Shannon's POV
Tama ba itong nababasa ko? pinagsesend ako ni Sir. Timothy ng selfie kasabay ng documents for approval?
Me: But why sir? is that necessary?
Reply ko kay sir, kasalukuyan syang naka-online sa gmail ngayon.
TmthyK: Yes, may problema? i wanna know kung ginagawa mo ba talaga ang mga trabaho mo. i need a proof.
Napakamot ako ng ulo. So pinagdududahan ako ng boss ko?
Me: Sige sir wait lang. sorry po hehe.
Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok saka ko binuksan ang front cam ng aking cellphone. I smiled awkwardly.
Nag-open ako ng gmail sa aking cellphone at doon ko sinend kay Sir. Timothy ang aking selfie.
Me: Ayan na po sir.
Napabuntong hininga ako pagkatapos. Iba rin 'tong boss ko e, baka mainlove pa sya sakin nako lagot sya sa girlfriend nya!
TmthyK: thanks. back to work.
At nasundan pa ang pagpapasend ni sir ng selfie ko sa tuwing mag-oonline sya sa gmail. I wonder kung pati sa ibang employee dito e naghahanap din sya ng selfie or proof.
"Buti naman at gising ka na"
Puting kisame ang bumungad sa akin pati ang lalaking hindi ko inaasahang nasa tabi ko ngayon.
"T-Taehyung.." Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa mukha nya hanggang sa tuluyan kong mahaplos iyon. Hindi panaginip ang nangyayari. Totoo nga na nandito na sya.
Naramdaman ko nanaman ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.
"Sa tingin ko pwede na 'kong umalis since may malay ka naman na" Walang emosyong sambit nya. Hinawakan nya ang kamay kong nasa pisngi nya dahilan para tuluyang tumulo ang luha ko pero ginawa nya pala iyon para tanggalin iyon sa mukha nya.
Mabilis kong pinunasan ang mga tumakas kong luha. Ayoko nang ipakita pa sakanya na masyado akong apektado sa mga kilos nya. Hindi na nga talaga sya ang Taehyung na nakilala ko. Mas lalo syang gumwapo ngayon, mas naging pormal na ang dating nya, mahaba narin ang likod ng buhok nya ngayon. Hindi ko na makita sakanya ngayon ang masayahin na Taehyung noon.
"Due to over fatigue kaya ka nag-collapse kanina according sa doctor na nag-check sayo" Sambit nya nang hindi manlang ako nilingon dahil may tinitipa sya sa cellphone nya.
Ayoko na dito. Kung pwede lang e higupin nako ng lupa.
Wala naman na akong nararamdaman na masama sa katawan ko kaya sinikap kong makatayo. Hinagilap ko ang purse ko at nakita ko iyon sa katabing lamesa ng hospital bed, kaagad ko iyong dinampot pagkatapos ay mabilis kong sinuot ang stilletos ko na nasa sahig.
Uunahan ko na syang umalis. Ayokong maiwan mag-isa dito.
"Salamat sa pagdala sakin dito nag-abala ka pa. Sa bahay nalang ako magpapahinga kaya ko naman na ang sarili ko" Nakayukong sambit ko habang kinakabit ang strap ng aking stilletos.
Ayoko syang tignan dahil pakiramdam ko ay mapapaso ako.
"I'll drive you home kung iyan ang gusto mo" Sagot nya.
Oh, akala ko ba aalis na sya?
Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. What should I do? Should I run or should I stay and say yes? Damn ofcourse I won't choose the second option.
"Hindi na. Kaya ko naman sige mauna na ko" Sambit ko at sinimulan ko nang ihakbang ng mabilis ang mga paa ko.
"Shannon..." Napatigil ako sa binabalak kong pagtakbo at naikuyom ko ang aking kamao. Sheez Shannon!
BINABASA MO ANG
Kim Taehyung's Slave
Fanfiction"Okay, You're hired my SLAVE"- Kim Taehyung. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pagsilbihan tong lalaking to. ••• Magkasundo kaya si Shannon Min at ang kanyang magiging amo na si Kim Taehyung? Posible kayang may ma...