KTS [16]

1.6K 61 24
                                    

Taehyung's POV

Sa wakas! nasabi ko narin sakanya ang mga gusto kong sabihin. Sawa nako sa mga pagbabangayan namin, nakakasawa na yung lagi syang naiinis nang dahil sakin. Yes, masaya ako sa tuwing inaasar ko sya pero baka dahil dun mas lalo lang lumayo yung loob nya sakin kaya mas maganda yung malaman na nya.

Pero mas masaya yung malaman na gusto nya rin ako, Sabi na e, mahuhulog din sya sa kagwapuhan ko!

Pero mas masaya yung malaman na gusto nya rin ako, Sabi na e, mahuhulog din sya sa kagwapuhan ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kaso mukhang pinagtitripan naman ako ngayon ng tadhana, Right love at the wrong time yata ang dating namin ngayon dahil iniisip nya yung mga taong masasaktan namin.

Damn! anong magagawa nila kung di naman namin sila gusto!

Pati ba naman sa babae, magka-kompitensya parin kami ni Jin? fck!

Simula bata kami sya na yung laging pinapanigan, kinakampihan, pinapaboran.

Samantalang ako parang hangin lang.

Pero hindi nako papayag ngayon, ilalaban ko kung ano yung dapat na sa akin.

Shannon is mine, Shannon is my slave.

Ang akin ay sa akin lang.

"Tumahan ka na, mahal ko" umupo ako sa paanan ng kama nya.

Masakit na makita syang umiiyak.

Ni-lock pa nya yung pinto para di ako makapasok buti nalang naisip ko agad na may spare key nga pala ang kwarto nya.

"Mahal ko, harapin mo naman ako oh" sambit ko. hinawakan ko ang kamay nya na nakayakap sa unan na nakatakip sa mukha nya at pinisil ko iyon.

"Shannon, please..." mahinang sambit ko pa.

Dahan-dahan naman nyang inalis yung unan, basang-basa yung mukha nya at namumula pa ang mga mata, may mga buhok din na nakatabing sa mukha.

Awtomatikong dumapo ang kamay ko sa pisngi nya para punasan ang mga luhang satingin ko, ako ang dahilan.

Hinawi ko din ang mga hibla ng buhok na nasa mukha nya para ipunin sa likod ng tenga nya.

Diretso lang syang nakatitig sakin, ang ganda nya talaga.

Nakasimangot man o nakangiti, Naka-irap man o Nakatawa, Umiiyak man o masaya, Maganda parin sya.

"Bakit ang kulit mo?" Biglang tanong nya. Kahit wala ng luha ay humihikbi parin sya.

Ngumiti ako't unti-unting humiga para tumabi sakanya. Aangal pa sana sya kaso huli na dahil nakakulong na sya sa mga bisig ko ngayon.

Kim Taehyung's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon