KTS [11]

2.1K 52 8
                                    

Hi mga bebeqouh! eto naaa, after 12345678910 years sa wakas nakapag-update na rin si aq hehez sorry if I made u wait mga bebe hihi lab na lab ko kayo kaya eto na 😊

PS: mas maganda magbasa kung may net kayo para makita nyo yung mga nakalagay na multimedia.

Sana magustuhan nyo mwaaaps!

•••

Shannon's POV

"Nak konting tiis nalang! nako ang saya ko at makakaraos ka na din sa kolehiyo" masayang sabi ni mama sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako, di ko alam kung dapat ba ko maging masaya.

"Oo nga po ma, e. Mabait naman po kase si Taehyung kaya di ako gaanong nahirapan sa tatlong taon na kasama sya" tugon ko kay mama.

Mabilis na dumaan sa amin ang tatlong taon, parang kahapon lang nahihirapan pa akong mag-adjust sa schedule ko sa school at sa pagiging alalay ko kay Taehyung, andyan din yung nalagpasan ko yung pambubuwisit nya habang ginagawa ko ang thesis namin.

"Kaya nga ang swerte mo at s'ya ang naging amo mo" Ani mama.

"Kaya nga po e." tugon ko.

3rd year college na kami at konting kembot nalang makakamit ko na ang tagumpay na hinahangad ko.

Halos isa't kalahating taon nalang ang igugugol ko sa bahay na ito kasama si Taehyung.

"E nak, kamusta naman ang panliligaw sayo ni Jin?" humagikgik si mama.

2nd year college ako nung umamin sa akin si Jin na gusto nya daw ako, syempre malandi ako kaya keleg naman ang lola mo. Mahigit isang taon nya nakong nililigawan.

Bet ko naman sya pero hindi ko pa sya magawang sagutin, dahil bukod sa gusto ko munang makatapos sa pag-aaral ay parang may pumipigil sa akin.

"Ayos naman ma, minsan dumadalaw sya dito"

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit simula nung ligawan ako ni Jin ay mas pinahirapan ako ni Taehyung. Naging cold nadin sya sakin

"Ah sige anak basta lagi mong tandaan na kung saan ka masaya e doon ako, susuportahan kita"

Napabuntong hininga nanaman ako. Sa ngayon di ko na kase maintindihan kung ano ba 'tong nangyayari sa akin, parang may kakaiba sa sistema ko.

Parang may lungkot na hindi ko alam.

"Thank you po ma! pupunta po ako dyan bukas para maibigay ko yung pambili ng project ni Shane" Sambit ko kay mama habang pinagmamasdan ang naipon kong pera.

"Osige anak, isama mo si Taehyung para mapadalhan ko sya ng paborito nyang ulam" I bit my lower lip.

"Sige po, uhm bye na ma, may gagawin pa kasi ako e" Sambit ko at pinatay na ang tawag.

Humiga ako ng maayos at niyakap ang human-sized teddy bear na binigay sa akin ni Taehyung nung pasko.

Di ko namalayan na nakatulog pala ako nagising lang ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko, nagtext pala si Taehyung

Di ko namalayan na nakatulog pala ako nagising lang ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko, nagtext pala si Taehyung

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon