KTS [21]

1.1K 55 7
                                    

Shannon's POV

"Shannon, tara na kumain ka muna" Aya ni Mikay sakin. Umiling lang ako.

Oo nga pala, hindi pala ako kumakain magmula kanina. Dibale marami naman akong nakain kagabi.

Kagabi, kung saan masaya at sabay kaming kumain ni Taehyung.

Ilang oras na syang nasa loob, wala paring balita sa mga doctor kung ano nang lagay nya.

Pagkagaling ko sa chapel kanina ay naupo ako dito sa labas ng ICU, gusto ko kasi kapag lumabas ang doctor ay ako ang unang makakaalam kung anong lagay nya.

"Sige dyan ka muna bibili lang kami ng pagkain" Sambit pa ni Mikay. Tumango lang ako.

Tinawagan ko din sina Mama para ibalita ang nangyare kay Taehyung.

Kung panaginip lang 'to sana naman magising ko, sana naman yakapin ako ng mahigpit na Taehyung o kaya halikan sa noo para naman magising na ko.

Ang hirap e, ang sakit! parang pinipiga yung puso ko.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to sana pala hindi ko sya tinulugan kagabi, sana pala nakipag harutan nalang ako sakanya, sana pala sinulit ko ang oras.

"Anak? Shannon, anak?" Napatingin ako kay Mama na humahangos palapit sakin, akay nya si Shane.

"Mama.." Tanging nasabi ko nang yakapin nya ko. Hindi ko pa pala nasabi kay Mama ang tungkol samin.

"Magiging okay din sya anak" Hinagod nya ang likod ko.

"Kamusta na si Kuya, ate?" Nag-aalalang tanong ni Shane.

"Hindi ko pa alam" Sagot ko. Inayos kasi nung mga nurse yung kurtina kanina nung mapansin nilang nakasilip kami kaya hindi na kami nakasilip pa sa loob.

"Kumain ka na ba? Mukhang kailangan mo magpahinga anak" Hinaplos ni mama ang magkabilang pisngi ko, Umiiyak narin sya ngayon.

"Mahal na mahal ko sya, Mama. Hindi ko kakayanin kung mawawala sya" Hagulgol ko. Medyo nagulat si Mama base sa reaksyon nya.

"Kayo na ba anak?"

Umiling ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mama. Niyakap nya nalang ako.

"Kayo po ba ang kamag-anak?" Rinig kong tanong ng taong mula sa bumukas na pinto ng ICU. Kaagad akong tumingin sakanya. Isa sya sa mga doctor na umasikaso kay Taehyung kanina.

"Kamusta na po sya? Ligtas na po ba sya?" Kaagad na tanong ko

Huminga sya ng malalim at inayos ang salamin.

"Masyadong malala ang mga tinamo nya, marami ring dugo ang nawala kaya kakailanganin nya ng blood transfusion, mayroon kayong 6 hours para makahanap ng blood donor" Paliwanag nya. Nanlambot nanaman ang mga tuhod ko.

"Ano po bang blood type nya, doc?" Tanong ni Jimin na kadadating lang kasama sina Mikay.

"AB.." Sagot nung doctor. Tinignan ko sila, mga nanlumo ang itsura.

"May AB, ba sainyo?" Tanong pa ni doc. Umiling sila Mikay pati si Mama, dahil dun ay mas uminit ang mga mata ko.

May ilalabas pa palang luha ang mga mata ko kahit kanina pa walang patid ang pag-agos nito.

"Kung ganoon ay kailangan nyong maghanap ng magmamatch sakanya... or else... baka may mangyaring hindi maganda.... maiwan ko na muna kayo" Hinubad nya ang face mask at umalis na.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon