KTS [29]

897 43 19
                                    

Shannon's POV

Pinagmasdan ko ang repleksyon sa salamin matapos kong maghugas ng kamay. Hindi parin humuhulas ang aking makeup at nananatili parin ang pagkakulot ng aking maiksing buhok. Ngumiti ako habang minamasdan ang aking sarili.

I still can't imagine na degree holder na ako! Kahit sinubok ako ng mga obstacle sa buhay ay eto at nakagraduate na ako. Words are not enough to express how happy I was. Si mama at papa ay sobrang proud sa akin, naiyak pa tuloy ako kanina nang umakyat ako sa stage para tanggapin ang diploma ko.

Ngunit napawi ang ngiti ko nang maalala ko nanaman si Taehyung. Sana ay nandito rin sya ngayon, sana ay sabay kaming sisimulan ang pagtupad sa mga pangarap namin. Ang galit ko kay Jin ay muling nabubuhay sa aking sistema dahil kasalanan nya itong lahat!

Pinaghiwalay nya kami ni Taehyung tapos ngayon ay magpapakasal na sya sa iba. Sinira nya lang ang sana ay nagsisimulang relasyon namin. I should have not forgive the hell out of him.

"Bakit ka nakasimangot dyan?" Tanong ni Mikay nang makabalik ako sa aking upuan galing sa cr. Sama-sama kami ngayon dito sa resto ni Papa para i-celebrate ang aming graduation.

Kasama ni Mikay si Jimin at Jungkook. Also Jacob's family are here as well. Papa invited them anyway.

"Wala naman. Naalala ko lang yung ginawa ni Jin sa amin ni Taehyung" Mahinang sabi ko. Ayoko nang may makarinig pa na iba tungkol dito. I caught Jacob looking at me, tinaasan ko sya ng kilay pero nag-iwas lang sya ng tingin.

Walang araw at oras na hindi ko naaalala si Taehyung. Patuloy nya paring inaalipin ang puso ko. I tried to move on but I failed. Narealize ko na hindi ko dapat sya kalimutan dahil may parte parin sa puso ko na umaasa na baka isang araw ay balikan nya ako.

"Akala ko ba kinalimutan mo na yun?" Tanong ulit ni Mikay bago sumimsim sakanyang mango shake.

"Eh naalala ko ulit. Tangina nanggigigil ako! Delay lang siguro mag-react ang sistema ko"

Di na sumagot si Mikay dahil biglang nagsalita si Tita Celes.

"So what's your plan now, hija? Balak mo na ba magtrabaho? May company ka na ba na balak applyan?" Tanong nya sa akin. Pilit naman akong ngumiti para itago ang iritasyon sa alaala na ginawa ni Jin.

"Yes po, Tita. Actually may company na nag-e-mail sa akin, they want me to work for them." Pormal na sagot ko.

Nung nakaraang linggo ko natanggap ang e-mail galing sa isang Clothing Line company. Bago lang ito pero nagsisimula nang gumawa ng pangalan dito sa bansa at sa America. Nagtataka parin ako kung bakit ako lang ang sinendan nila ng e-mail mula sa batch namin. It's kinda weird like how do they know me? Does our school refer me to them?

Tinanong ko si Mikay tungkol dito, wala pa daw nag e-mail na company sakanya kaya ang balak nya ay sa CelestiaLim mag-apply since may experience na sya doon. Ofcourse I want to grab this opportunity dahil unti-unting nakikilala ang company na iyon and I heard na maganda ang pasweldo doon.

Bakit nga ba hindi ko naitanong sa school ang tungkol dito? pero huwag na siguro dahil huli na, Why not try it, right? Baka ito na ang simula ng pag-usbong ng career ko.

"Good for you hija, maybe that company saw your potential. Pero kunsakaling hindi mo magustuhan doon ay welcome ka parin sa CelestiaLim" Nakangiting tugon ni Tita Celes.

"Sure, Tita." Ngumiti rin ako sakanya.

"You're hired, Ms. Min. Our boss wants you to be his secretary, iyon ang binilin nya sa akin bago sya bumalik ulit sa America"

Ngayon ang interview ko and I'm glad to hear na tanggap na ako! I'm still wondering kung sino ang CEO ng Company na ito.

Tumango ako kay Ms. Erica bago sya magpatuloy sa pagdidiscuss sa akin.

"Kakaalis lang ni CEO last week and 5 months pa ang itatagal nya dun sa America kaya responsibilidad mo na i-update sya lagi sa mga kaganapan dito sa company and also you have to e-mail him whenever there's a documents or reports na kailangang ipa-approve"

Tumango-tango ako.

Medyo nakakaramdam ako ng kaba. Bakit pakiramdam ko ang bigat ng tungkulin ko? at nakakapagtaka na may position na agad ako, hindi ba dapat iaapply ko muna ang position na gusto ko? Nagulat na nga lang ako na pinatawag na nila ako para sa interview.

"Sa rules and regulation naman.." Napahawak si Ms. Erica sa baba nya at napaisip. "Ah ayun, uunahin ko na para sayo yung no string attached sa ating boss dahil sa mga naririnig ko ay mahigpit at selosa ang girlfriend non, jowain mo na ang lahat ng lalaki dito huwag lang si CEO because his girlfriend could make you feel like you don't want to mess with her"

Natawa ako dahil sa sinabi ni Ms. Erica, why would I do that? Flirting is not my thang. Baka nga mamaya e thunders na ang magiging boss ko 'no.

"I'm not like that, Ms. Erica"

Natawa naman sya at may paghampas pa.

"Ofcourse, Ms. Min. Pero sinabi ko lang dahil balita ko ay masyadong intimidating si CEO"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi mo pa ba sya nakikita?" Tanong ko. Umiling naman sya sabay hawi sa mahaba at makintab nyang buhok.

"Nope. Pare-pareho lang tayong bago dito since bago palang din itong company, 2 months palang ako dito. Nakakausap lang namin si CEO through e-mail, he's kind of mysterious and we might as well saw him sa grand launch ng The Vest and other group of companies pag nakabalik na sya dito sa bansa"

Nacurious tuloy ako. Pa-epek nya ba itong pagiging mysterious? Strategy nya ba ito para mas lalong makahatak ng business partners at investors?

"Group of companies? does that mean na hindi lang clothing line ang company na ito?" Tanong ko. Tumango naman si Ms. Erica.

"Actually, The Vest is one of the group of companies na pagmamay-ari ng pamilya ni CEO"

Now I know kung bakit malaki ang pasweldo dito. Hindi ako nagkamali na i-grab ang opportunity na ito.

Magsasalita pa sana si Ms. Erica nang biglang tumunog ang cellphone nya. Inexcuse nya muna ang sarili bago sinagot ang tawag.

This is it! nasa real world na ako, I mean kailangan na magseryoso. Hindi na joke time ito. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko para sa future ko dahil hindi naman pwedeng habang buhay na nakasiksik ako sa puder ng mga magulang ko.

"Mag-start kana bukas, Ms. Min. Marami pa sana akong i-didiscuss kaya lang pinapatawag na ako"

"It's okay, Ms. Erica" Nakangiting tugon ko. Tumayo narin ako at binitbit ang folder ko.

"Erica nalang, Shannon" Tumawa pa sya nang banggitin ang pangalan ko. Hindi naman gaanong nakakailang dahil mukhang hindi nalalayo ang edad nya sa akin.

"Alright, Erica"

Lumawak ang ngiti nya sa akin. Mas lalong umaliwalas ang mukha nya nadagdagan pa ang ganda nya nang makita ang braces sa ngipin nya.

"Okay, See you tomorrow"

Tumango ako bago sya tumalikod at tuluyang lumakad. Lumakad narin ako patungo sa elevator, may mga nakasabay pa ako na magalang na ngumiti at bumati sa akin. I must say na hindi jurassic ang mga makakasalamuha ko dito.

"Kumusta ang interview?" Tanong ni Jacob na nasa tabi ko, lumingon ako sakanya saglit bago isubo ang popcorn na hawak ko.

"Okay naman, start na ko bukas" tugon ko.

Pauwi na sana ako kanina nang bigla akong tawagan ni Jacob para ayain manuod ng cine. Good thing dahil wala naman nakong gagawin kaya pumayag ako sa alok nya.

"Nice. Pero sayang dahil hindi ka sa company magwowork hindi mo na tuloy makikita ang kagwapuhan ko" Banat nya dahilan para maibuga ang popcorn na nasa bibig ko.

Wtf! umaandar nanaman ang pagiging mahangin ng isang ito.

"Share mo lang?" Pambabara ko.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon