Shannon's POV
Nakakapanibago. di ako gaanong nakatulog kagabi, siguro namamahay pa 'ko, maaga akong nagising ngayon dahil may pasok pa ko.
Katatapos ko lang maligo at nakabihis narin ako syempre, hinanda ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ulit si Jin
"Hi Goodmorning" nakangiting sabi niya
Ang bait niya talaga plus pa yung ang gwapo niya, Kinikilig tuloy ako hehehe
"Goodmorning din Sir Jin"
"Tanggalin mo na yung Sir, nakakailang" sabi niya sabay tapik sa balikat ko
"Ah okay Jin, pero diba sir ang tawag sa iyo ng mga maid nyo dito?" tanong ko
"Sanay na ko sakanila, pero sayo hindi hahaha sige papasok ka pa diba? baka ma late ka?"
Ay putspa oo nga pala
medyo malayo nga pala yung school namin mula dito. Aishh!! inuuna pa kasi yung landi eh
"Sige bye" sabi ko at tumakbo na palabas.
Pagkalabas ko ng gate ay napahinto ako
"Ang tagal mo naman, kanina pa kita hinihintay alam mo ba yun?" sabi ni Taehyung habang nakasandal sa gilid ng kotse niya, oo kotse niya rich kid nga siya diba
"Excuse me? did I say na hintayin mo 'ko?" mataray na tanong ko sa kanya napangisi naman siya
"Ewan ko sayo ang arte mo tara na nga" sabi niya at kagad niyang hinila ang braso ko pero binawi ko iyun
"Teka nga, di ko alam kung anong ka-abnormalan nanaman yang iniisip mo, so pwede ba mauna kana at ayokong sumabay sayo" pagmamatigas ko, tumalikod na ko sa kanya at sinimulan nang maglakad
Pabibo naman siya masyado, anong akala niya sasabay ako sakanya?
Baka mamaya maaksidente pa kami ayoko pang mamatay no
"Hoy Shannon wag ka nang pakipot diyan sumakay kana sabi eh" pagpipilit ni Taehyung
Binabagalan niya lang yung andar ng kotse niya para masabayan ang paglalakad ko.
Ano ba talagang iniisip ng lalaking to? kaya kong pumasok ng mag-isa ng hindi siya kasabay
"AYOKO NGA SABI EH MAUNA KANA NGA!" Sigaw ko at nagtatatadyak dahil sa sobrang inis ko
"HAHAHAHAHAHAHA" so tinatawanan niya lang ako
Tangina baliw na ba talaga tong lalaking to? anu bang nakakatawa?!!
"ANONG NAKAKATAWA HA?" Sigaw ko
"Ang cute mo mukha kang bata" sabi niya pagkatapos ay lumabas siya ng kotse niya
Lumapit siya sakin at inakay niya ko papasok sa kotse niya, Siguro dahil sa inis at dahil sa mapilit siya hinayaan ko na siyang isabay ako.
Nakasimangot lang ako habang tinatahak namin ang daan papasok sa eskwelahan
Sino ba naman ang hindi sisimangot dahil sa lalaking to??
Kumukulo talaga yung dugo ko sa tuwing makikita ko siya.
"Ow were here!" masayang sabi niya
Pagka-park niya ng kotse niya ay bumaba na kagad ako di ko na hinintay na pagbuksan niya ko
Di ko na siya pinansin at naglakad na 'ko.
"Shannon!" napalingon ako ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko, Si Mikay pala tumakbo siya palapit sa kin
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfic"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...