell Casey? kailangan mo talaga malaman kung may ginagawa kami?" Napairap tuloy ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Kakahiya!

"Why? masama ba? alam mo dati halos maghubad nako sa harap nya maakit lang sya kaso—"

"Enough okay? I don't care about your past with my Taehyung or you being a bitch before just stop okay? sumbong kita kay Andrew mo sige ka" Di ko na sya nagawang patapusin at agad na napatakip ng tenga habang naglilitanya. Malakas na tawa naman ang kumawala sa bibig nya at pati si Mikay ay nakisabay rin.

"Really girl? bitter ka parin sakin ano? don't worry he didn't touch me kahit halos i-alay ko na ang sarili ko sakanya" lalo syang humalakhak. "Kaya nga inis na inis ako sayo before kasi kahit hindi nya sabihin alam ko na ikaw ang gusto nya, I really hate you before Shannon but trust me, I love you so much now" Ani pa nya at niyakap ako.

"Hindi ko talaga ma-imagine na makikita ko kayong ganyan" Napatingin kami kay Mikay na umiiling-iling habang nakangiti sa amin.

"Inlove ako non kaya what do you guys expect? to befriend you and you?" Tinuro nya ako at si Mikay. "That was the common reaction when you saw the girl na gusto ng taong gusto mo pero seriously parang gusto kong masuka sa kagagahan ko dati" humalukipkip sya at napairap pa sa ere. Nagkatinginan naman kami ni Mikay nang parehong maalala ang pagganti sa mga kalokohan ni Casey noon. "And I was so immature that time oh my god!" Ani pa nya na parang dirin-diri sa mga naaalala dahil dun ay mas lalo kaming natawa.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon