Taehyung's POV
Napangiti ako nang makita kong may text galing kay Shannon kaya dali-dali kong tinignan iyon.
Taena kinikilig nanaman ako! Ang ganda talaga ng habibi ko! partida bagong gising pa yan natypo pa tuloy.
Iniba ko narin yung pangalan nya sa contacts ko pati ang background ng convo namin.
"Here's your order sir" Napatingin ako sa crew na naghatid ng order dito sa table.
Umorder kasi ako ng burger at large fries para saming dalawa ni Shannon, sinamahan ko na din ng Coffee dahil alam kong mahilig sya sa kape.
Nilapag ko ang cellphone ko sa table at ngumiti sa crew.
"Thanks" Sambit ko. Tumango naman ito at umalis na. Inayos ko muna yung mga bag at nagtype ng reply para kay Shannon.
Ibinulsa ko na ang cellphone ko matapos syang replyan. Kaagad akong dumiretso sa sasakyan at maayos na sinalansan ang mga binili ko sa passenger seat.
Ramdam ko parin ang pagkirot ng gilid ng labi ko, medyo sumasakit din ang ulo ko. Bumili ako kanina ng band-aid para matakpan yung cut na may pasa na ngayon.
Dibale, hindi naman makakabawas 'to sa kagwapuhan ko. Mawawala din naman kaagad to.
Excited nakong umuwi, satingin ko pwede ko nang makuha ang matamis na Oo ni Shannon. Wala nang magagawa si Jin.
Wala nang makakahadlang sa aming dalawa.
Binuksan ko ang radio, Mundo by IV OF SPADES ang kanta.
Bigla kong naisip si Shannon. Simula nung araw-araw na makasama ko sya pakiramdam ko sakanya na umikot ang mundo ko. Kahit may mga oras na hindi ko sya nakasama ay parang nabawi na yun dahil pinaparamdam nya naman na sakin ngayon na mahal na mahal nya rin ako.
Mahal na mahal ko sya at kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mabuhay muli ay sya parin yung pipiliin ko.
Handa ako'ng itaya lahat pati ang buhay ko para lang sakanya.
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...